Tatlong taon ang lumipas…….
“Orion, anong ginagawa mo?” malambing na sabi ni Tiffany ng makita ang tatlong taon gulang na anak na naglalaro ng baril barilan habang nag-iisa.
“Play.” nakangiting sabi ni Orion kay Tiffany.
Tatlong taon nang magtago ang mag-ina sa isang liblib na lugar kasama si Marie. Ang akala ni Tiffany noong una mahihirapan siya dahil salat sa kagamitan ang lugar na iyon. Bukod pa sa malayo ang paaralan, hospital at kahit na munisipyo. Nagbabangka pa sila para marating ang bayan.
Nagtuturo si Tiffany sa isang paaralan at ang kinikita ay siya niyang ipinapantustus sa anak, lihim din siyang pinapadalahan ng pera nila Patty at Ella at tumutulong din si Marie sa kanilang mag-ina.
“Halika kumain ka muna anak.” sabi ni Tiffany kay Orion.
“Ma,” tawag ni Orion kay Tiffany.
"Yes baby?" malambing na sabi ni Tiffany sa anak.
“Play toy gun.” pabulol na sabi ni Orion.
Nakangiti si Tiffany sa anak, kamukha ito ni Ramon at kada araw na lumalaki ito mas lalo pa itong nakakamukha ng ama nito. Isama pa ang pagkahilig nito sa laruang baril.
“Later baby. Mag milk ka muna tapos bukas aalis tayo, mamasyal tayo at pupuntahan natin si Tita Marie. Okay ba iyon?” nakangiting sabi ni Tiffany. Isang writer si Marie at ibenebenta nito ang gawa sa bayan, at malaki rin ang kinikita nito.
“Tita Mayie, play gun.” nakangiting bulol na sabi ni Orion.
“Yes.” sagot ni Tiffany.
“Mama, I yab you.” malambing na sabi ni Orion at hinalikan nito sa labi si Tiffany.
“Sweet naman ng baby ko. Si mama lang hahalikan mo at ako lang hahalik sa baby ko siempre pati sila Tita Marie.” nakangiting sabi ni Tiffany at kinarga nito si Orion.
…………………
Hours Later
“Marie, kami na lang ni Orion ang luluwas, para ibigay iyang contract at ibang documents mo doon sa publishing house na sinasabi mo.” sabi ni Tiffany, na nasa bayan sila ng oras na iyon para kamustahin si Marie.
“Sure ka?” sabi ni Marie.
Napangiti si Tiffany habang nilalaro ni Marie si Orion at nakuha pa ng kaibigan bilhan muli ng bagong laruan si Orion kahit alam niyang kapos din ito.
“Oo naman, saka dadaanan ko si Ella. Tatlong taon din ng hindi ko siya nakita.” sabi ni Tiffany. Pupuntahan niya si Ella sa opisina ng mga Cheung kung saan nagtatrabaho si Ella bilang secretary ni Rico.
“Baka makita ka ng demonyong ama ni Orion.” galit na sabi ni Marie.
“Hahaha, malayo ang Manila sa probinsya. Imposible naman makita niya kami, saka huling tawag ni Ella mukhang may asawa na si Ramon, so hindi na ako gagambalain nun.” natatawang sabi ni Tiffany.
“Okay lang ba sayo na may asawa na siya?” tanong ni Marie kay Tiffany dahil ilang buwan din iniyakan ni Tiffany si Ramon ng umalis sila at nagtago.
“Oo, sure na ako doon. Matagal na nangyari iyon. Saka natanggap ko na, basta ang importante sa akin si Orion.” panatag na sabi ni Tiffany. Wala na siyang nakakapang pagmamahal para kay Ramon iyon ang sigurado niya sa ngayon, makita man niya ito muli alam niya sa sarili niya na tapos na ang lahat para sa kanila.
“Sige sabi mo. Pero dahil sigurado ka naman at malayo naman ang Manila, ikaw na magdala nito. Basta huwag ka lang papahuli baka masundan ka. Lagot ka sa akin.” birong sabi ni Marie.
