NAKATINGIN lang sa baba si Cat habang hinihintay magsalita ang kaniyang kaharap. Pero sa totoo lang, kanina pa niya gustong hablutin ang bag niyang nakita niyang nakasabit sa isang stand malapit sa pinto ng kuwarto ni Brix. Tapos ay kumaripas na ng takbo ulit palabas at huwag nang magpakita rito kahit kailan. Hindi mawala-wala sa isip niya ang eksenang naabutan niya kanina lang. Nagririmarim siya. And everytime she would try to look at him, parang iyon ang nakikita niya.
"About what you saw... just don't mind it. It's just part of my everyday life."
She bit her lower lip. Everyday life? So everyday pala talaga itong may iba't ibang kasamang babae. Tama nga ang hinala niya noong una pa.
"Wala akong paki, just give me back my bag. And let's disperse from each other's life," tahasan niyang sabi.
Saglit na nanahimik si Brix. What's he waiting for?
"I need to ask you a favor," anito mayamaya na ikinataas ng kilay niya.
"Favor?" ulit niya.
Saglit na tumitig ulit sa kaniya si Brix. Gusto niya sanang makipagtagisan ng tingin dito pero kapag sumasagi talaga iyong kanina nawawala siya sa focus.
"Why don't you join me for a breakfast? Tapos na akong magluto," instead ay sabi nito. Right. Nang dalhin siya ulit doon ng mga guards ay naabutan niya ito sa kusina. And he was still there. Ngayon nga ay nagpe-prepare na ito sa mesa. Halatang bagong ligo na rin ito at wala na ang babaeng kasama nito kanina.
"Busog pa ako," tanggi niya. "'Yong bag lang talaga ang sadya ko rito kaya nag-tresspass ako. Kukunin ko lang at aalis na ako." Akma siyang tatayo. Pero natigilan siya nang makita ang malalim na tingin sa kaniya ng ex.
"You know it's not my hobby taking excuses." Pagkuwa'y nagbalik na ang tingin nito sa ginagawa.
Umikot ang mga mata niya. Ano pa nga ba?
Wala sa hinagap na tumayo siya at unti-unting lumapit sa may dining area. Pinaghila pa siya nito ng upuan pero hindi siya roon naupo. "After this, promise to give me what I want. Marami pa akong dapat gawin. Nakokonsyumo sa walang kakuwenta-kuwentang bagay ang oras ko." Sinadya niyang lakihan ang boses. Baka sakaling marinig ng konsensya nito at dinggin siya. Kung may konsensya.
"Okay. But only if you swear to do me the favor," seryosong sabi nito habang sinisimulan na ang pagkain.
"Favor? Ano ba'ng favor, ha-"
"Eat first. I know you missed my cooking."
Napatingin nga siya sa mga pagkaing nakahain. Well he really used to cook for her before, naalala niya. No'ng first time niyang nakatungtong sa condo na iyon three years ago. Pero nalimutan na niya ang lasa. Isang beses lang naman iyon.
At ngayon, wala namang espesyal. Hotdog and egg omelet lang naman iyon na may ham and cheese sa loob. May fried rice. Mag-a-alas nueve na nang mga sandaling iyon at alam niyang nagugutom lang siya kaya nang sumubo siya ng isang beses ay nagsunod-sunod iyon. Not because it was really good. Gutom lang talaga siya.
"Did you like it?" tanong pa ni Brix nang umiinom na siya ng tubig.
Nilinis muna niya ang laman ng lalamunan. "Gutom lang ako kaya naparami ng kain. Hindi ako nakapaghapunan kagabi dahil nasa bag ang wallet ko." Pero nag-cup noodles talaga siya kagabi. Inutang niya sa kapitbahay. Tapos kaninang umaga ay kape lang.
"So are you blaming me for that? Kasalanan kong naiwan mo ang bag mo?"
"Kung nagkusa kang isauli iyon sa 'kin, hindi sana. Kaso parang sinadya mo. Ano? Hindi ka pa rin ba maka-get over sa akin kaya nagpapapansin ka na naman? I'm sorry, masyado akong matino para maging kerengkeng mo. Tama na 'yong four months na ginulo mo ang buhay ko three years ago."
Tumayo na siya. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng bag niya. Hinayaan lang siya ni Brix. She took a sigh of relief nang makitang nandoon pa lahat ng laman niyon.
"Happy?" tanong nito pagkuwan.
"Not yet. Unless you promise not to mingle with my life again!"
Nag-walk out na siya. Mabilis niyang tinungo ang pinto. Nang sa wakas ay makalabas siya ng unit nito ay naglakad-takbo na siya pa-elevator. Ngunit hindi siya agad nakasakay dahil may iba pang gumagamit niyon.
Sunud-sunod siyang nagpipindot doon. Hindi niya alam kung bakit but her instinct kept on telling her na dapat na siyang makaalis sa lugar na iyon. Nang finally ay bumukas na iyon ay mabilis siyang pumasok sa loob. Pinindot niya agad ang number 1.
Pasara na sana ang pinto nang biglang may malapad na kamay ang pumigil doon.
"Puwede ba? Next batch ka na lang!" sigaw niya nang makitang si Brix iyon. Ngunit parang wala itong narinig. Deretso lang itong pumasok.
"How dare you snap me out of my property?"
Pinigil na lang niya ang inis. Oo nga pala, nasa balwarte siya nito. Ang mahalaga, nakuha na niya ang pakay niya. Humalukipkip na lang siya sa isang gilid at hinanap na lang ang cellphone sa bag. Baka sakaling may company na hindi nagpadala sa panunuhol nito't nakita ang potential niya.
Pero ni spam message ay wala siyang nabasa.
Gumaan ang pakiramdam niya nang may dalawang residents na sumakay pa ng elevator. Mas sumiksik pa siya sa isang gilid para may mamagitan pa sa kanila ni Brix. Hindi pumindot ang dalawa so ibig sabihin, malamang sa lobby rin ang tungo ng mga ito. Samantalang si Brix ay nakita niya kaninang number 0 ang pinindot. Meaning the ground level or the parking area.
Relaxed na tumingin siya sa taas kung saan makikita kung ano'ng floor na sila. Isang beses ay biglang nagtama ang mga mata nila ng dating nobyo. Matalim ang tingin nito sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin at pairap pang binawian ng tingin. Nang tumunog ang signal para sa lobby ay inihanda niya agad ang sarili para sa paglabas. Dahil nasa likod ay nauna ang dalawa sa unahan. But just as when she was about to set foot outside ay marahas na hinila ni Brix ang kaniyang kamay.
"Ano ba-" Piglas niya ngunit nagsara nang muli ang pinto. Dumeretso sila sa may parking area.
PILIT pa ring hinihila ni Cat ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Brix.
"Ano ba kasing kailangan mo at kailangan mo pa akong dalhin dito? Ano na namang trip mo sa buhay?"
It was too late for her to realize na nasa tapat na pala sila ng kotse nito.
"You still have a favor to do for me," walang gatol na sabi nito. Binuksan na nito ang pinto. "Sakay."
Pero minatahan niya muna ito. "A-Ayoko! At saan mo ako dadalhin?"
Was there a surprise again? Naalala niya tuloy...
"AY nako! Tigil-tigilan mo akong lalaki ka!" sabi ni Cat habang panay ang lakad palayo at paiwas kay Brix. Andito na naman ito sa labas ng pinagtatrabahuhan niya at nangungulit na naman.
"Come on! Is that how you treat your boyfriend? Sinusundo ka nga eh!"
"B-Boyfriend mo mukha mo! Ikaw lang nagdesisyon niyan!" Pinagpag niya ang kamay nitong nagtangkang humawak sa kaniya.
"Come on, please?!"
Sa isang iglap ay nakahabol ito sa kaniya. Hindi lang nakahabol, naunahan pa siya. Now, he was standing in front of her. Nakuha pa agad ang dalawang kamay niya.
Salubong ang mga kilay na tiningala niya ito. "Bakit ba?"
Ngunit nakangiti nitong pinindot ang tungki ng kaniyang ilong. "Bakit ba kasi galit na galit ka sa 'kin? Wala naman akong ginawang masama sa 'yo."
Napaisip naman tuloy siya. Wala nga. Pero hindi niya gusto ang presensya nito. Parang nakakatakot. Parang tingin niya may hidden agenda ito.
"W-Wala pa. Pero may balak!" aniya saka talikod na naman dito.
"Ano ba 'yan? Can't you just trust me?" Hayun na naman ito at nakalipat na ulit sa harap niya.
"Tigilan mo ako. Ako'y uuwi na!"
Nang may nakita siyang papadaang taxi ay paparahin niya sana iyon pero agad nahablot ni Brix ang kamay niya.
"I can do this everyday. It's either masasanay ka o pagbibigyan mo rin ako," seryoso nang sabi nito.
"Ano ba kasing trip mo?" Nakukulitan na talaga siya.
