Kabanata 5 : Please Don’t Go

2954 Words
Hours Later Naalimpungatan si Tiffany, akmang tatayo siya ng maramdamang masakit ang sentro niya. Napahiga siya uli at inalala kung anong nangyari. Napasulyap si Tiffany sa gawing bintana, gabi na ng mga oras na iyon, ng mapagtanto na nasa condo pa rin siya ni Ramon. Hindi na niya matandaan ang nangyari ng huli siyang nilabasan sa ginawa nila kaninang pagtatalik ni Ramon. Ilang sandali pa ng kapain niya ang kama pero wala siyang katabi. Hindi na niya kayang tumayo, sa sobrang sakit ng gitnang bahagi niya. Pero kailangan niyang umuwi dahil may pasok pa siya bukas kaya dahan-dahan ang paggawa niyang pagtayo pero kaunting galaw niya masakit pa talaga ang sentro niya. "Ano ba iyan? Bakit ba ang sakit?"naiiyak na sabi ni Tiffany. Kanina pa ni Ramon pinagmamasdan si Tiffany, madilim ang bahagi na iyon ng silid kaya hindi siya maaninagan man lang nito. Tinanggal na niya ang kubrekama ng higaan dahil siguradong sisigaw ang dalaga kapag nakita ang dugong nagmula sa sentro nito. Nakita ni Ramon ang pilit na pagtayo ni Tiffany at halatang nahihirapan itong gumalaw at naiiyak na rin. Nakaramdam si Ramon ng awa sa dalaga, pero nakakaramdam na naman siya ng init ng makita niya ang makinis nitong likod na tanging kumot lamang ang nakatapis sa harapang bahagi nito. Tumayo si Ramon at akmang lalapitan niya si Tiffany ng may kunin ang dalaga sa lapag. Kinakapa ni Tiffany ang bag, kailangan niyang tawagan si Arthur, para sunduin siya. Mukhang wala kasing tao sa condo ni Ramon. At nang makapa ng dalaga ang cellphone sa loob ng bag agad niya iyon kinuha at dinayal niya ang number ni Arthur. "Hello Art." malamyos na boses na sabi ni Tiffany at akmang magsasalita pa siya ng may umagaw sa cellphone niya. Nag-init ang ulo ni Ramon sa narinig na pangalan na tinawagan ni Tiffany, samahan pa ang nakaka-akit nitong boses na halatang galing lamang sa pakikipagtalik. Tumayo siya at hinablot ang cellphone nito at binato iyon. "Ako ang kasama mo. Bakit ang lalaking iyon ang tinatawagan mo?" galit na sabi ni Ramon sa nagulat na si Tiffany. Binuksan ni Ramon ang lampshade na nasa side table, pero nagkamali siya sa ginawa. Nang makita niya si Tiffany na parang nang-aakit, ng nasinagan ng dilaw na ilaw ang katawan ng dalaga. Agad lumukob ang init sa katawan ni Ramon. "Akala ko wala ka kasi. Magpapasundo sana ako kay Art. Malapit lang kasi ang bahay niya dito." napalunok na sabi ni Tiffany ng makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Ramon ng buksan nito ang ilaw. "Alam mo ba ang naiisip ko ngayon?" nakangising sabi ni Ramon. "Oo, pero huwag mong gagawin kasi masakit pa." takot na sabi ni Tiffany. "Hahahahahaha, bukas mawawala din iyan." natatawang sabi ni Ramon. Humiga si Ramon sa kama at tumabi kay Tiffany dahil gusto niya hawakan ang dalaga, pero nag-alangan siya na baka sumigaw ito. "Uuwi na ako. May pasok kasi ako bukas." mahinang sabi ni Tiffany. Ayaw niyang magpaumaga sa condo ni Ramon, sigurado may gagawin na naman ito sa kanya. "Hindi ka uuwi. Dito ka lang." sabi ni Ramon, inilagay nito ang kamay sa batok at tinitigan si Tiffany. "Bakit ka nakatitig?" tanong ni Tiffany sabay na hinigpitan niya ang hawak sa kumot na nakatabing sa katawan niya. "Hahahahaha, nakuha na kita. Saka habang natutulog ka nakita ko ng lahat sayo. Kinabisado ko na ang bawat sulok ng katawan mo." pilyong sabi ni Ramon. "Talag? Na---- Nakakahiya naman baka may pangit kang nakita." nahihiyang sabi ni Tiffany. "Wala, dahil ang lahat sayo ay maganda." nakangiting sabi ni