Habang nasa may biyahe sila ay biglang tumunog ang cellphone niya. Bago niya ito sagutin ay tumingin muna siya kay Yago at kita niyang nakatingin ito sa may gilid ng mga mata nito. Nang tignan niya ay kita niya ang pangalan ni Ashley sa may screen. Sa bata niya kasi niya ito ipinangalan dahil saigurado siyang si Ash lang naman ang tatawag sa kan'ya at hindi ang daddy nito. "Hello, Ash!" masiglang sabi niya rito. "Hello Tita Ana, can I see you again later?" "Huh? Mamaya?" "Yes po, Tita. I want to treat you some ice cream. Hindi po ba ay hihintayin niyo naman ang alaga niyo at wala naman po kayong ibang gagawin?" excited na sabi nito. Mabilis naman siyang napalunok at hindi kaagad nakapagsalita. "Please, Tita." Malalim naman siyang humugot ng hininga bago tumango. "Sige na nga." "Y

