PIGIL ni Cat bumagsak ang mga luha habang nagpapaalam sa mga magulang. Paalis na sila ni Brix noong umaga. Ngunit sa higpit ng yakap sa kaniya ng mama niya ay parang ayaw siya nitong paalisin. Hindi niya nalilimutan ang mga sinabi ng mga ito kagabi. Ang mga napag-usapan nila tungkol sa kanila ni Brix. "Alam mo, puwede mo namang sabihin sa amin ni Mama mo eh. Hindi mo kailangang maglihim. Hindi mo kailangang itago sa amin. Matatanggap naman namin dahil anak ka namin," iyon ang bungad ng Papa niya pagkalabas niya ng bahay at lapit sa mga ito. "A-Ano pong ibig n'yong sabihin, Papa, Mama?" Pinahid ng mama niya ang luha nito. Pagkuwa'y binuksan ang mga bisig para yakapin siya. "Alam na namin lahat, 'nak. Sinabi na sa 'min ng nobyo mo. Kahit mahirap magtiwala, dahil ngayon lang namin siya

