"F-FIANCEE? Ako, fiancee mo na? Loko-loko ka talaga!" Mabilis na hinugot ni Cat ang diamond ring na isinuot ni Brix sa kaniyang gitnang daliri. Ibinalik niya sa kamay nito. "I'm not kidding. You came here with me- Hey! Saan ka pupunta?" Mabilis siyang nakababa ng sasakyan nito. "Don't you dare look for me again, talagang pagsisisihan mo na 'yon sa susunod!" banta niya kahit blangko naman ang isip sa kung paano niya paghahandaan ang bagay na iyon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali at nagtatakbo na siya papuntang gate. Bahala na kung paano siya makakalabas sa lugar na 'yon. Ang mahalaga ay makalayo siya sa baliw na ito. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa gate nang may isa pang sasakyan ang nagtangkang pumasok doon. Napaurong tuloy siya upang hindi madali ng harapan nito. Is

