AGAD nag-iwas ng tingin si Cat nang balingan siya ni Brix habang nilalagyan nito ng pagkain ang kaniyang plato. Asiwa pa rin siya sa nangyari. Medyo kabado dahil sa ginawa nitong pagbabanta no'ng nasa kuwarto sila. He might not look like a psycho, pero kilala niya ito from the inside. Kapag sinabi nito ang isang bagay, ginagawa nito talaga. At isa sa patunay ay 'yong nangyari sa salon ng kaibigan niya. She wondered kumusta na kaya ang mga iyon ngayon? "So how did you two find each other again after the split up?" mayamaya ay tanong ng Mommy ni Brix. Pasimple siyang sumulyap sa katabi. So his mom was aware of them having a relationship before? Siniko niya ito. "We met again in a wedding ceremony," deretsahang sagot ni Brix. Napalunok siya. Iisang wedding ceremony pa lang ang nadaluh

