Chapter 06 : Dare

1778 Words
"BALIW!" Sinamahan pa iyon ng palatak na tawa ni Catalina. Naroon na sila sa may parking area. Sa loob ng sasakyan nito. May pag-uusapan daw silang mahalaga kaya siya dinala roon. "I'm dead serious," seryoso namang sabi ni Brix na hindi na maipinta ang mukha. Tumikhim siya. "Well, seryoso rin ako. A-Y-O-K-O." Saka siya mas humalukipkip sa may gilid ng upuan. "Remember what I said? That I won't stop pestering your life hangga't hindi ka pumapayag?" "Tanda mo rin 'yong sagot ko? Na kakayanin kong mag-survive?" Napabuga ito ng hangin. "Kung hindi ko lang talaga kailangan, hindi na kita hahanapin. Akala mo naman, napakaganda mo. Hindi naman kahabol-habol 'yang hitsura mo." Naningkit ang mga mata niya dahil sa narinig. Feeling niya, natapakan ang pagkatao niya dahil sa sinabi nito. "O hindi naman pala kagandahan at kahabol-habol eh, so ano 'tong palabas mo ngayon?" Kinapa niya ang lock ng pinto at mabilis na binuksan iyon. "Just like what I said, kailangan ko lang talaga!" Sinubukan pa siyang pigilan ni Brix. "E 'di maghanap ka ng iba! Bakit hindi iyong babaeng kasama mo kanina? Andami mong options, bakit ako na naman?" "Because you're the only one who fits!" Pagak na naman siyang natawa. "Ewan ko sa 'yo. Inaatake ka na naman ng sakit mo. Kabaliwan mo." Sinigurado niyang hindi niya nalimutan ang bag nang makababa na siya ng sasakyan. Dahil naka-rubber shoes siya ay mabilis siyang nakalayo. Baliw na nga! nasabi niya pa sa isip habang mabilis ang bawat hakbang. Pero hindi niya talaga maiwasang mainis. Parang sinabi na rin nitong pangit siya. Nagsisisi talaga siya na nakilala niya ito. Akala niya tapos na ang kalbaryo niya three years ago, hindi pa pala! Because the devil is back! "Cat!" At hinabol pala siya nito. Mabilis nitong naiharang ang sasakyan sa daraanan niya kaya nag-iba tuloy siya ng dereksyon. Gumilid siya sa mga nakaparadang sasakyan. Nang tuluyang makalabas at may makita siyang padaang taxi ay pinara niya iyon agad. ... AND that... happened yesterday. "Oy, Sissy, if ever ba mag-apply akong manikurista rito sa parlor mo, tatanggapin mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ng baklang nag-aayos ngayon ng buhok niya. Nagpakulay ulit siya ng buhok after four months dahil laylayan na lang ang mayroong kulay. Nagpabawas din siya ng mga dalawang pulgadang haba dahil hindi niya tipo ang masyadong mahabang buhok. "At bakit mo naman naisipang itanong 'yan, Sissy?" ani Mando AKA Manda. Pero preferred nilang dalawa ang tawagang Sissy dahil matagal na silang magkaibigan. Malapit lang ang parlor nito sa apartment na inuupahan ni Catalina. Nagkibit-balikat si Cat. "Wala lang. Parang trip ko lang mag-iba ng trabaho," pagsisinungaling niya. "Sus! Ikaw talaga. Ang ganda-ganda na ng trabaho mo, lilipat ka pa rito. Luka-luka ka," tawa nito. "What if seryoso ako?" Gusto niyang malaman kung totoo nga ang sinabi ni Brix. Kung pati sa pagiging manikurista ba ay talagang hindi siya matatanggap. 'Pag talagang naisipan niya, ita-try niya ring magbenta ng sigarilyo at candy. Kung makapagbanta kasi akala mo Diyos. "Eh, marunong ka ba?" natatawa pa ring tanong ng bakla. "Medyo." Tumaas pa ang dalawang kilay niya. "Aba! Hindi puwedeng medyo. Mag-o-OJT ka muna!" Sabay pa silang natawa. OJT pa lang kasi siya noon sa trabaho ay close na niya talaga ito. Minsan napagkukuwentuhan niya ng mga nangyayari sa opisina. Mabait kasi ang bakla. Friendly. Pag-aari nito ang salon na 'yon. Dati kapag nagigipit siya, nangungutang pa siya rito. "Oh, sure!" tugon niya. "Kailan ba puwede mag-start?" "Oy, seryoso ka talaga?" "Oo nga. I want to try something