"SO what do you think?" Bahagyang napaigtad si Catalina nang marinig ang boses ni Brix sa likuran niya. Katatapos niya lang isalansan sa closet ang mga damit niya. Yes, sumama siya pabalik sa bahay nito. Pagdating ba naman sa apartment niya ay ito na ang nagboluntaryong i-alsa balutan ang mga damit at personal na gamit niya. Ayaw talagang hindi siya papayag. "Ayos lang," kunwa'y walang gatol niyang tugon. "If you need anything, magsabi ka lang. Lahat ng kailangan at gusto mo, ibibigay ko." Nakangiti nang ikawit pa nito ang buhok niya sa likod ng kaniyang tainga. "K-Kung gusto kong umuwi, pagbibigyan mo ba?" nang-uuyam niyang tanong. Agad siyang lumayo rito dahil parang natataranta ang isip niya sa presensya nito. "Depende. Kung sa probinsya mo balak umuwi, papayag ako. Pero dapat,

