KAPAG naalala ang tagpong iyon ay samu't saring emosyon ang nararamdaman ni Catalina. Hinding-hindi niya malilimutan ang lalaking iyon na nagpaiyak sa kaniya nang matindi noon. Dahil minahal niya ito nang sobra kahit sa sandaling naging sila. Four months. Ganoon lang sila naging katagal.
Pero siyempre, hindi naman siya ganoon katanga. Nag-move on din siya at ngayon nga ay nakahanap na siya ng panibagong pag-ibig. Sa katauhan ni Harry Villanueva. Kaklase niya noong elementary at kababayan niya sa Bicol. Naging OFW ito sa Qatar at nagkita silang muli after ng mahigit sa isang dekada nang minsang magbakasyon ito sa lugar nila.
Simple lang naman ang naging love story nilang dalawa. Nagkita sila isang umaga, nagkasalubong sa daan, nagkumustahan. Humanga siya sa success nito sa buhay dahil isa na itong civil engineer at naipagpatayo na ng magandang bahay ang mga magulang sa probinsya.
Hindi niya akalaing malayo ang mararating nito dahil dati ay tahi-tahimik lang itong bata. What shocked her more ay when he grew taller at hindi niya akalaing guguwapo ito. But despite the success, he retained his down-to-earth personality. Kaya naman mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Madalas silang magkita dahil kaunting distansya lang naman ang layo ng mga ito sa bahay nila. Ngunit dahil pareho lang silang bakasyonista, dumating 'yong time na kailangan nilang maghiwalay. But the communication stuck between them dahil sa social media.
Doon pa rin siya sa dating opisina nagtatrabaho. But not as a clerk anymore. Nasa auditing department na siya ng kompanya and so far enjoying and doing the job well. At nagulat na lang siya one afternoon, when Harry arrived para sunduin siya. Akala niya, naghahanda na itong bumalik sa trabaho sa ibang bansa pero hindi pala. Nandito pa rin ito sa Manila dahil sa bagong established nitong business. It was just a simple coffee shop at kahit kababagong bukas pa lang ay dinarayo na ng mga costumer. And their first date happened there.
And it went on. He courted her. Madalas silang magkita roon, inihahatid siya nito sa apartment na tinutuluyan niya. Kung minsan pa sa umaga ay sinusundo siya nito at inihahatid sa trabaho. Mabilis nahulog ang loob niya dahil mabait ito at thoughtful. At hindi sila nahirapang i-reveal sa mga magulang ang tungkol sa kanilang dalawa because both parties agreed to their relationship statues. Bukod sa magkapitbahay kasi ay matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila.
Now, nasa isang taon na ang relasyon nila. And at their first anniversary celebration, nagulat na lang siya nang ayain na siya ni Harry na magpakasal. At first, Cat was hesitating. Dahil tingin niya, masyado pa siyang bata at 25 para magpakasal. But when she noticed how die hard Harry was to make her his wife, she finally said 'yes'. And immediately, inasikaso agad ang wedding. At ngayon nga ang araw na iyon.
Her groom was now standing near the altar waiting for her. Mabagal at mabini ang kaniyang paglalakad dahil sa mahabang gown na talagang pinagkagastusan nito. She was with her Papa na maingat na inaalalayan siya palapit dito. Halo-halong emosyon lalo na when she saw her Papa was a little bit emotional and teary. And so was her Mama na pinagmamasdan lang sila at medyo nangingislap din ang mga mata mula sa unahan.
Nang makarating na sila sa dulo ay niyakap pa siya nang mahigpit ng Papa Isador niya. She had always been closed to him ever since dahil talagang iniidolo niya ito sa pagiging mabuting asawa at ama nito sa kanila. Harry finally held her hand at iginaya na siya paharap sa altar. Nagkangitian pa silang dalawa.
Tumikhim ang padre nang matiyak na handa na sila. Nagsalita na ito pagkuwan, "Bago natin simulan ang seremonya ng kasal, gusto kong malaman kung mayroon bang tumututol sa pag-iisang dibdib ng magkasintahang ito?"
Humigpit ang kapit nilang dalawa sa kanilang mga kamay. For Cat, that shouldn't be asked anymore dahil pareho nilang alam ni Harry na walang hadlang o makakahadlang sa pagmamahalan nila. They had always been faithful and loyal to each other.
Ilang sandaling katahimikan. Nagsalita nang muli ang pari, "Kung gayon ay maaari na nating simulan ang sakramento ng ka-"
"Hindi maaaring ituloy ang kasal!"
Sabay-sabay silang napalingon sa pinagmulan ng malakas na sigaw na iyon. Mula sa dulong bahagi ng aisle, isang lalaki ang bigla na lang sumulpot at ngayon nga'y unti-unti nang lumalapit sa kanilang gawi. Nanlaki pa ang mga mata ni Catalina nang agad mapagsino ang lalaking iyon. He was simply wearing a jeans, T-shirt and rubbershoes pero angat na angat ang kaguwapuhan nitong hindi niya kailanman maipagkakaila.
"S-Sino 'yan? Cat?" napapalunok at halatang kabadong tanong sa kaniya ni Harry.
But Cat was so shocked too na hindi na niya magawa pang makapagsalita. What was that man doing here? Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya?
"Cat?"
Iba't ibang tunog mula sa mga bulungan ang maririnig na rin sa buong paligid.
"Hindi maaaring ituloy ang kasal!" the man exclaimed again. "That woman cannot be wedded to you!" Itinuro pa nito si Harry.
"Teka! Eh sino ka ba? Ano'ng karapatan mong pigilan ang kasal namin?" Sa narinig ay mabilis na nagpuyos ang damdamin ni Harry. Muli itong bumaling kay Catalina na nang mga sandaling iyo'y tahimik pa rin. "You're only mine, right, my Catty? Tell me who this man is. Wala akong natatandaang naikuwento ka tungkol sa lalaking ito."
"She's pregnant." Parang bombang sumabog ang dalawang salitang iyon sa apat na sulok ng simbahan. Lalong lumakas ang mga bulungan.
"Ano?!" gimbal na sigaw ni Harry. Muli itong bumaling sa kaniya. "I-Is that true, Catalina?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I'm asking you, totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito?!" Hanggang sa tumaas na nga ang boses nito.
She even heard her parents condeming. Maging ang mga biyenang hilaw niya.
"Niloko mo ang anak namin! Malandi kang babae ka!"
Noon siya tila nahimasmasan at nabalik sa katinuan ang pag-iisip. "H-Hindi ho totoo ang sinasabi ng lalaking 'yan!" halos mapaos niyang sabi. Nanginginig pa ang mga labing bumaling siya sa kaniyang groom. "No, Harry. H-Hindi totoo ang sinasabi ng lalaking 'yan. N-Ni hindi ko nga 'yan kilala. Trust me. Kahit sa panaginip, hindi ko naisip na lokohin ka. Mahal kita kaya nga ako magpapakasal sa 'yo ngayon-"
"Kaya ka magpapakasal sa kaniya ay dahil diyan sa dinadala mo. Com'on, Cat - Catalina Serene Perez Detruz. Alam kong nagkatampuhan tayo, at aminado ako sa kasalanang nagawa ko, but is that enough para ipagkaila mo ako? And that baby you're holding inside your womb, maaatim mo ba talagang ipaako 'yan sa iba? I'm here now, my dear. Sabi ko naman pananagutan ko 'yan, 'di ba?"
But before she could ever react ay nahaklit na ni Harry ang balikat niya.
"Hindi mo siya kilala but how come this guy knows your full name? Huwag mo na akong gaguhin pa, Cat. Aminin mo na nang matapos na 'to. Magkaroon ka naman ng kaunting kahihiyan diyan sa katawan mo. Naging tapat ako sa 'yo tapos ito lang ang igaganti mo? Put*ngina!"
Ngunit ano'ng aaminin niya kung hindi naman totoo ang sinasabi ng lalaki sa harap nila?
"H-Harry..." Umiiyak na ngang saad niya. "T-Trust me... he's lying. Kahit-"
"Hindi na! That's enough, Harry. Huwag ka nang magpauto sa babaeng iyan," galit na saad ng ina nito. "Kung hindi sila magkakilala ng lalaking 'yan ay bakit naman iyan pupunta rito at hahadlang sa kasal n'yo. Nagkamali ako ng kilala sa anak ninyo, Isador. Akala ko napalaki n'yo ng tama ni Adelaida, hindi pala. Iyan ang marahil ang natutunan niyan sa Maynila."
"P-Pa, Ma, maniwala kayo sa akin. Nagsisinungaling ang lalaking 'yan," pagsusumamo niya sa magulang sa pag-asang paniniwalaan siya ng mga ito. "K-Kilala n'yo ako, alam n'yong hindi ko magagawa ito. Napalaki ninyo ako nang tama. H-Hindi ako ganoong klase ng babae." Pinahid niya ang luha sa mga mata. "At ikaw namang lalaki ka, ano itong palabas mo na nagdadalang-tao ako sa anak mo? Antagal na nating hindi nagkikita at paano namang mabubuntis mo ako? Tahimik na ang buhay ko nangugulo ka na naman!"
"So are you admitting na kilala mo nga ang lalaking 'to?" si Harry na madilim pa rin ang uri ng paninitig sa kaniya.
"O-Oo," amin niya. "H-He was my ex.... but that was three years ago. At wala na kaming communication no'n since then. Maniwala ka sana akin, Harry. He's lying. S-Siguro... w-wala na naman magawa sa buhay ang lalaking 'yan kaya nanggugulo rito. G-Gusto mo magpa-test pa tayo ngayon para makasigurado kang wala talagang laman ang tiyan ko. Please, paniwalaan mo naman ako. Please, Harry. Nagsasabi ako ng totoo."
"Ito ang nagpapatunay na nagsasabi ako ng totoo," anang lalaki na may inalabas na nakatuping papel mula sa bulsa nito.
"A-Ano 'yan?" Mas lalong nadagdagan ang pressure at kabang nararamdaman ni Cat nang abutin iyon ni Harry at nanlilisik ang mga mata habang binabasa ang laman. May picture pa na ilang ulit nitong tinitigan.
"Damn! Niloko mo nga ako! How could you do this to me?!"
Kung hindi pa niya naiiwas agad ang mukha ay malamang natamaan na siya ng sampal ni Harry. Takot at pagkapahiya ang kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Ano ba ang nakasulat sa papel na iyon at gano'n na lamang ang galit nito? Si Harry na nakilala niyang mabait, ngayon ay tila demonyong nangangalit.
"Mom, Dad, let's go! Nag-aksaya lang tayo ng oras para sa p*tanginang kasal na 'to. Father, pasensya na. But I'm calling off the wedding. Ayokong makasal sa babaeng nang-iipot sa ulo."
Sa sobrang kahihiyan ay nakayukong napaupo na lamang si Cat sa sahig. Lumuluha habang naririnig niya ang ilang masasakit na salita mula sa ibang dumalo ng kasal.
"Malandi naman pala, akala ko matino."
"May pinag-aralan nga, imoral naman!"
"Sayang ang effort ng groom. Ganito lang pala ang mapapala."
"Hoy! Ikaw babae ka, kung akala mo absuwelto ka na, aba, nagkakamali ka. Babayaran mo lahat ng nagastos ng anak ko para sa kasal-kasalang ito. Kapag hindi mo naibalik lahat ng iyon, talagang ipakukulong kita," sabi pa ng naggagalaiting ina ni Harry. Mabait naman ito ngunit kapag alam nitong naaagrabiyado ay talagang tumatapang ito. Naiintindihan niya. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay bakit may nakapasok na demonyo rito sa simbahan na nanira ng sana'y isa sa pinakamasayang araw ng buhay niya.
"Anak..." Saka lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na iahon ang mukha mula sa pagkaka-ub-ob. Mabuti na lang at naroon ang kaniyang buong pamilya. Ang Papa niya ang nag-angat sa kaniyang kamay.
"'P-Pa... W-Wala hong katotohanan ang sinasabi ng lalaking iyon," umiiyak pa ring saad niya. "Sana naman naniniwala kayo sa akin."
"P-Pero, 'nak, ano 'to?" tanong ng mama niya. Pagkakita sa papel na pinulot nito ay agad niya iyong inagaw. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mabasa ang nakasulat doon.
Ultrasound result. Na nagsasaad na may lamang limang linggong fetus sa loob ng bahay-bata ng babae. At nang tingnan niya ang pangalan ng pasyente, lalo siyang nandilat nang mabasa ang kaniyang pangalan. May mga litrato pa mula sa monitor.
"H-Hindi ito totoo!" mangiyak-ngiyak na sabi niya. Kaya pala gano'n na lang ang galit ni Harry at mabilis itong napaniwala ng lalaki. "'Ma, 'Pa, hindi totoo ito. Hindi pa ako nabubuntis buong buhay ko. Never akong nagpa-check up, never akong nagpa-ultrasound!" Sa galit niya ay inilibot niya ang mga mata. Wala na halos laman ang loob ng simbahan dahil isa-isa nang nag-alisan ang mga dumalo. Hinahanap niya ang demonyong may pakana nito ngunit ni anino nito ay hindi na niya makita pa.
"P-Pero bakit nandiyan ang pangalan mo? Anak, magulang mo kami. Puwede kang magsabi sa amin ng totoo, hindi naman kami magagalit. Tatanggapin namin ang aming apo."
"At sino ba iyong lalaking iyon? Sabi mo ay ex mo, ngunit bakit parang hindi namin nakilala ng mama mo?"
Sinadya niya talagang hindi ipakilala ang hayop na iyon. Dahil sinubukan niya muna kung tatagal ba sila ng at least kalahating taon. Ngunit dahil apat na buwan lang ay hindi niya sinabi sa mga magulang. At nagpapasalamat siya na hindi niya iyon ginawa dahil at least hindi nalaman ng mga ito ang katarantaduhang ginawa nito noon sa kaniya.
"Malamang peke ito," mariin niyang sabi. Knowing Brix, he could pay anyone para lang maisakatuparan ang nais nito. I'll make sure, you're gonna pay for this! sabi niya sa isip habang mariing nilulukot ang papel sa kaniyang nakapinid na kamao.