ORLA
“Do you know who that guy is, Orla?”
Pagbalik ko sa pila ay agad na inusisa ako ng mga kaibigan ko kung kilala ko ang lalaking nasa unahan ng pila namin. Sasabihin ko sana na trabahador ang lalaking yon sa amin pero nagdalawang isip akong sabihin dahil baka mag usisa lang sila. Ni hindi ko nga alam kung paanong makakapag aral ang lalaking yon dito sa Wesley University!
Habang nakapila kami ay naririnig ko na kinakausap siya ng babaeng pinasingit niya sa pila.
Is that his girlfriend?
Nang tingnan ko ang itsura ng babaeng kausap niya ay hindi pamilyar sa akin ang mukha kaya sigurado ako na hindi rin siya anak mayaman dahil kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita sa kahit na anong event.
“His face is not even familiar. Baka isa sa mga scholars dito,” sambit ni Kelly kaya napatingin kami sa kanya.
“Scholar?” kunot ang noo na usisa ko. Tumango si Kelly.
“Yeah. Yung anak kasi ng driver namin nakapasok din dito. Mas ahead siya sa atin ng isang taon. Matalino kaya nabigyan ng scholarship at nakapag aral dito,” paliwanag niya. Napatingin ulit ako sa dalawa sa unahan namin.
So, scholar ang trabahador na yon dito sa Wesley University? Tsk! Kaya naman pala nakapasok dito kasi libre siya sa tuition!
“Whoa! Siguradong isa siya sa makakalaban mo sa academics, Orla!” Bulalas ni Janine. Tumaas ang kilay ko.
Scholar lang siya at sa academics lang siya posibleng manguna samantalang ako ay posibleng magkaroon ng advantage dahil sa sports ko na volleyball!
Wala sa sarili na napangisi ako. Wala akong balak na magpalamang sa kahit na sino. Kailangan kong patunayan sa Levin na yon na kayang-kaya kong manguna sa klase namin para mapahiya siya sa mga sinabi niya kay Daddy!
“He looks sporty, too. Ano kayang sports niya?” Curious na tanong ni Lexa. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Kung alam lang nila na construction worker din ang lalaking yan ay hindi nila maiisip na sporty siya dahil lang sa built ng katawan!
Natigil lang ang pag-uusisa ng mga kaibigan ko tungkol sa trabahador nang dumating ang grupo nina Jax. Alam kong may gusto sa akin si Jax pero hindi siya pasok sa IQ standards ng mga lalaki na posibleng maging boyfriend ko.
“Jax got a new hairstyle! I like the old one!” Komento ni Janine.
“Parang medyo naging tan yung skin ni Kiko. Mukhang sa beach nag spend ng vacation!” Komento naman ni Lexa.
“Kobe is already looking at you, Orla. Patay na patay talaga sayo yang tatlo na yan,” mahinang bulong ni Kelly. Hindi ko pinansin ang sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa tatlo. High school pa lang kami ay kilala ko na silang tatlo pero wala naman silang kayang i-offer kundi ang mga mukha lang nila.
I don’t need handsome guys. Aanhin ko naman ang mga gwapo kung average lang naman ang utak?
Pagkatapos naming mag-enroll ay nagyaya sa mall ang mga kaibigan ko kaya doon na kami dumiretso para kumain. Inabot kami sa mall ng ilang oras. As usual, we weren't looking for anything in particular, we just window-shopped. At madalas ay ganito ang ginagawa namin kapag magkakasama lalo na kapag naisipan na mangibang bansa ng biglaan.
Alas singko na kami nag desisyon na umuwi pero ako ay hindi muna sa bahay dumiretso dahil tinatamad pa akong umuwi kaya nagpahatid ako sa isa sa mga paborito kong coffee shop. Medyo malayo na ito sa bahay namin pero sobrang narerelax ako kapag pumupunta sa shop na ito. May mga ilang schoolmates din ako na madalas tumambay dito dahil kakaiba talaga ang ambiance ng buong coffee shop.
