Chapter 5

2008 Words
"Oh, ano na, Ana? Kumusta na iyang plano mong mapa-ibig iyang si Dok Pogi? Sabi ko naman kasi sa iyo. Ang mga ganda natin ay pang mga AFAM!" kinikilig pa na sabi ni Ria sa kan'ya habang nag-iihaw ito ng mga tinda nitong barbeque. "Hoy, Romeo. Huwag ka ngang atat diyan. Hintayin mo lang. Huwag kang mag-alala kapag naging mabait ka sa akin at kapag napangasawa ko na si Dok Pogi ay pakakabitan kita ng pepe." Ngisi niya rito dahilan para manlaki ang mga mata nito. "Totoo ba iyan, Ana?!" "Kailan ba ako nagsinungaling ha, Romeo?" "Hoy! Bakit ba Romeo ka nang Romeo riyan? Baka marinig ka pa ng ibang tao. Ria ang pangalan ko!" inis na sabi nito sa kan'ya. "Whenever!" Taas kilay na sabi niya. "Baka whatever?" pagtatama nito sa kan'ya. "Iyon na rin iyon!" Ismid niya at binagbilhan ang babaeng bumibili sa kan'ya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya kay Ria na bantayan ang mga paninda niya dahil iihi muna siya sa may ospital. "Alam mo Ana, kanina pa kita napapansin. Alas otso pa lamang ng gabi pero nakaka-sampong ihi ka na yata," sita nito sa kan'ya. "Eh kasi hindi ko pa natitiyempuhan ang asawa ko sa loob kaya sasadyain ko na siya sa may clinic niya at dadalhan ko siya nitong mga balut ko." Masayang sabi niya at mabilis na naglakad papunta sa may ospital. Minabuti niyang sa may hagdanan na lamang maglakad at baka iniiwasan lamang siya nito. Tahimik ang ospital kapag gabi kaya nagmamadali siyang umakyat dahil baka may makasalubong siyang multo. Ilang sandali pa ay nakarating na rin siya sa may clinic nito at kumatok. "Come in." Nang pumasok siya ay nakayuko ito kaya mabilis na siyang lumapit at inilagay ang mga balot na dala niya sa may lamesa nito. "Damn!" inis na sabi nito nang makita siya. "Hi, dok. Peace offertory ko iyan sa iyo. Tikman mo masarap iyan. Don't worry, malinis iyan sinabun ko muna iyan kanina bago lutuin." Ngiting-ngiti niya rito. "Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" may panggigigil na sabi nito. "Dok, sorry na. Huwag ka ng magalit. Sige ka at papangit ka niyan." At malawak na ngumiti rito. "You know what? I had enough. Get out and don't ever come back here," mahina pero mariing sabi nito. "Ikaw naman, masiyado ka namang highblood. Huwag mo munang kainin iyang dala kong mga balot ha? Bukas na lang kasi baka lalong tumaas iyang dugo mo. Sige na, aalis na ako. Please lang huwag mo na akong ihatid." Ngiti niya at mabilis na rin na lumabas. Kahit nagalit na naman ito sa kan'ya ay okay lang dahil nakita naman niya ito at buo na ang gabi niya. Kaya nang lumabas siya ay pasipol-sipol pa siya at todo ang ngiti. "Oy, Ana. Baka mapunit na ang mga labi mo ah," sita sa kan'ya ni Ria nang makabalik na siya sa may pwesto nila. "Ria, mahal na mahal ko na talaga siya," nangangarap na sabi niya sabay ningning ng mga mata. "Wow Ana, level up ka na ha? Dati mahal mo lang? Ngayon mahal na mahal mo na?" biro pa sa kan'ya nito. "Iba siya Ria, kapag nakikita ko siya tumitibok ang dibdib ko pati mga u***g," wala pa rin sa sariling sabi niya. "Hoy! Ang halay mo! Magtinda na nga lang tayo." At mabilis na siya nitong tinalikutan. Hanggang sa pag-uwi ay todo pa rin ang pangangarap niya at hindi mawala ang kislap at ngiti sa mga labi niya. Kahit na palagi siyang pinagsusungitan ng gwapong doktor ay hindi niya iyon alintana. Nang matapos maglinis ng katawan ay humiga na rin siya. Excited na siyang magtinda sa may hospital bukas. Kailangan ay suotin niya ang binili niyang damit sa may ukay-ukay at magpaganda siya ng todo para naman matuwa-tuwa sa kan'ya si Dok Pogi. Hanggang sa makatulog siya ay may ngiti pa rin sa mga labi niya. Kinabukasan ay maaga siyang namalengke kaya maaga rin siyang natapos sa pagluluto. Dalawang putahe lang naman ang mga tinda niya kaya hindi na siya nahihirapan. Pagkatapos maligo ay nag-ayos na rin siya at naglagay ng konting blush-on at