"She will be Chloe's temporary nanny," mabilis na sagot nito sa batang babae. "Teka lang Dok, anong ibig sabihin niyon?" takang tanong niya. "I don't like her," mabilis na sagot ng bata. "I don't like you din!" balik na sagot niya rito. "Fiona, don't say that. She is much older than you, say sorry to her," seryosong sagot ng asawa niya. Gusto niyang mapangisi dahil ipinagtanggol siya nito. Mariin lamang siyang tinitigan ng batang babae pagkatapos ay walang ganang nagsalita. "Sorry." "Pinapatawad na kita," mabilis na sagot niya rito. "Sige na Fiona, you can go upstairs." Nang makaalis ang batang babae at napatitig siya kay Dok Pogi. "Why are you looking at me like that?" "Ang dami mo pa lang anak dok," seryosong sabi niya rito. "I just have two daughters," seryosong sagot din

