ANG nagbukas ng pinto sa kaniya ay walang iba kundi ang daddy ni Brix. Saglit lang siya nitong tinapunan ng seryosong tingin. Nakaupo si Brix sa upuan katapat ng desk nito. Naka-de kuwatro at masama ang timpla ng mukha. "Pumasok ka," asik ng daddy nito sa kaniya. Kahit nagdadalawang-isip ay sumunod si Cat. Malamang galit ito dahil ilang araw absent si Brix? Sinulyapan siya ni Brix at sinenyasan siyang maupo sa katapat nitong upuan. Sandaling walang imikan sa loob. Nakatingin pa rin siya kay Brix na nagtatanong ang mga mata. Brix breathed audibly. "Ayoko, daddy. Kung gagawin ko man 'yon, then I'll have to take my fiancee with me." Napalunok siya habang lumilipat ang tingin sa mag-ama. Ano'ng sinasabi ni Brix? Dadalhin siya nito saan? Nahigit niya ang hininga nang tumingin sa kaniya