Ramon. "Ramon..." mahinang tawag ni Tiffany. "Hmmn?" tanong ni Ramon. "Anong mangyayari pagkatapos nitong ginawa natin?" nahihiyang tanong ni Tiffany. Tumingin si Ramon kay Tiffany, alam niyang nag-eexpect ang dalagang pakasalan niya ito, pero malabong mangyari iyon. Hindi niya pa ito matandaan at higit sa lahat wala siyang nararamdaman sa dalaga. "Magiging babae kita." deretsang sagot ni Ramon, ito ang iniisip niya kanina pa dahil hindi pa siya sawa sa katawan ni Tiffany. "Hindi mo ba ako pakakasalan tulad ng ipinangako mo dati sa akin?" naluluhang sabi ni Tiffany, akala niya pagkatapos nila gawin ang bagay na iyon maaalala na siya ng lalaki. "Hindi nga kita matandaan, kahit iyong dalawang singsing na ipinapakita mo wala rin sa memorya ko. Pakitaan mo man ako ng sampung singsing, kung hindi kita maalala ibig sabihin hindi kita mahal. So. hindi kita pakakasalan." sabi ni Ramon Parang punyal na tumurok kay Tiffany ang mga salita ni Ramon, pitong taon niya itong hinintay. At hindi niya inaasahan na ito ang kapalit ng pitong taong pangungulila niya sa lalaking nasa harapan. "Sige huwag na. Sayo na lang ito, ibalik mo na lang sa akin kapag naaalala mo na ako." mahinang sabi ni Tiffany.  Inalis ni Tiffany ang dalawang singsing sa kamay at inilapag sa kama malapit kay Ramon. Tiningnan ni Ramon ang dalawang singsing na inilapag ni Tiffany. Hindi biro ang halaga ng singsing. Mukha nga sigurong seryoso siya ng ibigay iyon sa dalaga. "Sayo na iyan. Ipagbenta mo, mukhang mahal din iyan kapag ibinenta," sabi ni Ramon inilapit nito ang singsing kay Tiffany. "Ibinigay mo ito sa akin, kaya hindi ko ito ipagbebenta. Sayo na muna at kapag bumalik na ang pagmamahal mo ibigay mo na lang ulit sa akin." sabi ni Tiffany. "Paano kung hindi bumalik ang ala-ala ko sayo? Paano kung wala naman talagang pagmamahal?" deretsang tanong ni Ramon. Nakita ni Ramon ang lungkot sa mata ng Tiffany at pagpipigil nitong umiyak. "Imposible na hindi mo ako mahal. Sabi mo sa akin dati kahit anong mangyari ako ang mamahalin mo kasi malaki iyong ginawa kong ukit sa puso mo." mahinang sabi ni Tiffany, habang pinipigilan niyang umiyak. Kahit  masakit na malaman na hindi siya nito mahal. "Three months.... ....magiging babae kita ng tatlong buwan. Hahanapin ko sa isip ko kung naririto ka talaga. At kapag wala maghihiwalay tayo. Papayag ka ba?" tanong ni Ramon. Sa isip ni Ramon pagsasawaan niya si Tiffany sa loob ng tatlong buwan sapat na iyon para sa kanya. Tinitigan ni Tiffany si Ramon, nakilala niya ito sa Academy na basugulero, playboy din ito tulad ng mga kaibigan nito. Mahilig ito sa babae katunayan nito ang nangyari sa La Secretos na kung saan nakita nilang apat na magkakaibigan ang hubad ng mga damit, at condom na nasa lapag ng El Cielo. "Ayoko." sagot ni Tiffany. Sapat na siguro na naibigay niya ang sarili dito, at nakita niya itong buhay. Siguro nga kailangan niyang mag-move on. Nagulat si Ramon sa sagot ng dalaga, hindi niya inaasahan iyon. Gagamitin pa naman niya sana ang sitwasyon para maikama niya ito ng matagal. Napaupo si Ramon sa sinabi ni Tiffany. "Anong ayaw mo?" galit na sabi ni Ramon. "Kung hindi mo talaga ako mahal, hindi na lang kita pipilitin. Basta okay na siguro nasabi kong mahal kita at saka nalaman kong buhay ka." pilit na ngiting sabi ni Tiffany. "Susuko ka sa akin. Hindi mo man lang ako tutulungan na alalahanin ka. Na baka meron ngang pagmamahal." sabi ni Ramon, kailangan niyang mapapayag si Tiffany sa kanya kung hindi mababaliw siya na hindi maikama ulit ito. Nakonsensya si Tiffany sa sinabi