“Uh, no,” kalmadong sagot ko sa kabila ng kakaiba niyang aura. Natatakot talaga akong kausapin siya dahil sa aura niya pero minabuti ko talagang maging kalmado dahil baka mabasa talaga niya ang aking iniisip. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng takot sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaniyang aura o sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin? Ngunit kahit na ganoon, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahugot na lamang nang malalim na hininga. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagtataka pero hindi siya ganoon kahalata. Hindi ko alam kung nagpapanggap lamang ba siya sa pagpapakita ng emosyon pero nginitian ko lamang siya. “I’m just exhausted,” wika ko. Nakakapagod naman kasi talagang mamili ng cake para sa kasal namin. Sa sobrang dami, parang gusto ko na lang umuwi. Wala rin nama

