Kanina pa nag-uusap sa mga mata sila Ella at Marie, at panaka-naka silang sinusulyapan nila Patty at Tiffany.
Alam ni Tiffany na hindi maka-alis ang dalawa dahil kanina pa nakapulupot ang kamay ni Dennis kay Marie habang kumakain ito.
Nagpunta na ng rest room kanina sila Marie at Ella pero nakasunod ang asawa ni Marie na si Dennis. Tiningnan ni Tiffany si Marie hindi ito mapakali, habang hinaharot na naman ni Patty si Ella na kanina pa umiinom, at mukha ngang lasing na ang dalawa.
"Umayos nga kayong dalawa." naiiritang sabi ni Rod kay Ella at Patty habang nagkukulitan, halatang lasing na ang dalawang dalaga sa alak na iniinom.
Tiningnan ni Rod si Ramon para senyasan na huwag ng bigyan ang dalawa pero tumawa lang ang kaibigan.
"Ginagawa niyo rin naman ito," natatawang sabi ni Ella kay Rod, na ikinatawa ni Patty.
"Hon, tama na yan." seryosong sabi ni LJ kay Patty na ikinatingin ni Patty sa binata.
Kanina pa naghaharutan ang dalawa at kung hindi lang hawak ni Dennis ang asawa malamang sumali ito sa harutan.
Halos magpaligsahan sila Ella at Patty sa pabilisan mag-ubos ng isang bote ng alak. Ilan beses na rin nakabasag ng baso ang dalawa.
"Hon ka diyan, hon honin mo ang mukha mo." sabi ni Patty kay LJ at muli bumaling ang tingin ni Patty kay Ella at hinampas nito si Ella.
Nasa couch naghaharutan sila Patty at Ella at wala na ngang katabi ang mga ito dahil sa hampasang ginagawa ng mga ito.
"Napipikon na ako." naiinis na mahinang sabi ni Rod, ng makitang halos walang pakialam si Ella kung makitaan ito. Nakasuot pa naman si Ella ng short shorts lang, samahan pa na naka sleeveless lang ang dalaga.
"Hahahahaha," sabay na tawa ng dalawang dalaga nakuha pa ni Patty ibato ang ice cube kay Ella ng akmang hahalikan siya nito.
"Bhes, isang halik lang diyan kay Patty talo na yan." natatawang sabi ni Marie, tiningnan siya ni Ella at napangiti ito.
"Ella, ang harot mo. Grabe umayos ka nakikitaan ka na." natatawang sabi ni Tiffany.
Tiningnan ni Tiffany si Ramon pero kanina pa ito nakatitig sa kanya kaya kanina pa rin siya naiilang.
"Basta tingin lang yan, bawal hawak." natatawang sabi ni Ella at kinuha nito ang bote ng alak at tinungga iyon.
"Langya, akin iyang bote." natatawang sabi ni Patty akmang kukunin ni Patty ang bote pero inilayo ni Ella na naging dahilan ng pagtapon ng alak.
"Kapag nabuweset ako hahalikan kita," birong sabi ni Ella kay Patty, na ikinanuot ng noo ng apat na lalaki at ikinatawa ng tatlong babae.
"Langya ka. Kay gandang babae manyakis." natatawang sabi ni Patty kay Ella. Hinampas ni Patty si Ella at nakuha pang ibato ang buto ng manok dito.
"Tumigil na sabi kayo." sigaw na sabi ni LJ sa dalawa na ikinatingin ng mga tao sa paligid.
"Aiissssttttt, huwag ka ngang maingay, hindi naman kasi kayo invited dalawa." asar na sabi ni Marie, sabay palihim nitong tinadyakan si Ella sa ilalim ng mesa.
Tumayo si Rod at umupo sa pagitan nila Ella at Patty, naaasar na siya halos wala na nga silang napagkuwentuhan dahil sa ingay nila Patty at Ella, balak pa naman niya sanang kausapin si Ella kaso mukhang lasing na ito at tipong umiiwas sa kanya.
"Istorbo," sabi ni Patty ng sumingit si Rod.
"Kainis alam mo...." putol na sabi ni Ella ng may makitang palabas mula sa pinto ng restaurant.
Nagulat ang lahat ng tumayo si Ella at sinundan ng mga ito ang tinitingnan ni Ella.
"Bhes, ang ganda." bulalas ni Marie ng makita ang isang babae na halos kita na ang makinis nitong likod sa suot nito.
Ang hindi alam ng lahat mahilig talaga sila ni Ella tumingin hindi mismo sa babae kundi paano ito magdala ng damit.
"Fuck..." naibulalas na sabi ni Ella akmang tatayo ito ng hawakan ito ni Rod.
"Saan ka pupunta?" galit na sabi ni Rod kaay Ella. Mula ng umalis si Rod pinamatiyagan niya lahat ng ginagawa ni Ella at isa sa nalaman niya nagkaroon ito ng interes sa babae.
"Susundan ko Hahahahaha." natatawang sabi ni Ella na ikinatawa ni Patty.
"Baliw huwag mong sundan, mas maganda ka pa doon." natatawang sabi ni Patty.
Napasulyap si Patty kay LJ na halos magdilim ang paningin sa ikinikilos niya kaya lumipat si Patty ng upuan katabi ni Ella.
"Aiiissstttt, nawala na tuloy." asar na sabi ni Ella kay Rod.
"Ikaw kanina ka pa tumitingin sa akin. Alam mo bang ayaw ko ng may tumitingin sa akin?" asar na sabi ni Patty kay LJ,at binato nito ng ice cube si LJ.
Pinagmamasdan lang ni Ramon ang mga babaeng kasama mukhang kakaiba nga ang kilos ng mga ito.
"Pupunta lang ako sa rest room." paalam ni Tiffany, kanina pa siya natatawa sa tatlo at kanina pa niya napapansin si Marie na nakatingin kay Ella. Tumayo siya at nginitian lamang ang mga tao roon.
Sinundan ni Ramon si Tiffany sa restroom, kaya nabaling ang tingin ng lahat sa mga ito.
Hindi namalayan ni Dennis ang pagbitaw niya kay Marie. Habang sinusundan ng mga ito ng tingin sila Ramon at Tiffany.
Nagtinginan sila Ella, Marie at Patty. At dahil nasa bandang gilid sila hindi napansin ng tatlong lalaki na wala na ang mga babae sa tabi ng mga ito.
"s**t, nasaan na sila?" galit na sabi ni Dennis na makitang wala na ang tatlong babae.
Nagulat si Rod hindi niya napansin ang dalawang katabi na kanina lang ay naghaharutan.
"Hanapin niyo." galit na sabi ni Dennis sa mga bodyguard, dahil alam niyang tatakas na naman ang asawa.
...................
Nasa rest room si Tiffany ng mag flash siya ng toilet bowl, at akmang lalabas siya ng pumasok si Ramon sa loob ng cubicle kung nasaan siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tiffany kay Ramon. Nang biglang magulat si Tiffany ng biglang itaas ni Ramon ang mini skirt na suot niya.
"Quickie." nakangising sabi ni Ramon kay Tiffany.
.................
"Marie, nahihilo ako.”sabi ni Ella habang tumatakas ang mga ito sa tatlong lalaki.
“Wala na akong oras.”sabi ni Marie kay Ella.
“Sandali hindi ka puwede dumaan diyan. Nandyan ang bantay mo. Doon tayo sa restroom may maliit na bintana doon." sabi ni Ella kay Marie.
Nasa isang kuwarto sila na mukhang file room habang nagtatago, buti na lang at busy ang mga staff ng restaurant kaya hindi sila napapansin ng mga ito.
"Magpalit tayo ng damit," sabi ni Patty kay Marie.
"Bato-bato pick tayo, unang manalo damit ko, second damit ni Ella at pangatlo damit ni Patty." natatawang sabi ni Marie sa dalawa na ikinatawa ng mga ito.
Sinilip nila ang labas at ng makitang hinahanap na ng bodyguard ng mga ito si Marie. Nagpalitan ng damit ang tatlo matapos gawin ang laro.
"Langya Ella, parang wala na akong itatago sa damit mo." sabi ni Patty ng makitang maiksi talaga ang short na suot ni Ella kanina.
"Okay na iyan. Akin nga, maiksi din." natatawang sabi ni Ella na ang napunta sa kanya ay ang damit ni Marie, kaunti lang naman ang itinaas niya dito pero umiksi pa rin ang damit nito sa kanya na mini skirt, tube na pinatungan lang ng jacket.
"Okay na iyan. Kung aalis tayo si LJ ang hahabol sa akin." natatawang sabi ni Marie.
"Aiiiissssstttt, bakit si Rod sa akin, mabaril pa ako nun." natatawang sabi ni Patty.
"So, si Dennis at ang tatlong bibi ang hahabol sa akin." natatawang sabi ni Ella.
"Oo kaya galingan mo, at sa main door ka dumaan." sabi ni Marie kay Ella.
"Sa exit ka Patty." sabi ni Marie
"Saan ka?" nagtatakang sabay na tanong nila Ella at Patty.
"Doon ako sa gumagawa ng quickie." nakangising sabi ni Marie na ang tinutukoy ay sa restroom kung nasaan sila Tiffany at Ramon.
Dahil kanina nang mag-restroom sila Marie at Ella napansin nila ang bintana malapit sa isang cubicle, at napag-usapan doon siya tatakas.
"Damn it, sana hindi sila doon nag-quickie." naiiling na sabi ni Ella na ang tinutukoy ay sila Ramon at Tiffany.
Nabulungan kasi ni Ella si Tiffany na ito ang magiging look out at babantay sa cubicle ng may bintana para walang pumasok doon.
"Bahala na." sabi ni Marie.
Napahingang malalim si Marie dahil mabuti na lang pare-pareho ang haba ng buhok nila Ella at Patty. Nilugay nila iyon para hindi sila mahalata.
Pinagmasdan muna ng tatlong babaeng magkakaibigan ang lugar at ng makahanda ang mga ito, nagsimula magbilang ang tatlo.
Sinadya nila Ella na nakatalikod sila Rod sa kanila at ang tatlong body guard ni Marie saka ang mga ito sabay sabay lumabas at tumakbo.
Nagulat ang grupo ni Rod ng biglang may tumakbong mga babae. Hinabol ng mga body guard si Ella na akala nila ay si Marie.
"s**t nagpalit sila ng damit." galit sabi ni Dennis pero hindi na nito nasabihan ang tatlong body guard dahil tumakbo na ang mga ito.
“Si Ella iyon." galit na sabi ni Rod ng mamukhaan ang babae, dahil kahit anong suutin ni Ella malalaman niya ang katawan, at galaw ng nobya.
Kaagad na tumakbo si Rod palabas ng resto para habulin si Ella.
"Asar," napipikong sabi ni LJ, madulas sa taguan si Patty, pitong taon niya itong pinapasundan lagi at madalas napapansin ni Patty ang mga sumusunod dito at madali ito nakakatakas sa mga private agent na kinukuha niya.
Nakita ni LJ na lumabas si Patty ng exit, hindi siya puwede magkamali sa pigura ng nobya. At naiinis siya dahil maikli ang suot nito.
"Damn it, hide and seek again," asar na sabi ni Dennis, maliit si Marie at kaya nitong magtago sa mga tao, hindi niya ito makita dahil dalawa lamang ang napansin niyang lumabas.
.............
Napatingin si Tiffany sa cubicle hindi sila puwede doon ni Ramon at naroroon ang bintanang paglalabasan ni Marie.
Tinulungan nila si Marie dahil may itinatago ito kay Dennis, na hindi pa alam ng binata. At kailangan magtago ni Marie habang hindi pa iyon nadidiskubre ng asawa ng kaibigan.
"Huwag dito." sabi ni Tiffany, habang nakikita ang pagnanasa sa mukha ni Ramon.
"Dito na." pilyong sabi ni Ramon ng iangat nito ang mini skirt niya.
"Sa kabila tayo." sabi ni Tiffany at hinawakan nito si Ramon papunta sa kabilang cubicle.
"Anong pagkakaiba nun?" nagtatakang tanong ni Ramon.
"Mas okay dito," pilyang sabi ni Tiffany.
Pero hindi pa siya nakakabuwelo ng isalya siya ni Ramon sa pader at ibinuka ang hita niya.
"Gawin na natin." nakangising sabi ni Ramon at pinasok nito agad ang sarili sa kanya. Napapikit si Tiffany sa ginawa ng lalaki.
