KUNG hindi pa bumagsak ang ulo at nauntog, hindi magigising si Catalina. Nanlaki pa ang mga mata niya nang biglang mag-sink in sa utak ang nangyari. Ang pagkakaalala niya ay nakatayo siya sa tapat ng coffee shop ni Harry nang bigla siyang mahilo. Then may biglang sumalo sa kaniya!
Noon niya rin napagtantong nasa loob pala siya ng isang sasakyan.
"How's the feeling?" anang pamilyar na boses. But it wasn't Harry's. Napakislot siya nang malingunan ang lalaking nakatingin sa kaniya mula sa driver's seat.
"B-Brix!" bulalas niya. How could she forget? The guy who ruined her life twice now.
Halos magbuhol pa nga ang dila niya. Umiwas siya ng tingin dahil sa malalim nitong titig sa kaniya. Kumuyom ang kaniyang mga kamao. What a small world. Finally, their paths crossed again. Ngunit hindi niya mahanap ang tapang niya. Hindi ba't sinabi niya sa sarili niya na humanda ito oras na magkita ulit sila?
"Pagala-gala ka, nakainom ka," wika nitong muli. His looks had changed. Even his voice. Mas matured na ang hitsura nito at tila mas gumuwapo pa. Well during the wedding day, hindi niya agad iyon napuna dahil sa tensyong ginawa nito.
My God! You're crazy, Catalina Serene! Bakit ganiyan ang reaction mo?
She should be mad.
But where's the lioness hidden inside her? Bakit parang naging pusa na lang?
"E-Excuse me!" wala sa sarili niyang sabi saka binuksan ang lock ng pinto para bumaba. Maybe hindi pa siya handa ngayon. Sabay-sabay ang problema niya. Pero bago pa niya maitapak sa semento ang isang paa ay nahawakan na nito ang isang braso niya.
"So how's the wedding? Was it memorable?"
Pagkarinig ng panunudyong iyon ay saka lamang tila nabuhay ang dugong nananalaytay sa kaniyang mga ugat.
Pumihit siyang muli paharap dito at isang malakas na sampal ang kumawala sa isang kamay niyang malaya.
"Of course it was memorable!" She mocked. Her voice was almost shaking because of anxiety. "Sobra! Hinding-hindi ko 'yon malilimutan.Dahil noon lang ako nakakita ng demonyong nakapasok ng simbahan. At nagpakalat pa ng isang makapanindig-balahibong 'himala'. I am pregnant? Oh my God!" She bitterly laughed. Noon na nga tila nagising ang leong natutulog sa loob-loob niya. "Hayop ka! Sa lahat ng puwede mong idahilan, iyon pa talaga." Isang sampal sanang muli ang pakakawalan ni Cat ngunit this time ay naagapan na siya ni Brix. "You, son of a b***h, ruined my life again!" Gigil at nagpupuyos na nagpumiglas siya at pilit hinila ang mga kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.
But she didn't expect Brix's reaction after that. Pinakatitigan lang siya nito. Parang pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Ang bahagyang nakaawang niyang labi ay dahan-dahan niyang isinara. Pinigilan din niya ang panlalaki ng butas ng ilong niya. What was this guy doing? Pero bago pa siya magayuma ay isang sampal ulit ang pinakawalan niya.
He shook his jaw upon receiving that slap. She heard him gasp. Then malalim ulit na tumingin sa kaniya.
"Well I did it in purpose. And I'm so glad that I didn't fail to surprise you," he said sarcastically.
"A-Ano?" halos mapaos na maang niya. She grabbed his collar. "B-Bakit ha? May atraso ba ako sa 'yo? Sa pagkakatanda ko, ako ang dapat maningil sa 'yo. Pero dahil hindi naman ako katulad mo, pinalampas ko na 'yong noon. Tapos ngayon, heto na naman. Ang kapal ng apog mong sirain ang buong pagkatao ko sa harap ng maraming tao."
Ngunit imbes na pangitaan ng pagsisisi ay pagak lang siyang tinawanan nito. "Sa totoo lang, you should be thankful. Because I saved you. Padalos-dalos ka ng desisyon sa buhay mo. Magpapakasal ka sa lalaking hindi ka sigurado. And look at that guy, kung mahal ka talaga ay bakit walang tiwala sa 'yo? Iniwan ka nang hindi man lang nakikinig sa paliwanag mo... 'di ba?" Nang-uuyam pa ang mga mata nito.
Nangilag siya. "P-Pa'nong maniniwala, you brought a fake ultrasound result!" Sa hindi niya inaasahan ay bigla na lang siyang lumuha. "You don't know what I've been through, malimutan lang kita. Tapos kung kailan masaya na ako, magbabalik ka? Para saan? Ha? Kung akala mo mauuto mo ulit ako puwes hindi na ako ang dating -"
"Be mine again," he suddenly said na biglang nagpapinid ng bibig ni Cat.
"A-Ano?"
"I said, be mine again. I missed you. I still love you. And I sincerely apologize for what I did before. Nagbago na ako at handa akong patunayan 'yon sa 'yo."
Ngunit imbes na maniwala ay parang natatawa pa si Cat. Isang sampal ang muli niyang pinakawalan. "Baliw ka na. FYI, hindi na ako kasing utu-uto tulad ng dati. Sinabi mo na rin 'yan noon pero hindi mo naman talaga tinotoo. Lokohin mo'ng sarili mo, huwag ako." Tinangka niyang buksan ulit ang pinto para bumaba, but Brix locked it.
"Lalo kitang gigipitin..." he said again na muling umagaw ng atensyon niya.
"A-Ano?"
"I will never stop pestering your life hanggang sa ikaw ang kusang sumuko at magmakaawa sa akin. It's up to you. Ayaw mong makipagbalikan sa akin? Then enjoy the consequences."
He finally unlocked the door pero hindi na roon interesado si Catalina.
"Ano'ng sabi mo?" maang niyang muli. "So you mean to say, ikaw lahat ang nasa likod ng kamalasan sa buhay ko? Pagkatanggal ko sa trabaho, sa pagtanggi sa akin ng mga inaplayan ko-"
"You know how rich and influential I am. Walang imposible sa akin. Yes, ako nga. At sisiguraduhin kong kahit mag-aplay ka pang manikurista sa isang salon ay hindi ka pa rin matatanggap. Kahit magtinda ka ng yosi at kendi, walang bibili. I can pay anyone just to abandon you. Gusto mo pati 'yong tinitirhan mo-"
She slapped him again. "Baliw ka na. Desperado. Ano ba'ng kailangan mo sa akin at kailangan mo pang magpapansin ng ganito? Iniwan ka na naman ba ng ex mo? Ako na naman ang nakita mo? My God! Brixton! Three years! Three years na pero ang babaw pa rin ng utak mo. Minsan isabay mo naman sa pagdagdag ng edad mo ang maturity mo." Binuksan na niyang muli ang pinto. "Ruin it all anyway, kakayanin kong mag-survive." Pabalya pa niyang isinara ang pinto. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Biglang nawala ang amats niya. Isang sulyap pa sa sasakyan nito at naglakad na siya palayo. Ngunit nakakailang hakbang palang siya nang may maalala. Ang bag niya! Dali-dali siyang pumihit para balikan ang sasakyan ni Brix. Pero laking gulat niya nang makitang nakatakbo na itong palayo. Ngunit sinubukan niya pa ring humabol. "Hoy, lalaki! Ang bag ko!" sigaw pa niya kahit alam niyang imposible na siya nitong marinig.
KUNG paanong nakauwi si Cat nang gabing iyon sa apartment na tinutuluyan ay ayaw na niyang maalala. Kung kani-kanino siya nag-solicit ng piso-piso para lang makaipon ng pamasahe niya sa jeep. Wala pa ngang naniniwala sa kaniya dahil sa maayos niyang suot. Pero sinabi niyang na-holdap siya, nangako pang kapag nakabawi ay ibabalik niya lahat ng kaniyang na-solicit.
Mag-a-alas nueve na nang siya'y makauwi. Kinailangan niya pang puntahan ang landlady para manghiram ng duplicate key.
Pagpasok sa kaniyang kuwarto ay deretso hilata siya sa kama kahit hindi pa nakakapagbihis. Tumulala lang siya sa kisame. Nakabukas ang mga braso at kamay. Lapat na lapat ang likod. Bahagyang nakaawang ang labi dahil parang kinakapos siya ng hininga. Pakiramdam niya, pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Paano na siya ngayon? Nandoon sa bag niya lahat. Ang wallet niya, ATM, cellphone, mahahalagang documents at kung ano-ano pa. Kung bakit kasi masyado siyang nagpadala sa emosyon niya. Sa lahat ng bagay, iyon pa ang nawala sa isip niya.
Saan niya hahanapin ang gagong 'yon? Kung kailan naman gustong-gusto niya itong iwasan saka naman nagkaganito. Hay!
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Baka naman panaginip lang ito. Ngunit sa pagpikit niya, may ibang gunitang pumasok sa isip niya.
"CAT! May naghahanap sa 'yo!" Malakas ang tapik ni Wincel sa kaniyang balikat matapos sabihin iyon. May kakaibang ngiti sa mga labi nito. Nagtataka pa siya kung bakit pa ito bumalik sa loob. Out na nila nang mga oras na iyon at nagpaalam ito na hindi na siya nito mahihintay dahil nagmamadali ito. Nagtungo pa kasi siya ng CR para umihi at mag-retouch na rin.
"Sino?" tanong niya na hindi man lang ito nilingon dahil kitang-kita niya naman ang repleksyon nito sa salamin. Pinapatungan niya ng lipgloss ang nanunuyo niyang labi.
"Sus! Kunwari pa. Kaya pala panay paganda ka nitong mga nakaraang araw. May hindi ka ikinukuwento sa akin."
Bestfriend niya sa kompanyang iyon si Wincel. Dahil mag-classmate sila no'ng college at doon nag-OJT kaya lalo silang naging close. Pareho silang nagsisimula roon bilang mga clerk, utusan ng seniors, tagabili ng kape at meryenda, taga-photocopy ng mga documents at kung ano-ano pa. Nagiging magaan ang trabaho nila dahil idinadaan na lang nila sa chismisan o tawanan kapag may kinaiinisan silang empleyadong kung makapag-utos ay daig pa ang may-ari ng kompanya.
"Ano namang hindi ko naikuwento?" Finally ay humarap na siya rito. Naiayos na rin niya ang gusot sa damit at pagkakasukbit ng shoulder bag.
"Ipakilala mo naman ako, ikaw talaga!"
Ngunit talagang nahihiwagaan siya sa pinagsasabi nito. Sumakay na nga sila ng elevator para bumaba. Nakakapit pa ito sa balikat niya hanggang sa nakarating na sila ng lobby.
Palabas pa lang sila nang makita niya ang isang puting kotseng nakatigil sa harap. Sa may gilid ng frontseat ay may nakatayong matangkad na lalaki. Naka-tshirt lang ito, rubbershoes at pantalon - just the typical - pero sobrang lakas ng dating. Nakatingin ito sa cellphone na parang may sinusubukang tawagan. At bigla nga ay nag-ring ang cellphone ni Cat. Nataranta pa siya habang hinahanap iyon sa loob ng kaniyang bag.
