"SO, ano'ng balak mo ngayong araw?" tanong ni Cat matapos sumimsim ng hot chocolate na ni-request niya sa katulong. Katatapos lang nilang mag-breakfast at magkaharap sila ngayon ni Brix na nakaupo sa mesang nasa tapat ng glass wall kung saan tanaw na tanaw ang Taal Volcano. Tumingin ito nang makahulugan sa kaniya sabay nangiti. "Depende sa 'yo kung papayag ka sa nais kong gawin." Napalunok siya at biglang kinabahan. "B-Bakit? A-Ano ba'ng gusto mong gawin?" Ginagap nito ang isa niyang kamay. "To make this day memorable to you." And he kissed it. Agad binawi ni Cat ang kamay rito. Biglang nanginig iyon. "N-No, Brix. A-Ayoko niyang binabalak mo." Balisa siyang napahigop muli sa tasa. Nalimutan niyang sobrang init nga pala niyon. Nabigla siya sa rami. "Aray!" "Dahan-dahan kasi. Why do you

