KATATAPOS lang maghapunan ni Catalina. Pagkainom niya ng tubig ay bigla siyang napahinga nang malalim. Panay ang check niya ng oras sa cellphone. It was already 8pm pero wala pa ring Brix na dumadating. He said he would be coming home after ng board meeting. Pero wala pa rin ito. Imposible namang hanggang ngayon ay nasa meeting pa ito. Hindi sa sabik siya itong makita. Napapaisip lang talaga siya. Ni text o tawag, wala man lang siyang na-receive mula rito. Hay nako, Cat! Hindi ka pa ba nasanay? Magaling lang naman mangako ang lalaking iyon. Pinangakuan ka na nga, aasa ka pang tuparin? Inis na umakyat na nga lang siya sa kuwarto. Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay nahiga na siya sa kama. Bakit ba siya nag-iisip kung uuwi ba ito o hindi? Kung puwede nga lang hindi umuwi. O kaya bigl

