NAGISING si Catalina dahil sa tawag sa cellphone niya. Naiwan niya pala iyon sa kaniyang tabi kagabi. Unregistered number ang tumatawag. Mabilis niyang pinindot ang answer key at itinapat iyon sa kaniyang tainga. "Hello?" "Sweetheart." Sa isang iglap ay tila nagising ang buong diwa niya. Nakilala niya agad ang boses na iyon. "O, bakit tumawag ka?" walang gatol niyang tanong. Tiningnan niya pa ang oras. It was nine AM. Nasa trabaho na ito siguro. "Ang aga-aga parang bad mood ka agad ah?" Dinig niya ang mahinang tawa ni Brix. "Nakaka-bad mood naman talaga. I was expecting na may makabuluhan akong tawag na mare-receive, wala pala." Umikot pang kunwari ang mga mata niya. "Hindi ka siguro nakatulog nang maayos kagabi." He chuckled again. "Makakatulog ba ako rito?" Lalo't hindi talaga

