"Aalis na muna ako, ikaw na muna ang bahala kay Chloe. And besides, may makakasama ka naman dito, sina Lina at Manang Luz. Ituturo nila sa iyo ang mga dapat mong gawin," seryosong sabi nito. Pero siya ay napatitig lang dito habang sinisipsip niya ang kutsarang hawak niya. "Can you please stop doing that?!" iritableng sabi nito. "Ha?" "Damn. Nothing!" At mabilis na itong bumaling sa anak nito. "Please be nice. Don't cause me a trouble, okay?" kausap nito sa anak. "Yes, dad!" Masiglang ngiti nito at mabilis na tumayo at lumapit kay Dok Pogi at yumakap. "Thank you, dad!" "For what, honey?" "For granting my wish because Ate Candies is finally here," masayang sabi nito dahilan para mapalingon ang doktor sa kan'ya. "Ako?" Takang tanong niya sabay turo sa sarili. "Don't mention it, ho