She rejected the call. Kasabay niyon ay ang pagsibol ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Panay ang kulbit sa kaniya ni Wincel at impit na tili nito dahil sa kilig pero hindi niya iniintindi. Mas nanaig sa kaniya ang presensya ng lalaki. Hinding-hindi niya malilimutan ang hitsurang iyon. Ano'ng ginagawa nito rito? Paano nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho? Sa pagkakaalam niya, pangalan niya lang ang ibinigay niya rito noong magkita sila.
Tadtad na rin pala siya ng message. From unknown number. Iyong tumatawag din sa kaniya. Pagbukas niya ng isa ay tumambad ang ganitong mensahe : Got ur number from ur friend. San ka na? Bilisan mo, naghihintay ako sa labas.
Awtomatiko siyang napatingin muli sa lalaki. Pagkuwa'y kay Wincel. Bahagya niya itong kinurot sa tagiliran. Nagtago pa siya sa gilid ng sliding door.
"Sino'ng nagbigay sa 'yo ng permisong ipamigay kung kani-kanino ang number ko?" pagalit niyang tanong.
Ngunit imbes na ma-intimidate ay pinanlakihan pa siya ng mata ng kaibigan.
"Aba! Galit ka pa niyan? Kahit sinong babae na hiningan ng number ng ganoong ka-guwapong lalaki, aba, hindi tatanggi. Pasalamat ka nga number mo ang ibinigay ko, hindi 'yong sa akin - Aray!"
"Pasaway ka! Hindi mo nga kilala 'yon!"
"Eh, kakilala ka niya eh. At ang sabi niya boyfriend mo raw siya kaya ibinigay ko. Nagkagalit daw kayo. And he wants to make things up. Sige na! Huwag ka nang magalit kay Mr. Pogi. Bahala ka, 'pag 'yan napagod sa 'yo, ikaw rin!"
Hinila pa siya ni Wincel palabas. Mag-aapela pa sana siya kung hindi lang nagawi ang tingin niya sa lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. His devilishly seductive smile hit her core immediately causing her whole body to shiver. Napatulala pa nga siya saglit. How could this devil smile like an angel?
"Hi, Cat!"
And when she heard his baritone but sweet voice, lalo siyang nawala sa katinuan.
"Hi raw!" bulong sa kaniya ni Wincel dahil ilang segundo pa siyang parang lutang. Bahagya pa nitong itinulak ang kaniyang likod. "Have a great night, uwi na ako, ha?" paalam pa nito sa kaniya na may kasamang panunudyo. "Mr. Pogi, please take care of my friend, ha? Babush!" Kumaway pa ito sa lalaki.
Nang sila na lang dalawa ang magkaharap ay lalong hindi niya alam ang gagawin. Para siyang ipinako sa kinatatayuan.
"Cat?" untag sa kaniya ni Brix pagkuwan. "Care to grab my hand first?" Kanina pa kasi nakalahad ang isang kamay nito.
Tiningala niya ito. "W-What are you doing here? Paano mo-"
"Puwede bang sa loob na natin pag-usapan 'yan? You're workmates are watching," bulong na sabi nito. Napalingon nga siya sa pinupunto ng mga mata nito at noon niya lang napansin ang mga seniors niya na naroon pa at nag-aabang pa ng masasakyan. Nakamata nga ang mga ito sa kanila.
"Ikaw kasi! Punta-punta ka pa rito-" But before she could ever finish ay nakuha na nito ang isa niyang kamay. Binuksan nito ang pinto ng front seat at iminuwestra siya para pasakayin doon. Hindi na siya nakaapela dahil sa bahagyang panunulak nito. Nang makaupo na siya ay agad nitong ikinabit sa kaniya ang seatbelt. Lalo tuloy siyang na-awkward dahil sa bahagyang paglalapit ng kanilang katawan. Lalo na nang maamoy ang body spray nito na gustong-gusto naman ng kaniyang ilong. Bago ito tuluyang umalis sa harap niya ay tinitigan pa muna siya nito nang malagkit. Then gave her that hypnotizing smile again. Napapikit pa nga siya nang akala niya ay hahalikan siya nito. Ngunit ang isang daliri lang pala nito ang naramdaman niyang dumapo sa gilid ng kaniyang mga labi.