lipstick pagkatapos ay nagpisik siya ng pabango sa buong katawan niya. Ilang minuto lang siyang naglakad at tuluyan nang nakarating sa may ospital. Todo ang ngiti niya nang makita ang mga security guard na naroroon. "Good morning, Tatay Delfin!" bati niya sa pinakamatandang guard doon at akmang lalampasan na niya ito nang mabilis siya nitong harangan. "Sorry Ana, napag-utusan lang kasi kami," malungkot na sabi nito. Bigla tuloy nawala ang mga ngiti sa mga labi niya at mabilis iyong napalitan ng pagkakakunot-noo. "A-Ano hong ibig niyong sabihin?" "May memo kasi mula sa itaas. Ginugulo niyo raw ho kasi si Doktor Fegerson sa may opisina nito kaya pina-banned na kayo rito sa may hospital," seryosong sabi nito. "Ha? Bakit daw ho? Anong ginugulo? Bakit ko naman guguluhin ang boyfriend ko? Mukhang tamang trip na naman iyang director niyo rito sa may hospital," inis na sabi niya. "And who is your boyfriend?" Bigla ay parang nanigas ang leeg niya nang marinig niya mula sa may likuran niya ang pamilyar na boses. "Good morning po, Dok." Bati ng mga security guard na naroroon. Marahan naman siyang humarap dito at ngumiti ng pilit. "Good morning my love—este dok. Dok ayaw nila akong papasukin oh? Pinagti-tripan yata nila ako," ismid na sumbong niya rito. "Hindi ka nila pinagtitripan. Mula ngayon ay bawal ka nang lumapit sa akin at magtinda rito sa may hospital," mariing sabi nito. "Pero paano na iyong mga kaibigan kong nurse roon sa loob? Baka mamatay sila sa gutom at—" "Don't be so over reacting. And besides, bawal naman talaga ang pagtitinda rito sa may hospital because we have our hospital canteens here na na ba-bypass mo," seryosong sabi nito pero nakatutok lamang siya sa mga labi nito na mapupula. Nang mapansin niyong natulala siya ay mabilis na siya nitong tinalikuran kaya roon lamang siya ganap na nahimasmasan. "Teka, dok!" sabay habol dito. "Paano na ho ang kabuhayan ko? Ito lang ikinabubuhay—" "Do you still think I care? You are just wasting my time." At tuloy-tuloy na itong naglakad papasok. Akmang hahabulin niya ito pero hindi na siya pinayagan ng mga guards na naroroon. Mabilis na napasalampak siya ng upo sa may gilid. Wala siyang pakialam kung makita ng mga dumadaan ang panty niya dahil nakasuot siya ng skirt dahil hindi naman ng mga ito iyon makukuha. Paano na ang mga paninda niya? Kapag hindi iyon nabenta ay mululugi siya. Abonado pa siya kung sakali. Inis na nagpapadyak siya sa may gilid at naglakad papunta sa may parking lot. Bwisit naman na buhay ito oh! At sinipa pa niya ang isang plastik na bote na nasa may paa niya at hindi niya napansing tumama pala iyon sa sapatos ng kasalubong niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay kita niya ang lalaking kasalubungan niya. Wow. Mukhang gwapo rin ang isang ito at mabango. Pero siyempre, mas gwapo pa rin ang Yago ko. "Sorry po, Sir," hinging paumanhin niya. "That is okay. Bakit parang malungkot ka, Ana?" Bigla naman nanlaki ang mga mata niya nang sabihin nito ang pangalan niya. "Kilala mo ako?" gulat na gulat na sabi niya. "Oo naman, ikaw iyong palaging kinukwento nina Michelle at Dina sa akin. I am also a doctor here." Ngiting sabi nito. "Ay sorry po dok, saan po ba kayo namamalagi at hindi ko kayo nakikita? Para sana madalhan ko kayo ng mga paninda ko o hindi kaya mabentahan ng bagong brief. May bagong design pa naman ako ngayon!" Kita naman niyang napahagalpak ito ng tawa. "You're funny. Totoo nga ang sabi nila. By the way, I am Dr. Calvin Marquez and I am an Endo." At naglahad ito ng isang palad. "I am Liliana Cantutay po, Dok." Sabay abot niya ng kamay dito. Kita niyang pigil ang tawa ng doktor. Akmang magsasalita pa ito pero mabilis na tumunog ang cellphone nito at ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito. "See you around, Ana. May naghihintay na sa aking mga pasyente. Nice to finally meet you." At mabilis na itong tumalikod. Siya naman ay napahabol ng tingin dito. Bakit ganoon? Pwede naman palang maging mabait ang isang gwapong doktor pero bakit ang asawa niya ay napakasungit sa kan'ya at pina-banned pa siya sa may ospital? Ah! Baka naman dahilan niya lang iyon para lalo ko siyang ma-miss! Bigla tuloy siyang napangisi dahil sa naisip. Pero nang maalala ang mga niluto niyang pagkain ay bigla siyang napasimangot. Hindi bale, ibibigay na lamang niya ito sa mga batang nakatira sa may kalsada para naman makatulong siya. Hindi bale ng malugi siya atleast ay nakatulong siya. Babawi na lamang siya mamaya sa pagtitinda ng mga balut. Nang mga sumunod na araw ay hindi na talaga siya pinapasok sa may hospital na siyang ikinanlumo niya. Paano na siya ngayon? Eh sa may hospital pa naman ang halos na suki niya. Binawalan na rin daw ang mga ito na bumili sa kan'ya sabi nina Ate Mich at Ate Dina nang makasalubong niya sa may labas. Kailangan ay gumawa siya ng paraan. Alas nuebe pa lamang ng gabi ay nagligpit na siya ng mga paninda niyang balut dahil aabangan niya si Dok Pogi sa may parking lot. Nang matapos ay mabilis siyang nagpunta sa may parking para hintayin ito pero halos ubusin na ng mga lamok ang dugo niya ay ni anino nito ay hindi niya makita. Mukha talagang iniiwasan siya nito. Ilang araw siyang nag-isip ng plano kung paano ulit makakabalik sa may hospital at kung paano siya mapapansin ni Dok Pogi. Papunta na siya sa may pwesto niya sa may harapan ng hospital nang biglang magkaroon ng aksidente dahil nabunggo ng isang single na motor ang lalaking nakabisekleta. "Dalhin niyo siya sa may hospital!" sigaw ng isang lalaki. Lalampasan na sana niya ang mga ito nang bigla siyang matigilan. Dalhin sa hospital? Kunot-noong kausap niya sa sarili niya. Ilang sandali lang ay biglang sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Mabilis siyang nagpunta sa may parking lot at inabangan ang sasakyan ni Dok Pogi. Hindi siya aalis dito hanggat hindi niya ito nakikita. Kahit na papakin pa siya ulit ng mga lamok ay okay lang sa kan'ya. Halos dalawang oras na siyang naghihintay doon nang sa wakas ay mamataan niya ito na papunta sa may parking lot at mabilis siyang nagtago sa may malaking punong naroroon. Diyos ko, gabayan niyo po ako. Mahinang panalangin niya. Baka sa sobrang kalandian niya ay ikamatay pa niya ang gagawin niyang iyon. Nang makasakay si Dok sa may sasakyan ay mabilis siyang lumabas sa may puno at kinuha ang basket ng mga balut na dala niya at nagkunwaring naglalakad lang at mabilis na sinalubong sa may gilid ang papaalis na sasakyan ni Dok. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pangingirot ng isang braso niya dahilan para mapaupo siya sa may sahig ng parking lot. Ano ba iyan! Bakit parang naging totoo yata. Pagalit na sabi niya sa sarili. Mabilis naman na bumaba ito at mabilis siyang nilapitan. "Miss, are you okay?" At mabilis siya nitong binuhat. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. "Hey!" At akmang ibababa siya nito nang sitahin siya ito. "Hoy! Huwag mo akong subukang ibaba!" sita niya rito. "Aray ko po!" sigaw niya nang bigla niyang maramdaman ang pagkirot ng isang braso niya. "Don't f*****g move." Mariing sabi nito sa kan'ya at mabilis na naglakad pabalik sa may ospital. Nang makapasok ay kaagad siyang dinala nito sa may emergency room at ibinaba sa may bakanteng kama na naroroon. "Dok, ano pong nangyari?" Bigla ay tanong nang kadarating na isang nurse. "Dalhin siya kaagad sa xray room. I need the result right now." At mabilis na itong tumalikod sa kan'ya. "Hoy! Saan ka pupunta? Panagutan mo ako!" Sigaw niya dahilan para matigilan lahat ng taong naroroon at napatingin sa kan'ya na parang nagtataka. Kahit na makirot pa ang isang braso niya ay bahagya siyang napangiti sa mga ito at nag-peace sign. Nababaliw ka na talaga, Ana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD