Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin pa rin sa aking harapan. Wala akong ibang maisip ngayon kung hindi ay ang naging pagkikita namin ni Vile kanina. Sa paraan kasi ng kaniyang mga mata, kita kong galit siya o baka guni-guni ko lang ang bagay na iyon? Ipinilig ko ang aking ulo hanggang sa bigla kong narinig ang pagtikhim ni Rafael sa aking gilid. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Nakakabinging katahimikan kasi ang namayani habang siya ay nagmamaneho. Kaya nakakagulat ang biglaan niyang pagtikhim. Bahagya tuloy akong nahiya dahil sa nangyari. Hindi ko kasi alam na malalim ang iniisip ko at hindi ko man lang napapansin ang lalaking papakasalan ko. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin. Parang imbis na mapunta ang atensyon ko sa kaniya, kay Vile na napu

