Chapter 39

1623 Words

PARANG matutuyuan ng lalamunan si Brix nang marinig ang tanong na 'yon. Daig pa niya ang napipilan. Kung gano'n, nakita pala sila nito? Napalunok siya. "A-Anong hong sinasabi ninyo? Wala pa hong nangyayari sa amin ni Cat," kaila niya. Sarkastikong tumawa si Papa Isador. "Huwag ako. Kita ko kayong magkasama roon kagabi." "Nag-usap lang ho kami." "Nakita kong hinahalikan mo ang anak ko." Napalunok siyang muli. Mukhang nakita na yata nito ang lahat? Ipagtatapat na ba niya? "M-Mahal ko ho ang anak ninyo. At mahal din niya ako. Ano hong mali sa ginawa namin?" "Hindi ka pasado sa 'kin." "Hindi naman ho kayo ang aasawahin ko." Pumalatak ito. "Hindi ko na papayagang umalis pa si Catalina rito. Bahala na ang trabaho niya sa Manila. Pero dito na siya maglalagi hanggang pagtanda niya. Dito na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD