TPOV: DAHAN-DAHANG nagdilat ng mga mata si Lalyn. Ang puting kisame ang unang bumungad sa nanlalabo nitong paningin. Napangiti naman ito na maalala ang huling nangyari. Kung saan nakita niyang palabas na si Haden sa elevator kaya sinadya niyang nagpahulog sa hagdanan na siyang nakita ni Haden at inakala nito na itinulak siya ni Sofia. "Haden?" mahinang sambit nito na naigala ang paningin. Katahimikan lang naman ang bumungad sa kanya. Napalunok ito na kumabog ang dibdib na makumpirmang. . . mag-isa lang siya sa hospital! Wala ang taong inaasahan nitong makakagisnan niyang nagbabantay sa kanya. Kahit nanghihina pa ito ay pinilit niyang bumangon na panay ang silip sa banyo at may pinto. Pero nakabibinging katahimikan ang naghahari sa buong silid na wala kang maririnig maski kaluskos. Na

