Chapter 4

1536 Words
Mariin muna siyang tumikhim bago kumatok nang nasa may harapan na siya ng pintuan ng clinic ni Dok Pogi. Nakakadalawang katok pa lamang siya nang magsalita ito mula sa loob. "Come in." Bago buksan ang pintuan ay inipit muna niya ang ilang hibla ng buhok niya sa may tenga niya at ngumiti. "Good morning, Dok!" Masayang bati niya rito. Bigla naman itong napaseryoso ng upo sa may swivel chair nito at napakunot ang noo. "What are you doing here?" "Eh Dok, dinalhan nga pala kita ng pagkain. Ginataang kalabasa, peace offerange ko dahil sa nagawa ko kagabi." Nakangiting sabi niya. Nakita naman niyang napatitig ito sa ibinigay niyang naka-plastic na pagkain. "You cook this?" "Oo naman, Dok! Hindi mo naitatanong, marami akong suking mga nurses at utilities dito sa may hospital dahil masarap ang—" "Keep it. I don't like it," putol nito sa sinasabi niya. "Ha?" "I said, dalhin mo na. Hindi ko iyan gusto." "Aba! Hindi mo ba alam na pinag-aagawan iyang kalabasa ko kanina? Pero dahil sa iyo ko lang gustong ipakain iyang masarap kong kalabasa ay tinirhan kita," inis na sabi niya. "I don't tell you to do that. At ang isa pa, I don't know if that food is sanitize. Hindi ako kumakain ng mga pagkaing niluto lang sa kung saan-saan," mariing sabi nito. "Sinasabi mo bang madumi ang luto ko?" "Well, depende sa pagkaka-interpret mo," kaswal na sabi nito. "Kung gusto mo dok ay bubudburan ko ng alcohol para siguradong patay ang germs." Ngising sabi pa niya rito. Kita naman niya ang pagkairita sa mukha nito. "If you don't have anything important to say ay pwede ka nang lumabas. Marami pa akong dapat unahin kesa sa mga walang kwentang bagay." At mabilis na itong tumayo at nagpunta sa maliit nitong banyo. Sa inis niya ay kumuha siya ng blankong papel doon at sinulatan. -Kainin mo iyan, kung hindi ay magiging apat ang betlog mo. Pagkatapos ay mabilis na siyang lumabas nang nakangiti. Akala mo ba ay titigilan na kita dahil sa pagsusungit mo sa akin, asawa ko? Pwes nagkakamali ka. Hinding-hindi kita tatantanan! Habang naglalakad papalabas ng ospital ay todo ang ngiti niya. "Uy, pst!" Napatigil naman siya at napatingin kita Ate Michelle at Ate Dina na magkasamang naglalakad. "Ano, Ana? Naibigay mo ba iyong ulam na gusto mong ibigay kay Dok Yago?" tanong ni Ate Michelle sa kan'ya. "Oo naman, Ate! Nako, tuwang-tuwa nga at ang sarap-sarap ko raw palang magluto. Gusto nga niya ay ako na raw ang magdala ng pagkain niya araw-araw." Alanganing ngiting sabi niya. "Ganoon ba? Nakakapagtaka naman, masyado kasing mapili iyang si Dok sa mga pagkaing kinakain niya." Habang nakakunot ang noo na sabi pa nito. "Hay nako Ate Mich, wala ka talagang bilib sa beauty ko no? Makikita mo na lamang ako isang araw habang nakaakbay si Dok sa akin." Ngisi pa rin niya. "Ehem." Bigla siyang natigilan nang makitang nanlaki ang mga mata nina Ate Michelle at Ate Dina sa kan'ya. Nang humarap sa may likuran niya ay nakita niya ang nakataas na kilay ni Dok Pogi sa kan'ya. "Excuse me, Mich? Can you throw this for me please?" Sabay abot nito nang hawak nitong pagkain. "Ha? Opo, Dok." At mabilis itong kinuha. Hindi na siya nito pinagkaabalahan tignan dahil mabilis na ulit itong naglakad paalis. "Akala ko ba ay gustong-gusto ni Dok?" takang tanong ni Ate Dina sa kan'ya habang nagtataka. "Ano ka ba, Ate! Diet daw siya kaya konti lang ang kinain niya," palusot na sabi niya rito. Kita niyang sabay pa ang mga itong napailing. "Oh siya sige na, alis na kami dahil baka hanapin pa kami ni Dok." Paalam ng mga ito sa kan'ya. Nang ganap na makaalis ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Itinapon lang nito ang pagkaing pinaghirapan niya. Pero hindi bale, ipagluluto na lamang niya ito ng ibang putahe. Oh kung gusto nito ay siya na lamang ang kainin nito. Bigla tuloy namula ang magkabilang mga pisngi niya dahil sa kahalayang naiisip. Dahil maagang naubos ang mga paninda niya ay minabuti niyang magpunta sa may tiangge para makabili ng mga bagong damit. Gusto niya kasing magpaganda para sa asawa niya. "Ate, magkano ho rito sa mga tback niyo?" "Tatlo isang daan," simpleng sani ng tindera. "Nako! Napakamahal naman e kapiranggot lang naman ang tela niyan. Bente na lamang ho ang isa," giit niya rito. "Hindi pwede, wala na akong tutubuin," seryosong sabi pa ng maliit na babaeng kausap niya. "Ate, gagamitin ko kasi iyan sa honeymoon namin ng asawa ko para makabuo na kami kaagad," pamimilit pa niya rito. "Sige