"Sama ka sa 'kin."
"Saan ba?"
Hinila nito ang kaniyang kamay. "Basta. Tara?"
Nang makalapit sila sa dala nitong sasakyan ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Sumakay na lang siya nang tahimik. Tutal, mukhang wala naman itong balak tumigil. Muli, ay ito ang nag-ayos ng pagkakakabit ng seatbelt niya.
"Relax ka lang kasi," natatawa pang saad nito nang mapansin ang sunud-sunod niyang pagbuntong-hininga. Masyado bang obvious na malakas ang kabog ng dibdib niya kapag malapit ito?
"B-By six pm kailangan nasa bahay na ako, ah! M-May gagawin pa ako," paalala niya.
Blangko ang ekspresyong tumingin ito sa kaniya. "5:30 na, Miss Cat. I can't promise you that." Sunod niyon ay isinara na nito ang pinto. Lumiban agad sa kabila para mag-drive.
"E-Eh 'di seven pm," nauutal na sabi niya.
Ini-start na nito ang engine. Nakangisi pa. "I still can't promise." Nagmaniobra na ito.
"Seven-thirty."
Muli itong tumingin nang malalim sa kaniya. "Nine pm. Final."
Sinubukan niya pang humirit ngunit hindi na siya nito kinibo. She just prayed na sana naman hindi siya sa kung saan dalhin ng baliw na lalaking ito. Nakatingin lang siya sa daan. Medyo traffic nang mga sandaling iyon. Hanggang sa tuluyan na ngang bumalot ang dilim. Nagugutom na rin si Cat. Inaantok pa. Nang subukan niyang pumikit ay hindi niya akalaing makakaidlip nga siya.
At paggising niya, wala nang traffic at tahimik na ang buong paligid. Nasilaw pa nga siya sa ilaw mula sa loob ng sasakyan ni Brix. At naabutan niya itong matamang nakatitig lang sa kaniya.
Napatingin siya sa digital clock na nasa dashboard. It's exactly 7:10pm.
"O, ano na?" sabi niya. Napahid pa niya ang kaunting laway na tumulo sa gilid ng labi niya. Napatingin siyang muli sa labas. Nasa mataas na bahagi sila. Kitang-kita niya ang liwanag na nagmumula sa mga nagtataasang building. Pati ang traffic sa mga kalsada. "'Asan tayo?"
"Nasa Manila pa rin tayo, don't worry."
"S-Saan banda?"
Tumagilid ito sa upuan. "Let's say... to my favorite place. Hmmm?" Kinuha nito ang isang niyang kamay. "Tara!"
"S-Saan?" Medyo kabado siya.
"Sa labas, malamang."
Bumaba na ito. Bumaba rin siya at awtomatikong napayakap sa sarili nang dumantay ang malamig na hanging panggabi sa kaniyang balat.
"Dito tayo!" narinig niyang sabi nito.
Saka niya lang napansin ang isang transparent tent sa may kabilang side na nakatayo malapit sa sasakyan nito.
"Dali! Malamig."
Ber-months na kasi kaya nagsisimula na ang cool season. Dali-dali naman siyang sumunod dito. Binuksan nito ang zipper at hinayaan siyang makapasok sa loob. Pero nanatili lang ito sa labas. Nagtaka pa nga siya kung paano nagkailaw ang maliliit na bombilyang nakapalibot sa taas ng tent.
"Nakisaksak ako sa may restaurant," sabi nito na parang nabasa ang nasa isip niya. "Diyan ka lang muna, kukunin ko 'yong in-order ko."
Nakita niya itong pumasok sa backdoor ng isang gusali - restaurant pala. Nasilip niya pa ang mga crew at chef doon na nagluluto.
Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang kinaroroonan niya. Wala namang ibang naroon kundi ang mini table sa gitna. So ito pala ang balak ni Brix. Dalhin siya sa kung saang lugar na ito at magdi-dinner sila? Napailing at ngiti na lang siya sa style na gusto nito. Nag-effort pa talaga para sa tent?
"Open, please!"
Agad siyang napatayo nang marinig ang pakiusap nito. Binuksan niya ang zipper ng nagsisilbing pinto ng tent. May dala itong tray ng pagkain na nakatakip. Nagbigay rin siya agad ng space para makadaan ito at mailapag iyon sa may mini table.
"Saglit, may kulang pa!" anito saka muling lumabas. Sunod naman nitong pinuntahan ang compartment ng sasakyan. May dala na itong maliit na cooler pagbalik.