new." "Tamang-tama, maraming customer ngayon, puwede ka ba mag-start na ASAP pagkatapos nito?" "Puwede." Dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay. At ayaw niyang maubos ang mga naitabi niya bago humanap ng puwedeng gawing sideline. "Ay nako, magkano ba ang rate mo? Baka naman sobrang taas. Malugi ako, ah!" biro nito ulit. "OJT pa lang naman, natanggap ako kahit 100." Pagkaraan nga ng kulang-kulang dalawang oras ay natapos din ang pagkukulay sa kaniya. Pagkabayad niya ay deretso siya sa manecure section. May kalakihan ang salon na 'yon kaya hiwa-hiwalay ang puwesto ng mga nagpapa-treatment sa nagpapagupit, nagpapa-footspa at manecure/pedicure. Kumuha agad siya ng puwesto at nanood sa ginagawa ni Trish. Bakla rin na kasalukuyang nagpe-pedicure sa isang costumer. "Ano'ng lagay mo, Mare?" Tulad ni Manda ay ka-close niya rin ito. "OJT ko. Nag-apply ako ng manecurista kay Sissy Manda." Tumingin pa ito sa kaniya na namimilog ang todo eye-shadowed na mga mata. "Sira! Lakas trip, 'te?" Tumawa na lang siya. "Oo. Wala akong magawa sa buhay eh." Lumipas ang maghapon at may natutunan naman siya. May isa pa nga siyang naging costumer. Pero naglinis lang siya ng kuko at si Trish ang nagpinta ng cutix. Natatakot pa kasi siyang magkamali. "O, sahod mo, Sissy." Alas-siete pa lang ng gabi niyon pero pinauwi na siya ni Manda. Inabutan nga siya ng isangdaan bilang upa. Na maluwang ang ngiti niya namang tinanggap. "Ay thank you! So bukas? Pasok ako ulit ah?" "Hoy! Seryoso ka talaga?" maang nito. "Oo nga. Ten AM ang bukas nito, 'di ba? Mga 9:30 nandito na ako." "Naku, naku! Ikaw talaga. Bahala ka na nga kung ano'ng trip mo." "Thank you, Sissy. I love you. Uwi na ako. Salamat ulit, may panghapunan na ako." At idineretso niya nga sa isang chibugan ang suweldo niya nang araw na iyon. ... KINABUKASAN ay pinaghandaan nga ni Cat ang pagpasok sa parlor. Komportableng damit lang ang isinuot niya. Leggings at mahabang t-shirt. Dumaan muna siya sa isang lugawan bago naglakad patungong parlor. Breakfast muna siyempre. Sling bag lang ang dala niya kung saan pinagkasya niyang ilagay ang kaniyang cellphone, charger at maliit na pitaka. May face powder naman sa salon kaya hindi na niya problema ang pang-retouch. May mahihiraman din naman siya ng mga pangkolorete sa mukha roon kung gugustuhin niya dahil mahihilig din sa make up ang mga bakla. She checked the time, maaga pa siya sa ipinangako niyang 9:30. "Sissy!" Napalingon si Cat sa tumawag sa kaniya. Si Manda lang ang tumatawag ng gano'n sa kaniya kaya hindi na siya nagulat nang makita ito. Kumaway pa siya dahil nasa kabilang kalsada ito. "Good morning, Sissy!" nakangiti pang bati niya. Tumawid si Manda ng kalsada. Ngunit ang ipinagtaka ni Cat habang lumiliit ang distansya nito sa kaniya ay napansin niya ang tila pamumugto ng mga mata nito. Nag-away na naman ba ito at ang boyfriend nito? "Morning lang, Sissy. Walang 'good'." At walang sabi-sabing umiyak ito. "B-Bakit? A-Ano'ng problema, Sissy?" Bigla siyang kinabahan para sa kaibigan. Ngayon niya lang ito muling nakitang tumangis nang ganoon. "N-Nakipag-break na naman ba sa 'yo si Kris? M-May babae na naman ba?" Iyon ang latest na karelasyon nito na alam niya. Na ex-boyfriend na nito pero nakipagbalikan ulit. At mahal na mahal pa rin ni Manda despite sa ilang beses na pambababae nito. Hay! Stupid exes! "H-Hindi iyon, Sissy. Going strong na kami ni Kris," tugon nito na lalong nagbigay taka sa kaniya. Mayamaya ay yumakap si Manda sa kaniya. Lalong umiyak. "Ang pinakamamahal na parlor ko kasi, Sissy...." Sa narinig ay muli siyang kinabahan. "B-Bakit? A-Ano'ng nangyari?" Napalunok siya. Hindi nagsalita si Manda bagkus ay iginaya lang siya maglakad sa dereksyon ng parlor. Nang makarating na sila roon ay saglit pa siyang natulala. "Four years na naming nirerentahanan ang puwestong ito. Kaunti na nga lang, makakaipon na ako para mabili na sana ito kaya lang kagabi biglang dumating 'yong may-ari. Pinaaalis na kami ASAP dahil may nakabili na raw ng commercial building na ito. Tigil-operasyon na raw kami at maghanap na ng malilipatan. Nilagyan na nila ng tape at mga diyaryo. Ang problema ko saan ko ilalagay ang mga naipundar kong gamit sa loob? Wala namang ibang puwestong mauupahan dito. Biglaan, Sissy. May kasama pang opisyal ng barangay. May ipinakita pang papel na nagpapatunay na nabili na itong buong building kaya hindi na ako nakaangil pa. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hanggang ngayong araw lang ang ibinigay na palugit sa akin." "N-Napakawalang puso naman nila." Nang muling umiyak si Manda ay tinugon niya ito. Iyon lang ang kaya niyang gawin nang mga sandaling iyon. Iyon lang din ang source ng income ng bakla at alam niyang hindi naman ganoon kalakihan ang nate-take home nito dahil may mga pinapasuweldo rin itong mga tao. Parang gusto niya ring maiyak dahil maging siya ay maapektuhan kapag tuluyang nagsara ang parlor na iyon. Kapapasok niya nga lang kahapon at - "Brix..." biglang nanulas sa mga labi niya. "A-Ano 'yon, Sissy?" nagtatakang tanong ni Manda. Umiling-iling siya. "W-Wala, Sissy. M-May naalala lang ako." "A-Ano 'yon?" Napasinghap siya. "B-Basta-" Ngunit hindi na siya nakasagot dahil biglang tumunog ang phone niya. Agad siyang nag-excuse sa bakla at dumistansya nang kaunti para sagutin ang tawag. Unregistered number iyon at talagang triggered siyang sagutin. "Hello?" "Good morning." Biglang dilim ang kaniyang mukha nang agad makilala ang boses. Sabi na nga ba! Lalo pa siyang lumayo sa kaibigang bakla. Ayaw niyang marinig nito ang mga sasabihin niya. "So it's you?" deretsahang tanong niya. Narinig niya ang tawa ni Brix sa kabila. "I warned you." Nakuyom niya ang kamao. "Nice try." Kalmado pa ang tono niya pero sa isip niya ay gustong-gusto na niya itong sugurin. "Mabilis ba masyado? You didn't see it coming?" Pumalatak siya. "Ano'ng palagay mo sa 'kin, duling? 'Yong totoo, sinubukan ko lang talaga kung talagang gagawin mo ang banta mo." "Ahh... okay. So how's it?" "Damn you!" Ngunit muli siya nitong tinawanan. "So what are you gonna do next? Tinda ng yosi?" "Gago!" "Sinabi ko naman kasi sa 'yo-" "Bawiin mo 'tong ginawa mo sa parlor ng kaibigan ko. Bakit kailangan mo pang mandamay ng iba? Kung ako, ako lang." Napasulyap siya sa gawi ni Manda. Ngayon nga'y hindi na ito nag-iisa dahil dumating na rin ang iba pang bakla na kasamahan nito. Mas lalo tuloy siyang na-guilty. "Because I'm hired , you're taking it down, huh?" "Well it's not my fault. It's all yours. Sinusubukan mo ako eh." Napapikit pa siya sa sobrang gigil. "Bakit ba kasi ako, ha? Hindi pa ba sapat 'yong dati? Ako na naman ang nakita mo. Ano ba'ng kasalanan ko?" "Kung pumayag ka na lang, eh 'di wala sanang problema." Parang siyang nasisiraan ng bait na tumawa. "Nasa matino pa akong pag-iisip para pumayag diyan sa kalokohan mo. Ayoko na ngang makita 'yang pagmumukha mo eh, magpanggap pa kayang 'fiancee' mo at humarap diyan sa mga magulang mo? Nakakapangilabot ka, grabe! Kahit isang daang milyon pa ang ibayad mo sa 'kin, hindi ko papatusin 'yan. Mas gugustuhin ko pang mamalimos sa kalsada." Saka niya gigil na pinatay ang tawag. Yeah, that was the favor he was asking for. Na maging fiancee siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD