Napaawang ang aking labi habang nanginginig na inaayos ang seatbelt. Matulin kasi ang takbo ng kaniyang sasakyan. Wala na siyang pakialam kung nakakailang overtake na siya tapos medyo alanganin pa. Although, aware naman ako na kaya talaga niyang magmaneho nang mabilis dahil kagaya nang sabi niya, isa siyang mafia—no. Russian mafia pala. May tiwala naman ako sa pagpapatakbo niya nang mabilis dahil hindi naman siya gagawa nang ikakapahamak ko pero hindi ba niya alam na hindi ako sanay sa ganito? Never akong nagpatakbo ng sasakyan ko na ganito kabilis. Well, gets ko naman na dapat talaga ay mabilis ang mga sport car dahil ayon naman talaga ang purpose nila pero hindi naman kasi race track and high way! “Vile,” tawag ko sa kaniya dahil hindi pa rin siya nagiging mahinahon. Kita ko ang pag