na nga, sana makabuo kayo kaagad." Sabay abot nito sa kan'ya ng isang pulang tback. "Salamat Ate, huwag kang mag-alala dahil kapag nangyari iyon ay gagawin kitang ninang." Sabay alis pagkaabot niya ng bayad dito. Hindi niya alam kung anong kapilyahan ang sumagi sa isip niya at bumili ng tback. Malay mo naman magamit niya ito kay Dok Pogi in the near picture. Pagkatapos ay may nakita siyang isang maikling maong shorts na highwaisted sa may ukay-ukay. Kaagad siyang napangiti, kailangan niyang ipakita ang alindog niya rito para mapansin nito. Mabuti na lamang at bente pesos lang din ito. Bumili na rin siya ng bagong tsinelas at sexy tube na top. Gumastos na siya ng dalawang daang piso para sa effort niya rito. Kailangan ay may maganda naman itong kalabasan. Halos alas dose na nang makauwi siya. Kakain lang siya pagkatapos ay maglalakad-lakad siya para magpa-order ng mga kung anu-ano nang bigla na naman maisip ang gwapong doktor. Mabilis niyang tinapos ang kinakain pagkatapos ay muli siyang naligo kahit na sayang ang shampoo at sabon. Ala una na nang makarating siya sa may hospital at nanlaki ang mga mata ng mga nurses doon nang makita siya. "Wow! Ang sexy naman natin ngayon, Ana," biro sa kan'ya ng isang lalaking nurse. Nakasuot kasi siya ng isang white sando kaya kitang-kita ang malulusog niyang dibdib at black leggings. "Ops, bawal mo akong pagnasaan dahil baka magalit sa iyo ang picture husband ko." Taas kilay na sabi niya. "Anong picture? Baka future." Iling-iling na sabi nito. "Tse! Iyon na nga iyon." Sabay ismid dito. "Hay nako Ana, maiwan na nga kita at baka mahawa pa ako sa iyo." At mabilis na itong tumayo at umalis. Nang makita siya nina Ate Mich at Ate Dina at napangiti rin ang mga ito. "Ang lalaki naman niyan, Ana," manghang sabi pa ni Ate Michelle. "Lalong lalaki iyan kapag nahawakan na ni Dok Yago." Ngisi niya. "Shh! Ano ka ba at baka may makarinig sa iyo," saway nito sa kan'ya. "Hayaan mo sila, para malaman nilang may nagmamay-ari na sa kan'ya." Taas kilay sabi niya. "Ikaw talaga." "Anjan ba siya sa may opisina niya?" "Oo. Pero Ana, huwag mo na siyang guguluhin doon dahil busy ito ngayon," paalala nito sa kan'ya. "Oo naman Ate, walang problema. Sige na at mag-iikot ikot pa ako rito." Simpleng sabi niya at mabilis na naglakad paalis. Walang makakapigil sa kan'ya. Wala pang isang minuto ay nasa may harapan na siya ng opisina ni Dok Pogi. Kinuha muna niya ang maliit na salamin niya sa bag at kinuha ang luma niyang lipstick at nagpahid sa may labi niya. Nang masigurong okay na ang itsura niya ay mabilis na siyang kumatok. "Come in." Nang pihitin niya ang doorknob ay tila nanginig pa ang mga kamay niya dahil makikita na naman niya ito. Nang mag-angat ito ng tingin ay mabilis na naman nalukot ang mukha nito. "It's you again?" dinig agad ang inis sa boses na sabi nito. "If you are going to bug me right now, you better go," mariing sabi nito. "Nako! Hindi, mahalaga ang ipinunta ko rito," seryosong sabi niya. "What is it?" Mabilis niyang kinuha ang isang set ng brief na dala niya galing sa kinukuhanan niyang utang na items. Mabilis siyang kumuha ng isang piraso at iniladlad sa may harapan nito. "Alam mo Dok, itong brief na ito ay bagay sa iyo. Baka lang gusto mong um-order. Pwedeng cash, pwede rin na hulugan," nakangiting sabi niya. Kita niyang dumoble ang guhit sa may noo nito. "Bakit, Dok? Hindi mo ba nagustuhan? Kung gusto mo ay marami pa akong ibang design dito. Merong cartoons, merong bulaklakin—" "Get out!" mariing sabi nito at tila nagtitimpi pa ito. "Bakit, Dok? Ayaw mo pa rin? Eh iyong may bulsa baka gusto mo—" Pero mabilis itong tumayo at nagpunta sa may pinto at binuksan ito. "I said, get the hell out of here," may kalakasan ang boses na sabi nito. "Pero, hindi mo pa nga tinitignan e. Kung gusto mo Dok e isukat mo muna para makita mo kung maganda—" "Damn you, woman!" At mabilis na itong lumapit sa kan'ya at hinila ang isang braso niya at kinaladkad siya. "Teka naman Dok, masyado ka namang hardcore. Iyong mga paninda ko at baka madumihan." At mabilis siyang bumalik para pulutin ang mga ito. Pagkatapos ay mabilis na naman siya nitong hinila. "Don't ever come back here kung hindi ay ipapa-ban kita rito sa may ospital!" At malakas siya nitong pinagsarhan ng pintuan. Pero imbis na mainis ay napangiti siya at napatingin sa may braso niya. s**t! Hinawakan siya ng matitigas nitong mga kamay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD