SOFI: SINASADYA kong nilalambing si Haden habang nagluluto ito ng beeg bolalo para kay Lalyn. Ang bruhang 'yon. Tinawagan kasi si Haden at nagpapaluto ng sabaw dahil nanghihina pa siya. Alam ko namang makakabuti 'yon sa kanila ng baby niya kaya hindi na ako umangal pa nang sabihin ni Haden sa akin. Siya pa ang nagkusa na isinama ako dito sa kabilang unit para hindi daw ako mag-overthink habang nandoon siya. Mabuti na lang at mabait at malawak ang pag-unawa ni Haden. Hindi siya makasarili o sakim at laging inuuna ang iba bago ang sarili nito. Kahit nga yata wala ng matira para sa sarili niya basta maibigay lahat ng gusto ng pamilya at mga mahal niya. At sobrang saya kong asawa ko siya. Proud akong siya. . . ang napangasawa ko. Masyadong malambot at maawain si Haden. 'Yon ang kahinaan ni