“Oo na. Basta ibibigay ko lang ito, wala na akong ibang sasabihin, tapos.” nakangiting sabi ni Tiffany.
“Yes tama. Ikamusta mo ako kay Ella at Patty tapos padalhan mo ng pasalubong.” sabi ni Marie.
“Tita Mayie jabee.” sabi ni Orion na ikinatingin ni Marie sa bata.
“Kakain tayo, may kinita si Tita Mayie ngayon.” natatawang sabi ni Marie kay Orion.
“Sigurado mami-miss mo si Orion, pero siguro naman tatlong araw lang kami mawawala kasama na ang biyahe kaya huwag kang malulungkot babalik din kami.” sabi ni Tiffany kay Marie.
“Oo naman, sanay naman ako mag-isa. Saka marami pa akong naiisip na novel. Kapag sumikat ako at yumaman, ibibili ko kayo ng bahay ni Orion.” nakangiting sabi ni Marie.
“Bahay mo muna bago kami.” birong sabi ni Tiffany.
“Ako? mag-isa lang ako. Kayo ni Orion dapat may sarili na kayong bahay saka hindi niyo naman na kailangan magtago. Unlike me, forever ako magtatago.” birong sabi ni Marie.
“Baliw ka talaga. Si Red nakita mo na ba siya or tinataguan mo rin siya?” tanong ni Tiffany.
“Nagkita na kami naririto siya ngayon sa bayan, at volunteer siya.” nakangiting sabi ni Marie.
“Kaya pala blooming ka.” birong sabi ni Tiffany.
“Aissssttt huwag nga ako ang topic, ikaw dapat, kasi aalis kayo ni Orion. Basta siguraduhin mo babalik kayo ng walang kasama. Huwag kang babalik na may akay ka.” birong sabi ni Marie
“Oo promise, at kung hindi kami makauwi after three days alam mo na ang ibig sabihin. May sumusunod sa amin at kailangan namin magpalamig ni Orion.” natatawang sabi ni Tiffany.
“Tama basta dating gawi. Ikutin mo lang mahihilo din sila.” natatawang sabi ni Marie kay Tiffany.
“Oo naman, tayo pa ba. Magaling tayo sa habulan at taguan.” natatawang sabi ni Tiffany.
“Tama, ikaw naman Orion, babalik ka sa akin baby ko.” malambing na sabi ni Marie kay Orion, at niyakap nito si Orion.
……………….
KInabukasan
Manila
“Baby wait lang ha. Huwag kang iiyak ganito talaga sa Manila, mainit, masikip at nakakahigh-blood.” sabi ni Tiffany kay Orion. Papunta sila sa opisina na pinagtatrabahuan ni Ella sa Manila at dahil naka stay-in ito sa Cheung Investment and Financing Systems CIFS, kaya doon mismo ang tungo niya.
Nakatayo pa naman sila sa bus dahil sobrang sikip at dami ng tao. Karga ni Tiffany si Orion at kahit na nangangawit na siya dahil mabigat ang baby niya pinipilit niyang tatagan ang paa sa pagkakatayo at baka matumba sila ni Orion.
Nang ilang sandali pa ng biglang magpreno ang bus at sakto pa namang inaayos ni Tiffany si Orion.
“Ayyyyy.” sigaw ni Tiffany at niyakap nito si Orion.
“Asar,” sabi ng lalaki ng biglang nagpreno at nayakap nito si Tifffany ng makitang maa-out of balance ang mag-ina.
“Salamat.” nakahingang sabi ni Tiffany sa lalaki ng mayakap siya nito at maiwasang matumba sila ni Orion.
“Okay lang. Kayo, okay lang ba?” tanong ng lalaki kay Tiffany.
Lumingon si Tiffany sa nagsalitang lalaki at nagulat ito sa nakita.
“Miguel?” nagulat na sabi ni Tiffany, hindi niya inaasahan na makikita ang lalaki sa masikip na bus na ito.
“Tiffany? Ang liit talaga ng mundo. Biruin mo dito pa talaga sa nakakaasar na sitwasyon na ito.” naiiling na sabi ni Miguel, dahil kukunin lang sana ni Miquel ang sasakyan sa CIFS at kakausapin si Rico at dahil wala na siyang masakyang taxi at grab kanina dahil rush hour napilitan siyang mag bus.
“Oo nga. Grabe, parang tumangkad ka pa yata.” nakangiting sabi ni Tiffany habang nakatingala kay Miquel.
“Talaga, tatlong taon din tayo hindi nagkita.” sabi ni Miguel at napatingin ito sa batang dala ng dalaga.
“Si Orion baby ko.” nakangiting sabi ni Tiffany ng mapansin ang mata nito na nakamasid kay Orion.
“Hindi na ako magtatanong kung sino tatay, kamukha eh.” natatawang sabi ni Miguel.
“Hahahaha, wala bang nakuha sa akin?” birong sabi ni Tiffany kay Miguel, na nawala na sa isip niya ang pagod sa biyahe.
“Meron naman siguro, sana iyong ugali.” natatawang sabi ni Miguel, na nagtaka dahil wala siyang nabalitaan na asawa ni Tiffany, ang alam niya may fiancée si Ramon at hindi iyon si Tiffany.
“Iyong mata mo nababasa ko.” natatawang sabi ni Tiffany ng makitang parang nagtataka at nagtatanong ang mga tingin ni Miguel.
“Hahahaha, mind reader ka pala.” natatawang sabi ni Miguel.
“Oo. Aiisssst! Wala na kami ni Ramon matagal na, hindi nga niya alam na nagkaanak kami. Pero siguro naman pareho na kami masaya sa buhay namin, so malaya na ako makakagalaw.” kampanteng sabi ni Tiffany.
“So wala kang nobyo, asawa or alam mo na?” tanong ni Miguel.
“Wala, isa lang meron ako si Orion.” sabi ni Tiffany at napatawa siya sa reaksyon ni Miguel na parang nagtataka.
“So puwede ko hawakan si Orion. Kanina ko pa kasi napapansin na mukhang nangangawit ka na sa baby mo. Mukha pa naman mabigat.” natatawang sabi ni Miguel.
“Talaga, puwede mo kargahin? Hindi kita tatanggahin.” natatawang sabi ni Tiffany.
“Oo naman.” sabi ni Miguel at kinuha nito si Orion na kumunot ang noo.
“Hahhaha, baby huwag mong kunutan ng noo si Tito Migs.” natatawang sabi ni Tiffany sa anak.
“Mana sa tatay.” natatawang sabi ni Miguel at binuhat nito si Orion.
“Saan ka pala papunta?” tanong ni Tiffany.
“Sa CIFS kukunin ko iyong sasakyan ko nasa parking lot, kakausapin ko na rin si Rico para sa business proposal ko.” sagot ni Miguel.
“Doon rin kami papunta, dadalawin namin si Ella.” sabi ni Tiffany.
“Sabay na tayo.” sabi ni Miguel.
Pinagmasdan ni Miquel si Tiffany, maganda ang awra ng dalaga na halatang masaya ito sa buhay. Mas lalo itong gumanda at sumeksi din lalo ang katawan nito.
“Huwag mo akong titigan, baka sumigaw ako.” birong sabi ni Tiffany ng mapansin na pinagmamasdan siya ni Miguel.
“Ang ganda mo kasi.” humahangang sabi ni Miguel.
“Bola.”sabi ni Tiffany.
“Hahahahha, halika na narito na tayo. Bumaba na tayo sa mainit na bus na ito.” sabi ni Miguel at inalalayan nito si Tiffany.
“Saan ba dito ang opisina nila Ella? Puntahan na sana namin para makauwi kami ng maaga, “ sabi ni Tiffany, dahil nauna na kasi niyang napuntahan ang publishing house na inuutos ni Marie at naibigay naman niya ng tama ang sinabi nito.
“Sumunod ka na lang sa akin, may opisina rin ako diyan sa building nila Rico.” sabi ni Miguel habang buhat pa rin nito si Orion ng pumasok sila ng building.