“Hello, Miss Orla! Welcome back to the Caphe Cup!”
Pagpasok ko sa loob ay ngumiti agad sa akin ang isa sa mga staff dito na madalas na nagseserve ng order ko. Ngumiti ako sa kanya kaya agad na inasikaso niya ako.
“The usual po?” tanong niya. Tumango ako.
“Yeah. And serve it on my favorite spot,” sambit ko at saka nakangiti na umakyat sa second floor nitong coffee shop.
Doon ako madalas na pumwesto dahil sobrang nakaka relax lalo na at maganda ang tunog ng speaker sa gawi dito.
Caphe Cup has retro vibes. Meron silang DJ na nagpeplay ng music na nirerequest ng mga customers. At ang maganda pa dito ay pwede kang mag request ng kanta na hindi nalalaman na ikaw ang nag request!
“Here's your order, Miss Orla…” Nang i-serve sa akin ng staff ang order ko ay inabot ko sa kanya ang tissue kung saan ko sinulat ang request ko na song. Nakangiting kinuha niya ang tissue at saka umalis na.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang song na palagi kong nirerequest kapag pumupunta ako dito.
That song is my Mom’s favourite song.
Sa tuwing naaalala ko ang kwento sa akin ni Mommy kung paano niya nakilala si Daddy ay napapangiti ako.
Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you…
Napangiti ako nang narinig ang song na nirequest ko.
Ang sabi ni Mommy ay nasa isang bookshop daw siya at busy sa pagbabasa ng paborito niyang novel nang biglang nag-play ang isang song.
Kasabay daw ng pag play ng song na yon ay ang paglabas ni Daddy mula sa isang bookshelf.
Nagkatitigan daw silang dalawa ng ilang segundo. And my Mom swears that she actually felt that the world literally stopped spinning!
Sa totoo lang ay sa halip na kiligin ay kinilabutan ako noong una niyang kinwento sa akin ang tungkol doon. Para kasing sobrang corny ng mga terms na ginamit niya.
But then when she passed away, I realised that Daddy was her one great love. For her, it was rare to just experience love when she's already 18.
Minsan ay napapaisip ako. Ilang buwan na lang ay 18 na ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararanasan na mainlove.
Maeexperience ko rin kaya ang love na yan kapag nag 18 na ako?
Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you…
Napangiti ako at saka humigop ng kape habang patuloy pa rin sa pakikinig sa paboritong song ni Mommy.
On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold
And starlight in your eyes of blue…
“Kross!”
Sa gitna ng paghigop ko ng kape ay narinig ko ang isang pamilyar na pangalan. Nang lumingon ako sa gawi ng hagdan ay ilang sandali lang ay nakita ko nang umakyat doon ang isang lalaki.
He was holding a tray with a cup of coffee in it.
That is why all the girls in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you…
Nahigit ko ang hininga at muntik pang matulala nang makita siya.
Why the hell is this guy everywhere?! Kahapon ay sa bahay ko siya nakita. Kanina ay sa school. Ngayon naman ay nandito sa coffee shop na paborito ko?!
Nakita kong tumigil siya sa paglalakad at saka ginala ang tingin sa paligid.
I literally held my breath when he turned to my side! Mas lalo pa akong hindi nakahinga ng maayos nang unti-unting ngumiti siya. Flashing his boyish smirk!
Just like me, they long to be
Close to you…
Naglakad siya palapit sa gawi ko kaya napalunok ako. Pero ilang sandali lang ay umangat ang tingin niya at saka lumampas sa table ko!
“Here's your order, Ma’am. Sorry po kung medyo natagalan…”
Binaba niya ang coffee sa table na nasa likuran ko!
Napasinghap ako.
Shìt! Why did I even think that I was the one he's smiling at! Hindi naman ako nag aabang ng order!