HADEN: MATAPOS kong maihatid sina Mama at Papa sa silid nila dito sa hotel para makapag bihis na rin sila ay nagkasarilihan na muna kami ni Kuya Hades dito sa may rooftop ng hotel. Magkatabi kaming nakaupo sa bench na nakatanaw sa mga building na kaharap namin. Napahinga ako ng malalim na pumikit at ninanamnam ang mga sandaling ito. Kung saan kasama ko si Kuya at magaan na ang mga bagay-bagay sa amin. Panatag na ang puso at isipan ko at higit sa lahat? Magaan na ang dibdib ko. Naramdaman ko naman ang mga mata nitong nakatutok sa akin na nanunuot sa buto ko. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata na nilingon ito at hindi nga ako nagkamali. Nagsalubong ang mga mata namin na may tipid na ngiti sa mga labi. "Naalala ko dati. Palagi kitang inaagawan ng laruan. Kahit binili ito ni Papa para s