ni Ramon at ipinangako niya rin sa sarili na siya ang gagawa ng paraan para maibalik ang memorya nito. Napangiti si Ramon ng yumuko si Tiffany at parang nag-iisip. Hindi ito puwedeng tumanggi, kailangan niya konsensyahin ito para pumayag ito sa gusto niya. "Sige," sabi ni Tiffany. Na ang nasa isip ni Tiffany ay tatlong buwan  at mahaba na iyon para maibalik niya ang memorya ni Ramon. "So deal." nakangiting sabi ni Ramon. Lumapit ito kay Tiffany at inilapit niya ang mukha sa dalaga saka idinikit ang labi sa labi ni Tiffany. "Deal." sabi ni Tiffany at sinalubong nito ang halik ni Ramon. Hinawakan ni Tiffany si Ramon sa mukha kaya nahulog ang kumot na tumatakip sa katawan nito. Nang mahulog ang kumot na tumatakip sa katawan ni Tiffany napangisi si Ramon ng makita muli ang kabuuang katawan ni Tiffany. "Babe, isa pa." sabi ni Ramon na ikinatitig ng dalaga sa mga mata ni Ramon. Inihiga ni Ramon si Tiffany, mukhang hindi na ito takot sa pagdantay ng kamay niya sa balat nito, at ikinatuwa niya iyon. "Ramon huwag muna ngayon. Masakit pa." mahinang sabi ni Tiffany. " Okay sige, bukas na lang." bulong ni Ramon ng makita na hindi pa nakakapag-adjust sa sakit si Tiffany sa huling pagtatalik nila.  Inayos ni Ramon ang dalaga sa pagkakahiga at niyakap niya ito. Naramdaman ni Tiffany ang pagyakap ni Ramon, mas panatag siya sa hawak ngayon nito kaya isiniksik niya ang mukha sa dibdib ng binata. "Pitong taon kitang hinintay at masaya ako dumating ka na. I love you, Ramon." bulong ni Tiffany at muli itong nakatulog. Napatigil si Ramon sa sinabi ni Tiffany, ganoon siya kamahal ng dalaga. Hindi biro ang pitong taong paghihintay nito. "Paano kung hindi ako dumating?" mahinang tanong ni Ramon sa natutulog na si Tiffany. .......................... Hours later Naramdaman ni Tiffany ang nakaliliyong pakiramdam na ginagawa sa katawan niya ng kung sino, hanggang mapaliyad siya. Iminulat niya ang mga mata at ang akala niya panaginip lang ang lahat. Nang biglang mapa-ungol siya sa ginagawa ng taong nasa sentro niya. "Good morning babe." nakangiting sabi ni Ramon ng mapansing nagising niya si Tiffany sa ginagawa niyang kababalaghan sa katawan nito. "Ramoooonnn," ungol na sabi ni Tiffany na maramdaman ang daliri ni Ramon na minamasahe ang sentro niya. Hindi pa ito nagsawa ng bigla nitong hinalikan ang gitna niya. Habang ang kamay nito ay naglalaro sa dibdib niya. "Sorry, babe pero hindi ko mapigilan." pilyong sabi ni Ramon at itinalikod nito si Tiffany. Nagulat si Tiffany sa ginawa ni Ramon ng italikod siya nito at pinatuwad, ipinasok nito ang sandata sa kanya. Halos kakaibang sensasyon ang naramdaman niya lalo na ng gumalaw ito. Sa una nasaktan siya pero magaling itong gumalaw sa likuran niya. "Babe... Tiffanyyyyy..." ungol na tawag ni Ramon. Halos hindi nito mapigilan ang init na bumubulusok sa buong katawan niya. "Ramoooonnnn hayannnnn na ako..." sigaw ni Tiffany na maramdamang lalabas na likido sa katawan niya. "Sige lang..." napangiting sabi ni Ramon naramdaman niya ang init ng sabay silang labasan ni Tiffany. Akala ni Tiffany hihinto na si Ramon, ng sabay silang labasan pero nagpatuloy ito. Mukhang wala itong kapaguran ng ihiga siya nito patagilid at muli itong gumalaw sa loob niya, na halos idiin nito ang sarili sa kanya. "Ramoooonnnn..." sigaw ni Tiffany ng halos isagad nito ang sandata sa loob niya at sa ikalawang pagkakataon sabay silang nilabasan. "Ang sarap mo." sabi ni Ramon ng idiin nito ng todo ang sandata at sinalinan ng likido nito ang loob ni Tiffany. Napahiga si Ramon sa tabi ni