"SORRY, ma'am. Pero hindi kayo puwedeng umakyat nang wala si Sir. Wala rin naman po siyang inihabilin sa akin," tugon ng receptionist na nakausap niya sa lobby.
Awtomatikong napatabingi ang labi ni Cat. "Ano'ng oras ba 'yon bumabalik?" walang gatol niyang tanong.
"Walang definite time, Ma'am. Minsan bumabalik agad, minsan tanghali, hapon, gabi. Pero madalas umaga na."
Lalo siyang nanlumo sa disappointment. "Ano ba 'yan? Maghihintay pala ako nang matagal. Tawagan mo kaya? Sabihin mo may importanteng taong naghahanap sa kaniya."
Desperada na siya. Kaya heto siya ngayon, agang-aga nasa loob ng condominium/hotel building na pag-aari ng pamilya ni Brix. Minsan na siyang nadala nito rito - noong sila pa three years ago - kaya alam niya iyon. Natutuwa siya dahil tama ang hula niyang dito pa rin ito naninirahan, pero disappointed dahil sa masamang balita ng receptionist.
Bahagyang tumaas ang isang kilay nito. "Kaano-ano ba kayo ni Sir Brix, Ma'am?"
Napalunok siya. Alam niyang 'pag nagpakilala siyang kamag-anak nito ay hindi ito maniniwala. Halatang poor girl siya eh. Kung girlfriend naman ay aba! Kahit siya ay malaki ang pagtutol. Kung kaibigan naman, baka isipin nitong friends with benefits sila ng boss nito. Eh kung ex.. baka lalo siyang hindi payagan nito. Isipin pang naghahabol siya. NOPE!
"S-Sige, maghihintay na lang ako sa pagdating niya," sabi niya instead na sagutin ang tanong nito.
Muli siyang tiningnan mula ulo hanggang paa ng babae. Gusto niya sanang gantihan dahil sa kaatribidahan pero pinalampas niya na lang. Focus lang sa goal. Focus! Naglakad siya para sana maupo sa sofa na naroon. Ngunit bigla siyang nakarinig ng mga tawanan. Paglingon niya, nakatingin pala sa kaniya ang receptionist na iyon at ang kasama nito sa may front desk. Are they mocking at me?
Sinupil niya ang panggigil na nararamdaman niya. Tulad nga ng paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili, focus lang siya sa goal. Ang bag niya. Kailangan niyang makuha ngayon. Oras na makuha niya naman iyon ay tiyak na wala na siyang magiging problema pa.
Mapuwera na lang kung magtutuloy sa pinaplano si Brix.
'Yong panggigipit na gagawin kuno raw nito sa kaniya. Crazy jerk ex!
Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo sa sofa nang biglang dagsa ng mga tao. Mga galing sa labas. May nakita pa siyang mag-asawang matanda na patungong elevator. Isang pilyang ideya tuloy ang bigla na lang pumasok sa kukote niya. Ngunit bago 'yon ay nilingon muna niya ang dalawang bruhilda na nasa front desk. Hindi na niya halos makita ang mukha ng mga ito dahil sa dami ng nag-i-inquire.
Tumayo siya at humabol sa dalawang matanda. Matangkad ang matandang lalaki at medyo malapad pa ang katawan kaya rito siya dumikit para maikubli sa mga mata ng receptionists ang sarili niya. Pasalamat na lang din at walang pila sa elevator at nakapasok sila agad. Siya pa ang nanguna at pinindot niya agad ang number 33 kung saan sa pagkakatanda niya ang floor ng unit ni Brix.
Trial and error lang naman ang gagawin niya. Susubukan niya kung mabubuksan niya pa rin ang pinto ng unit nito gamit ang password nitong alam niya. Hahanapin niya ang bag sa loob tapos sisibad na. Kung hindi naman gumana, eh 'di bababa na lang ulit siya at maghihintay. Iyon ang plano.
For my bag's sake! Paulit-ulit niyang sabi sa sarili. Sa bag na iyon kasi nakasalalay ang buhay niya rito sa Maynila kaya talagang lahat ay gagawin niya mabalik lang iyon sa kaniya.
NAUNANG bumaba ang dalawang matanda kay Cat kaya siya na lang ang mag-isa ngayon sa elevator. Paulit-ulit siyang nagpakawala ng hangin. I can do this. I will never fail.
Nang finally ay nakarating siya sa designated floor ay dali-dali siyang lumabas. Sinigurado muna niyang walang tao bago siya lumapit sa pinto ng unit ni Brix. She immediately reached for the screen kung saan niya ita-type ang password.
