Prologue
***
Akihara's POV
"Aki bilisan mo na nga diyan! Nangangati na kong maligo sa dagat oh!" Naiiritang usig sa akin ni Malia habang nasa cr ako. Nasa isang resort kasi kami at nagbabakasyon para makapag relax. Sakto na noon at masarap nga maligo sa dagat lalo na at gabi na kaya hindi masakit sa balat.
Natatawa naman akong lumabas na ng cr kapagkuwan ay hinarap na ang kaibigan ko na nag-aantay sa labas at mas lalo akong natawa sa itsura niya na maasim ang mukha na nag-hihintay sa akin.
"Finally," inirapan niya ako. Umikot naman ako para ipakita ang two piece na suot ko.
"Oo na ikaw na maganda katawan, ikaw na may pwet, ikaw na may dede. Oo na ikaw na Akihara Levares!" Tatawa tawa na lang ako dahil sa sinabi niya at inaya na din siyang lumabas sa unit na inukupa namin.
Excited naman itong pumulupot sa braso kk habang pababa kami.
"You know what? After nating mag-enjoy sa sa dagat let's go don sa may bar na nandito sa isla. I heard madami daw hottie don eh!" Kumikinang ang mata na sabi niya sakin.
"Hay nako. Lalaki na naman." Pero tumango pa din naman ako habang umiiling at labag sa loob ko. Minsan lang naman din kasi mag-aya si Malia kaya pagbibigyan ko na.
Isa pa baka hindi na naman kamj makapag-bonding kapag bumalik na siya sa States kung saan siya nag-tatrabaho. Naisip ko din naman din na nandito kami para makapagsaya kaya why not, minsan lang naman.
Nagpaunahan pa kami sa dalampasigan patungo sa medyo malalim na banda ng dagat at dinama ang malamig na tubig nito. Naglaro kaming dalawa at in-enjoy ang tubig na masarap pagtatampisawan. Hanggang sa magsawa ay umahon na kami.
Nagpatuyo muna kamk bago pumunta sa Paraiso Bar na sinasabi ni Malia. Isa itong open space na mayroong maliit na stage kung saan may dj na nagpapatugtog ng malakas na music. Nasa gilid naman ang isang island bar kung saan kumukuha ng mga inumin at nandoon ang bar tender. Maraming tao doon pero hindi naman siksikan, basta nagsasayaw lang ang karamihan sa gitna at ang iba naman ay sa gilid gilid lang at nag-iinuman o kaya naman ay nakukwentuhan. Totoo nga ang sinabi sa akin kanina ni Malia, marami ngang hottie dito.
"Omaygad!" Bulalas ng kasama ko habang nanlalaki ang mata. "Is that Tashana Marquette? And omygad ulit with Leonard Cen? Omygad this is absurb!" Agad din akong napatingin sa sinasabi nito.
Nakita ko ang isang babae at lalaki na naghahalikan sa may gilid, at binalik ang tingin kay Malia. "I can't believe I'm seeing this. Sa pagkakaalam ko loyal si Tashana kay Enrique but as far as I can see, hindi talaga mapagkakatiwalaan ang chismis." Napailing-iling pa ito habang sinasabi iyon habang ako ay wala namang maintindihan sa sinasabi niya.
"Bakit sino ba yon?" Nagtatakang tanong ko naman. Pinanglakihan naman niya ako mata na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Girl? Hindi mo kilala si Tashana?!" Umiling ako. Hindi naman talaga. "Yung supermodel na sikat na sikat sa mga branded na damit?" Sa sinabi nito ay napatango-tango nalang ako. Wala naman akong paki kung sino man iyon.
"Aba malay ko. Tsaka wag mo na nga pakialaman iyon, buhay nila yon kaya wag kang epal." Sabi ko sa kaniya at inaya na siya. Pumunta ako sa island bar at humingi ng ladies drink. Hindi kasi ako pwedeng malasing ngayon kaya ladies drink muna, mahirap na.
"Make it special para sa isang special na babaeng nandito." Napako ang tingin ko sa nagsalitang lalaki sa tabi ko.
Agad namang napangiti ang bar tender at tumango sa lalaki. Hindi ko alam kung sakin lang ba iyon o parang nagkaintindihan na ito sa paraan ng pagngiti ng mga ito sa isa't isa. Habang inaantay ang inumin mo ay humarap sa akin ang lalaki at malaki ang ngiti, hindi nakawala sa akin ang tingin nito mula ulo hanggang paa.
"So? Bago ka dito?" Umpisa nito ng tanong at nandoon pa din ang ngiti. Naiilang ako ngumiti dito pabalik at sumagot.
"Yeah, vacation." Maikling sagot ko at saktong binigay na sa akin ang inumin ko kaya naman inalis konna ang tingin dito at uminom na sa hawak na baso.
"I see. Kaya pala nagtataka ako kung bakit napadpad ang isang napakagandang nilalang sa kasiyahang ito." I can feel it. He's hitting on me.
Hindi ko na pinansin ang papuri nito at nilagok na lahat ng nasa baso ko. Nang tignan ko ito ay para bang natuwa pa siya sa ginawa ko. "Btw I'm Harold," At itinaas ang kamay para makapag hand shake kami. Tinanggap ko naman ito dahil nakakahiya naman at naramdaman ang pagpisil nito sa kamay ko kaya napaalis agad ang kamay ko.
"Hara." Sabi ko sa kaniya. Hindi ko ibinigay ang buong pangalan ko dahil hindi ko naman siya gusto. Isa pa wala namang tumatawag sa akin Hara kaya safe name iyon.
"Are you alone?" Tanong niya ulit.
"Ah no."
"Boyfriend?" Segunda naman nito.
"No." Parang nabuhayan naman ito lalo at mas naging pilyo ang ngiti. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Parang may mali.
"Good. Kung ganoon ay wala naman palang problema." Nabigla na lang ako ng lumapit ito sa akin at hinapit ang beywang ko. Pumalag ako sa ginawa niya at akmang hahalikan niya ako pero itinulak ko siya ulit. At mukhang hindi nito iyon nagustuhan dahil hinawakan niya ako ng mahigpit sa palapulsuhan at hinigit muli ng malakas. "Come on woman, sumama ka nalang." Sabi nito at hinila na naman ako ng pwersahan at hinalikan ang leeg ko habang marahas nitong hinawakan ang pang-upo ko.
Nanlamig ang buong katawan ko at gumapang doon ang takot. Madali kong tinuhod ang pagkalalaki nito at malakas siya na sinampal. Napadaing ito sa sakit kaya naman napatingin sa amin ang mga tao roon. Nangangatog ang katawan kong nagmamadali na umalis sa lugar na iyon.
Sabi na nga ba at maling pumunta pa kami dito. Hindi ko naman mahanap si Malia dahil nagpaalam siya akin kanina na magcc.r daw siya kaya wala ako ngayong kasama.
Patakbo na pala ang ginawa ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na ako ng hilo.
Damn. Sabi na nga ba may kakaiba sa tinginan ng dalawang iyon kanina.
Napahawak ako sa sintido at naglakad na muli papalayo upang makaalis lang doon. Ngunit bawat segundo ay mas lalo iyong lumalala. Nakahakbang pa ako ng ilan pa ngunit ng hindi ko na talaga kaya ay humawak na ako sa bagay na malapit sa akin upang doon kumuha ng lakas.
At ng tignan ko ito ay mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko at baka maulit na naman ang nangyari kanina dahil isang lalaki ang nahawakan ko sa may braso. Matiim ang tingin sa akin nito at ng ipalibot ko ang paningin ay hindi pala siya nag-iisa. May ilan pang lalaki na kasama nito at mukha naguusap ang mga sila ng dumating ako. Mas lalong napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ng kung sino man ang lalaking ito lalo na ng magtama ang paningin namin ng kasama niya.
Pareho ko ay titig na titig din ito sa akin na mukhang hindi inaasahan na nandoon ako. Ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. Pero bago pa man ako lamunin ng sarili kong emosyon ay naramdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko.
"Aki!!!" Rinig kong sigaw ng kaibigan ko bago pa man magdilim ang paningin ko. Ngunit bago pa man ako mawalan ng malay, isang pangalan ang namutawi sa bibig ko.
"Kazuo..."
***