"Ano 'yan?" curious na tanong niya.
"Our drinks. Buti na lang nagdala ako. Puro hard ang meron sa kanila sa loob."
Binuksan at ipinakita pa nito ang laman niyon. Mga in can na alak.
"Let's eat!" aya nito saka tinanggal ang ang malaking takip ng tray. Tumambad sa kaniya ang dalawang plato ng pasta at isang good-for-four-slices na cake. "'Yong totoo, birthday ko kasi," nakangiting saad nito pagkuwan. "Happy 26th birthday to me."
Hindi siya nakakibo at bahagyang awang lang labi. So iyon pala ang dahilan ng pangungulit nito? Halos 4 years din pala ang age gap nila. Kaya pala nakapula ring suot.
"Ayaw mo yata niyan, gusto mo ba ng kanin?" mayamaya ay tanong nito nang hindi niya galawin ang pasta na nakahain sa harap niya.
Napalunok siya. "Hindi, okay na 'to." Iniisip kasi niya if she should greet him a 'Happy Birthday'. Para siyang ewan.
"Sure ka?"
Tumango siya. "Happy birthday."
"Thanks."
Pero mayamaya rin ay muli siyang humarap dito. "Wala ka bang pamilya? Bakit hindi ka na lang nagpahanda sa inyo?" Aside from his name na Brixton Earl at edad nitong 26 na ngayon niya lang nalaman ay wala na siyang alam sa iba pang detalye tungkol dito. She didn't mind asking, dahil hindi naman talaga siya okay sa pinaggagawa nito. Umiiwas nga siya pero ito ang basta-basta na lang sumusulpot. At nagdesisyon pang maging boyfriend niya.
"They've been there for the last 25 years of my life. Gusto ko naman ngayon sa ika-26th ko ay kasama ko naman ang espesyal na tao sa buhay ko."
Muntik na siyang masamid. "Espesyal talaga? So you mean me? Duh?!" She could hardly believe. Natatawa siya. Parang kahapon lang no'ng muli silang nagkita after noong encounter nila sa mall. Parang ambilis namang rumatatat ng puso nito para 'ma-inlove' sa kaniya agad at tawagin siyang espesyal.
"Bakit? Mahirap bang paniwalaan?" Seryoso ang mukha nito.
"Sobra," walang alinlangan niyang sagot.
"You don't believe in love-at-first-sight?"
"D'yos ko, Lord!" Tumawa na naman siya.
Bigla ay nawala ang sigla sa mga mata nito. "So you really think na hindi ko kayang magpakaseryoso sa 'yo, gano'n?"
Nilunok muna niya ang nginunguyang pasta. "No comment."
"Okay." Nagkibit-balikat ito. Mayamaya ay dinampot na nito ang cake at sinindihan ang kandila matapos itundo iyon sa gitna. "If wishes do come true, then I wish... na sana dumating 'yong time na mahulog din ang loob mo sa akin. That you trust and love me the way I do. That you won't hesitate to give me a chance to prove how much I feel for you. Na sana hayaan mo akong maging parte ng buhay mo." Then he blew the candle. Cat remained silent for a moment.
"A-Ay nako, hindi dapat ginagawang biro ang pag-wish, baka magkatotoo." Idinaan niya na lang sa biro but deep inside, parang may pinch siyang naramdaman sa puso niya. Seryoso kaya si Brix?
Sumimangot ito. "Sana nga magkatotoo!" At bigla ring nangiti. "Sana magdilang-anghel ka."
Mayamaya, binuksan na nito ang cooler at kumuha ng dalawang in can. Binuksan nito ang isa at ibinigay sa kaniya.
"No. Hindi ako umiinom," agad tanggi ni Cat.
"Come on, light lang 'to. Hindi ka malalasing. Huwag mong sabihing pinaghihinalaan mo ako, ha? I'm not going to take advantage." He chuckled after that.
"Hindi sa gano'n!" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Try mo lang, kahit isang lagok. Ano 'yon? Ako lang ang magse-celebrate?"
Tumabingi ang labi niya sabay hablot ng in can sa kamay nito. "Kung birthday ko lang din sana, gusto ko rin mag-wish," sabi niya.
"Puwede naman. Ano ba'ng wish mo?"
"Na sana maumpog 'yang ulo mo at ma-realize mo na wala kang pag-asa sa akin." Saka siya tumawa.
"Grabe siya. Sorry, but it will never happen." Nagbukas na rin ito ng para sa sarili nito. "Cheers?"
"Cheers."