"SIGURADO ka na ba, anak? Eh wala pa ang papa mo," nalulungkot na wika ng mama niya. Tumango si Cat. "Hindi ko na po siya mahihintay. Pakisabi na lang po na aalis na ako. Kailangang-kailangan ko na pong bumalik sa Manila dahil pinababalik na ako ng boss ko." Tanga na yata niyang matuturing ang sarili niya. Heto siya ngayon at nagbabalak na sundan si Brix pa-Maynila. Halos maghapon siyang walang kagana-gana sa buhay niya. Nakamukmok lang siya sa silid ng mama at pabiling-biling sa higaan habang naghihintay sa text o missed call man lang ni Brix. Ngunit ni isang tuldok ay wala man lang itong i-s-end sa kaniya. "Maggagabi na rin, anak, eh. Kung bukas ka na lang kaya bumiyahe." "Hindi po, Ma. Kailangan ngayon dahil bukas ng tanghali, kailangan kong mag-report sa kompanya. Biglaan po eh