“Good afternoon sir. Kasama niyo po iyong misis niyo at anak niyo sir, tamang-tama family month celebration. Ang ganda niyo pong tingnan.” masayang bati ng guard.
“Hahahaha, salamat.” natatawang sabi ni Miguel at tiningnan nito si Tiffany na namumula.
“Nakakahiya, akin na si Orion baka makita kami ng nobya mo o kaya ng asawa mo.” namumulang sabi ni Tiffany at akmang kukunin niya si Orion ng biglang siyang hapitin si baywang ni Miguel.
“Okay lang iyon sa akin. Pareho naman tayong single.” nakangiting sabi ni Miguel at iginiya na nito si Tiffany sa elevator.
Napahanga si Tiffany sa ganda ng building na pag-aari ng mga Cheung, sabagay highschool pa lang sila alam na niyang mayaman ang pamilya ni Rod, sa murang gulang nga nito nagmamay-ari na ito ng isla ang El Paradiso.
Umakyat sila sa palapag kung nasaan nag oopisina si Ella. Pagbukas ng elevator napansin na niya ang kaibigan na nakaupo sa puwesto nito.
“Good morning.” magandang ngiti ang ibinungad ni Ella, pero nagulat ito ng makilala si Tiffany kaya napatili ito.
“Hoy ang ingay mo. Baka magalit si Rico.” natatawang sabi ni Tiffany kay Ella.
“Busy si Sir Rico, mukhang naghahanda sa meeting.” sabi ni Ella at napunta ang tingin nito kay Orion.
“Si Orion.” sabi ni Tiffany.
“Ang anghel ko, bakit mo kamukha ang demonyong tatay mo.” nakangising sabi ni Ella at kinarga nito si Orion na halatang nagustuhan agad si Ella.
“Grabe ka naman,” natatawang sabi ni Tiffany na ikinatawa ni Miguel.
“Mukhang gusto ka niya Ella.” sabi ni Miguel, matagal na niyang kaibigan si Ella nakilala niya ito sa hotel at nagplano sa date nila ni Tiffany.
“Maganda kasi ako.” natatawang sabi ni Ella at hinalikan nito si Orion na parang tuwang tuwa pa kay Ella.
“Babaero din hahaha,” sabi ni Miguel at tiningnan nito si Ella na tumawa rin.
“Ella.” tawag ni Rico mula sa loob ng opisina.
“Yes Sir Rico papunta na po.” sabi ni Ella.
“Dito muna kayo,” sabi ni Ella at bitbit nito si Orion.
“Hoy saan mo dadalhin ang anak ko, baka magalit si Rico.” sabi ni Tiffany kay Ella.
“Mabait si Sir Rico, si Sir Rod lang ang hindi. Hahahahaha.” sabi ni Ella at pumasok ito sa loob ng opisina.
……………..
“Sino iyan?” tanong ni Rod ng makita ang batang hawak ni Ella.
“Anak ko. Hahahahahaha.” birong sabi ni Ella at dinilaan nito si Rod na ikinatawa ni Rico.
“Nagawa mo na ba Ella ang pinapagawa ko?” natatawang sabi ni Rico, mula ng maghiwalay sila Ella at Rod mukha ng aso’t pusa ang dalawa na hindi nagpapatalo sa isa’t isa.
“Yes sir Rico, and Sir, sasama po ba ako sa meeting?’ tanong ni Ella kay Rico, mas mabait na amo si Rico kaysa kay Rod at buti na lamang dito siya inilagay ni Mrs Cheung, ang ina ng dalawang kambal na sila Rico at Rod.
“Malamang sasama ka, sekretarya ka niya. Saka kanino bang anak iyan? Nasa opisina ka, nag-aalaga ka ng bata.” asar na sabi ni Rod, lihim siyang naiinis ng ibigay si Ella ng mommy niya kay Rico para maging sekretarya ng kakambal at hind isa kanya.
“Hindi kita kinakausap, Sir Rod.” mataray na sabi ni Ella at inirapan nito si Rod.
