"What are you saying, Yago? You are bring my children tapos sasabihin mong hindi ako kasama?!" galit na sabi ni Diana nang maabutan niya ang mga itong nag-uusap sa may sala. Biyernes na ngayon at bukas na ang bakasyon na inihanda ni Yago para sa kanila para sa pag-amin nila ng relasyon nilang dalawa sa mga anak nito pero mamayang gabi na ang alis nila. "I want a time alone with my daughters," simpleng sabi ni Yago na busy sa pagkalikot ng cellphone nito habang si Diana ay nakatayo at halos pumula na ang buong mukha sa pinagsamang galit at inis. "Pero kasama mo ang babaeng ito?" Turo nito sa kan'ya nang mapansin siya nito. "Of course, Ana is Chloe's nanny, marapat lang na kasama siya." "That is exactly my point. That girl is just her nanny but I am their mom pero ako pa ang hindi kasam

