"WHOOO! Buwisit!" Galit man at gigil, ngunit wala namang nagawa si Isador kung hindi pagmasdan na lang ang dalawang kulang na lang ay maglampungan sa ilalim ng puno. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka tamaan ang kaniyang anak, ngali-ngali na siyang ibato ang itak na hawak niya sa lalaking kasama ngayon ni Catalina. Kanina pa silang umaga roon pero magtatanghali na ay dalawang sako pa lang ng mani ang naaani nila. Paano ang katulong niya, konting mainitan at mapawisan lang ay lalapitan agad ng anak niya at pupunasan. Hindi lang basta punas, paiinumin pa ng tubig at tatambay pa talaga sa silong ng puno na may kasama pang ngitian at tuksuhan. Kung hindi ba naman talagang pilit pinalalabas ang litid sa noo niya sa sobrang inis. "P@+:$;&);@@, lalapit ka ba rito? O hihintayin mong mabugbog

