Niyakap ko ang aking tuhod habang nakahiga sa kama. Para akong bata sa puwesto ko ngayon pero wala, eh. Mas comfortable ako sa ganito kaysa iyong niyayakap ko ang unan. Humugot naman ako nang malalim na hininga nang sa gayon ay makakalma naman ako kahit papaano. Kumikirot kasi talaga ang puso ko at hindi ko alam kung ano ang magandang gawin. Puwede naman akong lumabas ng kuwarto ko pero wala akong lakas. Pakiramdam ko ay nasa paligid ko lamang si Vile at binabantayan ako. Hindi ko nga lang sigurado pero ewan. Parang gusto ko na lang humalata rito at mag-isip kung ano ang puwede kong gawin para kahit papaano ay wala namang maglarong negative sa isipan ko. Sinubukan ko na rin gamitin ang cellphone ko para manood o hindi kaya ay buksan ang aking social media account pero mabilis aking mabag