Then she started hitting the pin.
Birthday ni Brix. Makisama ka! Nakapikit niyang panalangin. Saka lamang siya nagmulat nang marinig ang beef tone at pag-click ng lock sa loob. Yes!
Excited niyang binuksan ang pinto.
But only to witness something hideous that no one must ever see. Or hear!
.....
"OH! f**k baby. Please f**k me faster. I'm c*****g, I'm c*****g. Ahhh..." daing ng babaeng nakatuwad ngayon sa likod ng sofa.
"I'm c*****g, too oh baby. Please, take my c*m. Take my - f**k!!" Malakas na sigaw ni Brix. Bigla siyang natigil sa mabilis na pag-ulos sa may likuran ng babae nang dumapo ang liwanag ng araw mula sa bukas na pinto. Pagtingin niya, he instantly saw a shocked reaction mula sa babaeng nakasaksi sa kanilang ginagawa.
Mabilis na tumakbo palabas ang babae.
"f**k!" ulit niya sabay layo sa babaeng kaniig. Kahit walang ano mang saplot sa katawan ay tinungo niya pa rin ang pinto upang silipin kung nasaan na ang babae. Nakita niya pa itong kasasakay lang ng elevator.
"f**k!" he condemned again.
Kasabay niyon ay ang pagtunog ng intercom na nasa gilid lang niya.
"Sir, there's a lady intruder na nakapasok at nakarating sa unit n'yo. Sir-"
"I know. Get her now at huwag n'yong hahayaang makatakas. Then ipahatid mo sa mga guards pabalik dito sa unit ko."
"Sir-"
Hindi na niya tinapos at mabilis na niya iyong ini-off. Bumaling siya pagkuwan sa babaeng iniwan niya sa ere.
"What's the matter? Ano'ng meron? Bakit-"
"Magbihis ka na, bilis!" malakas na utos niya rito. Litong-lito siya. "Bilisan mo and leave this place right away!!!" tarantang sigaw pa niya nang makitang hindi agad kumilos ang babae.
"Bakit ba kailangan mo pang sumigaw? Ano ako-"
"Bullshit! I don't need your drama. Just do as I say!"
Hindi na niya ito nahintay pa at pumasok na siya sa banyo at naligo nang mabilisan. Panay pa rin ang pagmumura ni Brix. Minumura niya ang sarili niya, ang sitwasyon. Ano'ng ginagawa ng babaeng iyon dito? Paano nito nabuksan ang pinto ng unit niya? Ano ang pakay nito sa kaniya?
"Hay! Napakagago mo talaga, Brix!" Nasabunutan niya pa ang sarili.
Sa dinami-rami ng pagkakataon bakit sa ganitong oras at sitwasyon pa siya naabutan ni Catalina?
.....
"MGA hayop! Kadiri! Baboy!" nagngingitngit at paulit-ulit na anas ni Cat habang naghihintay makababa sa lobby ang elevator.
Sising-sisi siya dahil sa kaniyang ginawa. Never in her life had she ever seen something as disgusting as that. Ang walanghiyang receptionist, ubod pa ng sinungaling! Wala raw si Brix dito. Bruha!
At ang hayop naman, wala pa ring pinagbago. Simula't sapul ganoon pa rin. Baboy! Kapal ng mukhang manghingi sa kaniya ng second chance. Pwe! Malamang inihabilin nito sa baba na kung sino mang maghahanap dito ay sabihing wala ito para walang iistorbo sa pakikipag-jerkjerkan sa babae. Grabe! Ang aga-aga. Alas-otso pa lang!
"Hay! 'Apakababoy talaga! How to unsee?"
Pagbukas na pagbukas pa lang ng elevator ay may dalawang guwardiya nang sumalubong sa kaniya. Agad niyang iniharang ang dalawang kamay sa mga ito.
"Mga manong, hindi n'yo na ako kailangang kaladkarin palabas. Kusa akong aalis. At FYI, wala ho akong ginawang masama. Pasensya na ho, kung basta-basta lang akong umakyat. Hindi na ho mauulit!" aniya sa pag-aakalang dadamputin siya ng mga ito dahil nag-tresspass siya.
"Hindi, Ma'am. Pinababalik kayo ni Sir Brix sa taas. Ihahatid lang namin kayo."
"Ano?" gimbal na tanong niya. "Ay bakit ho? Ayoko. Hindi na ako babalik doon!" Tatakbo sana siya palabas pero naagapan siya agad ng mga ito.