SOFI: NAGKATITIGAN kami nila Daddy Dwight at Haden sa naging resulta. Napalunok ako na kinuha kay Haden ang ibang resulta at isa-isang binuksan ang mga envelope. Tahimik lang naman ang mga ito na nakamata sa akin. Nangatal ang kamay ko na mabuksan ang isang test at. . . salungat ang resulta sa binuksan ni Haden! Bumilis ang t***k ng puso ko na mabilis binuksan ang nasa tatlo pang resulta at tumambad sa aming mag-asawa ang resultang. . . "00000.00. Negative!" piping usal ko. Nangangarap ang kamay ni Haden na kinuha ang mga DNA test sa akin na binasa ng paulit-ulit. Ang apat ay nagsasabing negative habang may isang naliligaw na nagsasabing. . . positive. "A-anong ibig sabihin nito?" mahinang tanong nito na napabaling kay Lalyn. "B-bakit, may problema ba?" nauutal nitong tanong na nak