"Kakamadali mo, hindi mo na naayos ang paglalagay ng lipstick mo."
When she opened her eyes, nakita niya pang iginaya nito ang daliring iyon patungo sa labi nito.
"Sweet," he said after kissing it. Kagyat nag-init ang kaniyang pisngi at nanlamig ang kaniyang katawan. Kahit na umalis na ito sa harap niya at naisara na nito ang pinto ay hindi maawat-awat kung gaano kabilis ang t***k ng kaniyang pulso.
DINALA siya nito sa isang mamahaling restaurant again. Kanina pa nag-uusisa si Cat kung ano'ng purpose nito ng pagpunta sa workplace niya at paano nito nalaman kung saan iyon pero panay ang sabi nitong mamaya na nila pag-usapan.
Rather than mag-aksaya ng hangin at laway ay hinayaan niya na lang ito. Tutal parang wala rin naman siyang kawala. He kept on grasping her hand, minsan nga 'yong beywang niya, as if they were officially lovers. Pangalawang pagkikita pa lang nila pero kung makaasta ito parang antagal-tagal na nilang magkakilala.
Unlike last time, hindi na siya nito tinanong ng order. Ito na mismo ang um-order nang kusa sa waiter. Minsan naiisip niyang tumakas, but everytime na tatangkain niya ay bigla nitong hahawakan ang kaniyang kamay. At ito namang kaloob-looban niya, bigla namang nanghihina. Ang lambot-lambot ng balat nito na tila ba hindi iyon nagagasgasan o nadadapuan man lang ng dumi. Dagdag pa ang mainit na temperatura nitong tumutunaw sa natitira niyang lakas.
"Your friend said you're single, so I think you have no reason para tanggihan ako," sabi pa nito nang nagsisimula na silang kumain.
"I-I am maybe single pero... I'm not ready to mingle," napapalunok niyang sabi.
"Hmmm...!" He snickered. "I'm not buying that reason." Nagulat pa siya nang bigla nitong itapat ang tinidor na may nakatuhog na karne sa tapat ng kaniyang bibig. "Open your mouth, dear," masuyong utos pa nito na unconsciously ay sinunod naman ng kaniyang katawan. Matamang pinagmamasdan pa siya nito habang nginunguya iyon.
"I-I honestly don't wanna date a guy like you." Pero may kahati siya sa katawang iyon. Iyong matapang at mahina. And it's as if they were trying to balance her.
"Then give me a million reasons why," kampanteng tugon naman ni Brix. He even grabbed a tissue para punasan ang gilid ng labi niya. Bagay na lalong nagpalito sa kaniya.
"M-Million? Million talaga?"
"Yah. And if you fail to compel then I won't stop pursuing you."
Natawa na lang siya nang pagak. "K-Kalokohan mo, h-huwag ako."
"I like you! The first time I saw your face, I have liked you already."
Nabitawan niya ang kutsara't tinidor na hawak niya. "Y-You're unbelievable," aniya habang nakatungo. "Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka naka-score sa ex mo. Ako naman ang nakita mo. I'm not the type who gives shits to perverts like you."
Akala niya ay maiinis ito sa sinabi niya pero nakita niya pa itong nakangisi. "Then try me first..."
"A-Ano?"
"Kahit mga isang buwan lang. I want you to see that I'm dead serious. Ligawan pa kita, gusto mo ba?"
Napalunok siyang muli at hindi agad nakapagsalita. 'Is this guy crazy?'
"D-Di bali na lang..." Idinaan niya na lang sa mahinang pag-tawa ang kaniyang pagkailang . "Ayokong-"
"Officially, I'm announcing you as my new girlfriend."
"A-Ano?!"