“Naka Sir ka pa, pero ang taray mo naman.” inis na sabi ni Rod na napangisi dahil mula ng nakagraduate sa kolehiyo ang dating nobya kay Rico na ito nakadikit.
“Ewan ko sayo.”sabi ni Ella kay Rod at bumaling ang tingin ng dalaga kay Rico.
“..... Sir Rico mag-aayos na po ako, sasama ko ang baby ko.” sabi ni Ella at lumabas na ito ng pinto.
“Bigyan kita ng anak diyan e.” napipikong sabi ni Rod ng lumabas si Ella na ikinatawa ng kakambal nito na si Rico.
……………..
“Dito lang kayo ni Orion makikimeeting lang ako.” sabi ni Ella ng ipinuwesto sila Tiffany sa kabilang mesa ng restaurant.
“Tiff, babalikan ko kayo” sabi naman ni Miguel.
“’Sure papadedein ko lang si Orion.” sabi ni Tiffany.
Umalis sila Ella at Miguel at nag meeting sa kabilang mesa kaya hindi nito napansin ang lalaking kanina pa nakatingin sa kanya dahil busy si Tiffany sa pagpapa breastfeed kay Orion. Kahit three years old na ang anak gusto ni Tiffany ang gatas pa rin niya ang iinumin nito, nakatalukbong naman ang dibdib niya kaya panatag siyang hindi siya makikitaan.
“Ramon, umupo ka.” sabi ni Rico at pinag-usapan nila ang meeting.
Dalawang oras din ang itinagal ang meeting pero nakatuon ang attensyon ni Ramon kay Tiffany at sa batang hawak nito.
“Pare, kamukha mo iyong bata.” natatawang mahinang sabi ni Rod kay Ramon.
“Nakita ko rin siya, lumabas din ng lungga.” nakangising mahinang sabi ni Ramon kay Rod. Tatlong taon din ni Ramon pinahanap si Tiffany pero tulad ni Dennis sa asawa nitong si Marie magaling din magtago si Tiffany.
“Pare, mukhang karelasyon ni Miguel.” sarkastikong mahinang sabi ni Rod.
Nang biglang napabaling ang tingin ni Rod kay Ella na kinakausap ang isang waiter na babae at nakuha pa ni Ella hawakan ang mukha ng waiter na ikinainit ng ulo ni Rod.
“Mamaya sila sa akin.” sabi ni Ramon habang nakamasid kay Tiffany.
“Mukhang okay naman iyong discussion natin, ipapadala ko na lang iyong mga report.” naiiling na sabi ni Rico na mukhang wala naman sa kanya ang atensyon ng tatlong lalaking kausap.
“Oo pare, pipirmahan ko na lang.” nagmamadaling sabi ni Ramon at tumayo agad ito. Naiwang naiiling na lamang si Rico at tinawag nito si Ella.
“Ella, okay na ihanda mo na lang iyong report.” nakangiting sabi ni Rico kay Ella.
“Sure Sir Rico.” sabi ni Ella at nakuha pa nitong hawakan sa braso si Rico na ikinatawa lang ni Rico.
“Asar,” sabi ni Rod at sinundan nito ang kapatid at si Ella, na hindi na nitong nakuhang magpaalam kay Ramon.
………………
Pinuntahan naman ni Ramon si Tiffany sa upuan nito.
“Uuwi na tayo.” sabi ni Ramon ng hawakan nito si Tiffany na mukhang nagulat sa kanya.
“Ahhhhh, anong ginagawa mo dito?” napasigaw na sabi ni Tiffany tinanggal nito ang kamay ni Ramon. Muntik pa nitong mabitawan si Orion sa gulat nito.
“s**t,” napamurang sabi ni Ramon ng sumigaw si Tiffany ng hawakan niya, hindi siya makapaniwala na ayaw nito ang hawak niya.
“Lumayo ka at huwag mo akong hawakan.”naiiyak sa takot na sabi ni Tiffany ng manghilakbot sa paghawak sa kanya ni Ramon.
“Babe.”di makapaniwalang sabi ni Ramon sabay tingin sa palad nito na hinawak kay Tiffany.