Tiffany, halatang nasiyahan si Ramon sa ginawa. Halos walang lakas si Tiffany ng tanggalin ni Ramon ang sarili sa kanya. "Akin ka lang." sabi ni Ramon at niyakap nito si Tiffany saka ito nakatulog. Tinitigan ni Tiffany si Ramon, masakit ang buong katawan niya. Pero kakaiba ang pinaparamdam nitong ligaya sa kanyang katawan kapag nag-iisa sila ni Ramon. Sa kabilang banda, bahagyang nakaramdam ng lungkot ang dalaga kapag naiisip ni Tiffany na katawan lang niya ang gusto ni Ramon sa kanya, kaya siguro nahihirapan itong alalahanin siya. Napaiyak si Tiffany sa naisip, dahil walang pagmamahal ang pagtatalik nila ni Ramon. One sided na pagmamahal at siya lang ang nagmamahal. "Paano kung magsawa ka na sa akin? Habang buhay ka ng mawawala sa akin Ramon." bulong na sabi ni Tiffany habang tinititigan si Ramon. ................... Hours later Nagising si Tiffany at nagulat ng umaga na at maliwanag na sa labas. Pumapasok na ang sikat ng araw sa kuwarto ni Ramon. Tiningnan niya ang kama pero wala na doon si Ramon, hinanap niya ito sa labas pero mukhang naka-alis na ang binata. Nang pumunta si Tiffany sa kusina may nakahanda ng almusal sa mesa kaya napangiti ito at kinain na lamang niya iyon. Ilang sandali pa matapos kumain ng tingnan ni Tiffany ang oras, aabot pa naman siya sa klase niya. Pero wala siyang damit na susuutin. Pumunta siy Tiffany sa kuwarto at isinuot ang lumang damit. Naisipan niya munang umuwi, at magha-halfday na lang siya sa Academy. Nagmamadali siyang magbihis at sinabihan na lang niya ang guard ang tungkol sa condo ni Ramon dahil wala siyang cellphone number ng binata. "Ayos ka talaga Tiffany nakikipag-s*x ka pero hindi mo alam iyong cellphone number ng ka-s*x mo." naiiling na sabi niya sa sarili. ................... St Valentine Academy Hours later "Late ka yata." bungad ni Lesly kay Tiffany ng makitang late dumating ang dalaga. "Abot pa rin." nakangiting sabi ni Tiffany, na nagmadali  at halos liparin niya ang kalsada maabutan lang ni Tiffany ang klase niya. "Pahinga ka muna." sabi ni Lesly at inalok  nito ng tubig si Tiffany. "Salamat." nakangiting sabi ni Tiffany, tinitingnan siya ni Lesly alam niyang may itatanong ito kaya hindi pa ito umaalis. "Sis, mukhang blooming ka. Kakaiba ka ngayon, kahit late ka. Ano bang meron?" kuryusidad na sabi ni Lesly. "Bumaba na siya ng langit." nakangiting sabi ni Tiffany na ikinagulat ni Lesly. "Hoy, huwag ka ngang ganyan kinikilabutan ako." sabi ni Lesly. Alam ni Lesly ang kuwento sa nobyo ng kaibigan, dahil halos ito nga lang ang laging bukambibig nito. "Hahahahaha, baliw. Buhay siya at nagkita na kami." nakangiting sabi ni Tiffany. "Tapos?" tanong ni Lesly, na nakita  ang lungkot sa mga mata ni Tiffany. "Hindi niya ako maalala, lahat ng tungkol sa amin hindi niya alam." sabi ni Tiffany. "Paano kayo nagkita? O paano kayo.... Alam mo na?" putol-putol na tanong ni Lesly. "Sinundan ko siya, tapos nagpakilala ako sa kanya isang linggo na ngayon. Tapos kahapon nagkita kami uli." sabi ni Tiffany. "Tapos?" tanong uli ni Lesly. "Anong tapos? Haha!" natatawang tanong ni Tiffany. "Sis halata naman sayo na may nangyari na sa inyo ng lalaking sinasabi mo dahil iba kaya ang awra mo." sabi ni Lesly. "Ayos ah." natatawang sabi ni Tiffany. Kahit kailan marunong talaga magbasa ng tao si Lesly at hindi ka makakapagsinungaling dito. "Sis, hindi ka niya nakikilala pero nakipag-s*x siya sayo. Aba ang tindi naman niya." irap na sabi ni Lesly. "Nobyo ko naman siya okay lang naman siguro iyon." balewalang sabi ni Tiffany. "Sis nobyo mo siya seven