................
"Damn it. Kailangan ko ng umalis." mahinang sabi ni Marie nakita nito ang bintana at napangiti. Dahil magaan lang siya madali siya nakaakyat doon, pero pagbaling nito sa isang cubicle muntik na siyang malaglag ng makita ang ginagawa ng dalawa.
"s**t, ang laswa niyo, virgin pa ako," napasigaw na sabi ni Marie ng makita ang pagtatalik nila Tiffany at Ramon sa cubicle.
Nagulat si Ramon ng marinig ang boses ni Marie.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Dennis ng makita papalabas ng bintana si Marie.
"Maglalaro uli tayo, my monster." pilyang sabi ni Marie kay Dennis, nakuha pa nitong kindatan ang asawa bago tuluyang lumabas sa bintana.
Tinakpan ni Ramon ang bibig ni Tiffany ng marinig ang boses ni Dennis.
"s**t, alam kung may ginagawa kayong milagro. Hindi niyo na kailangan magtago." asar na sabi ni Dennis kay Ramon, na ikinatawa ng malakas ni Ramon bago nila narinig ang tuluyang pag sara ng pinto ng Restroom.
"Ituloy natin." sabi ni Ramon kay Tiffany at muli nitong binalingan ang ginagawang pagtatalik kay Tiffany.
.....................
"Saan ka pupunta?" sabi ni Rod ng mahawakan nito si Ella sa baywang.
"Uuwi na ako. Nahihilo na kasi ako." sabi ni Ella, alam niyang nakatakas na si Marie, maliksi ang kaibigan kaya alam niyang makakatakas ito.
"Ihahatid na kita," masuyong sabi ni Rod sa dalaga sabay hawak sa braso ni Ella, na matagal niyang hindi nahawakan.
"Huwag na. Kaya ko na." sabi ni Ella at bumitaw kay Rod.
"Hindi mo ba ako na-miss?" tanong ni Rod ng hapitin ulit nito si Ella sa baywang.
"Iba na ang gusto ko. Huwag mo akong hahawakan, ayoko ng hawak ng lalaki." seryosong sabi ni Ella kay Rod na napatitig lang sa dalaga.
Inalis ni Ella ang kamay ni Rod sa baywang niya saka ito tumawag ng taxi at sumakay.
Naiwang nagpupuyos sa galit si Rod, hindi nga siya ipinagpalit ni Ella sa lalaki pero nahuhumaling ito sa mga babae at natatapakan ang p*********i niya sa ginagawa ni Ella.
.......................
"Iuuwi na kita." sabi ni LJ ng maabutan na nakahiga si Patty sa bench na nasa isang park malapit sa restaurant.
"Huwag na, kaya ko ang sarili ko. Malaki na ako." seryosong sabi ni Patty. Tumingin ito sa langit at may itinuro doon.
"Basta ihahatid kita." sabi ni LJ.
Pinagmasdan ni LJ si Patty, marami ang nagbago dito sa loob ng pitong taon. Malakas na ang loob nito at hindi na tahimik, alam ni LJ ang nangyayari sa dalaga dahil pinasusundan niya ito at nalaman niyang madalas ito sa bar tuwing Friday.
"Huwag na Lukaz, kaya ko mag-isa. Hindi na ako aasa kahit kanino." seryosong sabi ni Patty.
Tiningnan ni LJ ang kamay ni Patty na itinuro nito sa langit, at napansin iyon ng dalaga.
"Alam mo ba? Ang mga bituin ang kasama ko nang iniwan mo ako. Kaya kahit wala ka, kaya kung mag-isa. Kasi kahit kailan alam ko na hindi ako iiwan ng mga bituin." seryosong sabi ni Patty.
Inalis ni Patty ang pagkakaturo sa mga bituin saka ito tumayo sa pagkakahiga sa bench.
“Gagabayan ako ng mga bituin kahit wala ka, Lukaz Jeremy” seryosong sabi ni Patty saka ito naglakad palayo kay LJ.
Sinundan lamang ni LJ ng tingin si Patty, alam niyang mali ang ginawa niyang pag-iwan dito matapos ang insidente sa La Secretos. Pero hindi na niya maibabalik ang kahapon at alam ni LJ mahihirapan siyang kunin muli si Patty.