"THIS will be your office, Ma'am," magalang na sabi ng person na na-incharge para i-accomodate siya. Tulad nga ng napag-usapan nila ni Brix ay nag-apply siya sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito bilang isang ordinaryong empleyado. Dumaan siya sa maayos na proseso at heto nga't natanggap siya sa posisyong akma sa experience niya. Sasailalim pa siya sa training para mas makilala niya ang kompanya. "T-Teka... dito?" nagtatakang tanong ni Cat. Sa pagkakaalam niya ay auditing staff lang siya pero bakit may nakabukod sa kaniyang opisina? May sarili rin siyang table at naka-swivel chair pa. "D-Dito ko raw po kayo dalhin eh, sabi ni Sir Brix," alanganing tugon nito. "Ano?" Naningkit ang mga mata niya. Ang lalaking iyon talaga! "C-Can I use the comfort room first?" Ayaw niyang mahalata nito