years ago. Matagal na iyon, marami ng nangyari. Saka lalaki iyon. Sa ginawa pa lang sayo alam ng babaero at f^*kboy ang lalaking iyon." sabi ni Lesly. "Grabe ka naman sa kanya. Hindi mo pa naman siya nakikita at nakikilala. Hahaha." natatawang sabi ni Tiffany. "Sis, ingat ka. Baka mabuntis ka tapos iiwan ka lang niya. Bawal sa Academy ang buntis na walang asawa." sabi ni Lesly. Napatigil si Tiffany, dahil ngayon lang niya naisip ang sinabi ni Lesly. "Hindi naman siguro mabubuo." balewalang sabi ni Tiffany pero may kabang nabuo sa dibdib niya. "Sana nga. Pero paano kung mabuo?" tanong ni Lesly. "Ewan ko. Bahala na." sabi ni Tiffany. Naputol ang usapan nila ng dumating ang mga estudyante ni Tiffany. Nawala sa isip niya ang alalahanin ng makita niya ang makukulit na mga estudyante niya. ................. Hours later Kanina pa si Ramon sa labas ng classroom na pinagtuturuan ni Tiffany, habang pinagmamasdan ang dalaga na aliw na aliw sa mga estudyante nito. May mga bata pa na halos nagsisigawan, naglalaro at meron pang nag-aaway, pero lahat ng iyon gamay ng dalaga i-handle. Napapangiti si Ramon kapag nilalapitan ang dalaga ng mga bata at masaya iyong kinakausap ni Tiffany.. Napabaling ang tingin ni Ramon sa  Academy, naalala niya ang lahat hindi nga lang ang taon kung kailan siya umalis dito, ang taon kung kailan kasama niya si Tiffany. Napahingang malalim si Ramon ng maalala niya ang dalaga kanina na halos mapagod ito sa ginawa nilang pagtatalik. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili ulit-ulitin gawin ang makipagtalik dito. Para itong alak, habang tumatagal at tinitikman mo lalong sumasarap. Mga bagay na ngayon lang niya naramdaman. Kakaibang pagnanasa para sa babaeng hindi niya maalala. .............. "Good bye class. Mag-review kayo." sabi ni Tiffany sa mga estudyante. Tiningnan ni Tiffany ang classroom masaya siya sa ginagawa, ito nga ang mga bagay na nakakawala ng panandalian niyang pangungulila dati kay Ramon. "Hi," bati ni Ramon sa nakatalikod na dalaga. "Napadalaw ka." nakangiting sabi ni Tiffany. Lumapit siya dito at niyakap ang binata. Nagulat si Ramon sa ginawa ni Tiffany ng yakapin siya at hinigpitan  pa n,ito ang yakap dahil kakaibang pakiramdam para sa kanya ang mga yakap ng dalaga. "Susunduin kita. Para hindi ka na magpasundo sa iba." nakangiting sabi ni Ramon. "Talaga?" masayang sabi ni Tiffany. "Oo." sabi ni Ramon at ginantihan ng yakap ang dalaga. "Namimiss ko ang pagsundo mo sa akin. Madalas mo akong sunduin dati noong nag-aaral tayo kaya noong nawala ka ang akala ko hindi na mauulit ang pagsundo mo sa akin gaya ng dati." nakangiting sabi ni Tiffany. "Ginagawa ko iyon?" nagtatakang tanong ni Ramon, kahit kailan wala siyang hinatid o sinundo na babae, ngayon pa lang at si Tiffany iyon. "Minsan ginagawa mo na lang ng kusa at sinasabi ang mga dati mong ginagawa. Umaasa ako maaalala mo rin ako. Maghihintay ako Ramon." sabi ni Tiffany at niyakap pa ng mahigpit si Ramon. Iba ang pakiramdam ng mga yakap ni Ramon, ang akala ni Tiffany hindi na niya ito magagawa. Napapaiyak siya kapag naalala ang pitong taong wala ito at nangungulila siya dito. "Bakit ka umiiyak?" nagtatakang sabi ni Ramon ng maramdamang umiiyak ito. "Huwag mo na akong iiwan, baka kasi hindi ko na kayanin kapag nawala ka pa sa akin." sabi ni Tiffany pero tumingin lang si Ramon sa kanya. Napatingin si Ramon kay Tiffany hindi niya alam ang isasagot niya at malabo ang sinasabi nito. Tatlong buwan lang ang itinatagal ng mga babae sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD