bc

Valencia Brood Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)

book_age0+
6.9K
FOLLOW
58.1K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
goodgirl
kickass heroine
CEO
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong linya ng trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali para sa kanya dahil hind dapat malaman ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya kasi nito ang nagdesisyon na kailangan nito ng bodyguard.

Kaya nag-apply si Marissa na maging personal assistant ni Vicente. Ang problema, ayaw umano nito sa babaeng assistant, simply because his past PA's ended up falling in love with him. Kaya ipinangalandakan niya sa singer na hindi siya mai-in love rito kahit isama pa nito iyon sa kontrata.

Ang tanong: mapapanindigan kaya niya ang sinabi niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KONTENTONG pinagmasdan ni Marissa ang butas na nasa pinakagitna ng kanyang paper target. Nasa firing range siya at nagpa-practice ng pagbaril. Hindi pa siya nagmimintis dahil asintado pa rin siya. Dumaan lamang siya roon bago pumasok sa opisina.         Mayamaya ay inayos na niya ang mga gamit para pumasok sa opisina na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Ilang minuto lang at naroon na siya.         Kauupo pa lang ni Marissa sa kanyang executive chair nang tumunog ang cell phone niya. Agad siyang na-curious nang makitang si Vladimir Mondragon ang tumatawag. Dati itong mataas na opisyal ng Philippine Army pero mula nang mag-asawa ay nagretiro na at piniling magtayo ng sariling negosyo. Ang kuya niya na isa ring sundalo ang talagang kaibigan ni Vladimir. Mula nang mamatay ang kapatid niya ay naging magkaibigan na rin sila.         “Vlad,” agad na bati ni Marissa. Hindi sila ang tipo ng magkaibigan na madalas mag-usap o magtawagan, gayunman alam nila na kaibigan nila ang isa’t isa. “Kanino ko utang ang tawag mong ito?”         Vladimir chuckled. “Kilala mo ako, Issa. Kaya kong mabuhay nang walang cell phone,” natatawang komento nito.         Napangiti siya. “Alam ko. So, kumusta ang asawa mo? I heard, binigyan na naman siya ng parangal ng isang Asian award-giving body. Congratulations `kamo.” Sikat na newscaster ang asawa ni Vladimir.         “She’s fine. Makakarating sa kanya at salamat. Ahm, Issa, tumawag ako para sabihan ka na ini-refer ko ang agency mo sa isang malapit na kaibigan. No. Actually, hindi lamang malapit na kaibigan kundi halos kapatid ko na rin—si Charlie Valencia.”         Naikuwento na kay Marissa ng kuya niya na halos magkapatid na nga raw ang turingan ng mga Mondragon at mga Valencia. Pero kahit kailan ay hindi nagsalubong ang mga landas nila ng kahit sino man sa mga Valencia dahil hindi siya nakaka-attend ng kahit na anong okasyon kina Vladimir. Magkagayunman, kilala pa rin niya sina Charlie at Vicente Valencia dahil sikat na personalidad ang mga ito. Si Charlie ay isang chef at si Vicente o Enteng ay isang singer.         Ang agency na tinutukoy ni Vladimir ay ang Oliveros Security Agency. Itinatag iyon ng lolo niya na isang war veteran. Naipasa ang agency sa papa niya, sa kuya niya, at ngayon ay sa kanya. Hindi siya matatawag na tomboy pero lumaki siyang may hilig sa baril at aksiyon. Bata pa lamang ay nag-aral na siya ng martial arts, ganoon din ng paghawak ng baril.         Nursing ang kursong tinapos niya pero hindi naman tinutulan ng kuya niya nang maging interesado siya sa agency. Sa katunayan, ito pa nga ang nagturo sa kanya ng maraming bagay bago ito binawian ng buhay.         Pinatunayan ni Marissa ang kanyang kakayahan kaya naman iginagalang siya ng kanyang mga tauhan kahit napakabata pa niya kompara sa mga ito.          “Charlie Valencia? Kailangan niya ng bodyguard?” tanong niya kay Vladimir. May nagtatangka ba sa buhay ni Charlie?         “Hindi si Charlie but— Anyway, darating naman diyan sa opisina mo si Charlie. Kayo na ang bahalang mag-usap.”         “Okay. I hope, hindi ka mapahiya sa pagre-refer mo sa agency namin.” Nilangkapan niya ng biro ang pagkailang na nararamdaman. A referral coming from Vladimir Mondragon meant a lot to her. Lalo pa nga at malapit na kaibigan nito si Charlie.         “Come on, Issa. Malaki ang tiwala ko sa agency ninyo at lalo na sa `yo. You know how much your brother talks about you. Kung gaano ka kagaling at ka-dedicated sa trabaho mo. How you always outsmart him in every way.”         “Wala akong masabi,” aniyang nagsisimula nang maging emosyonal. “Salamat sa tiwala.”         “Don’t thank me because you deserve it. O pa’no? Expect a visit from Charlie, okay?”         “Okay. Bye.”                 Marissa had been warned about the visit of Charlie Valencia. Pero hindi niya inakala na noon din mismong araw na iyon ay darating ang binata sa opisina niya at may kasama pang isang lalaki na hindi pahuhuli ang kaguwapuhan sa binatang chef. Hindi niya kilala ang lalaki pero tila may dugong Valencia ito dahil may hawig kay Charlie.         “Itinawag na sa akin ni Vladimir ang tungkol sa pagdating mo—ninyo,” ani Marissa sa dalawa nang makapasok sa opisina niya. Inilahad niya ang kamay para makipagkamay. “Marissa Oliveros, at your service.” Hindi nakaligtas sa kanya nang rumehistro ang pagtataka sa mukha ng dalawang lalaki.         “I didn’t expect I’d be dealing with—”         “A lady?” putol niya sa sinasabi ni Charlie. Binigyan niya ang binata ng isang pormal na tingin.         Gumuhit ang manipis na ngiti sa mga labi ni Charlie. “With a very young and gorgeous lady,” anito bago tinanggap ang kamay niya. “Ako si Charlie at ito naman ang pinsan kong si Cedrick.”         “It’s my pleasure to have you here. Please have a seat.” Iminuwestra niya sa dalawa ang receiving area kung saan nila idi-discuss ang sadya ng mga ito.         Naupo naman ang mga ito roon. Nang maisilbi ang kape, saka nila binuksan ang paksa.         “Kuya Vladimir refered this agency to me. `Ibig sabihin, kilala ka niya at alam niya na makakatulong ka sa amin. Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa, Miss Oliveros. Kailangan namin ng bodyguard para kay Vicente,” wika ni Cedrick na mukhang mas pormal kaysa kay Charlie.         So that was it. Si Vicente—ang singer—ang nangangailangan ng bodyguard.         “Vicente is a singer, a public figure. Wala kaming ideya kung sino ang pupuwedeng magtangka sa buhay niya dahil wala naman siyang nakakaaway. Last month, may sumabotahe ng chartered plane ni Vicente pero si Kuya Brandon ang naging biktima. Naaresto na ang salarin pero ayaw ituro ang mastermind. We are all worried about it. Hindi imposible na maulit ang mga ganoong pangyayari hangga’t hindi nahuhuli ang mastermind. Kaya napagdesisyunan ng pamilya na ikuha ng bodyguard si Vicente,” patuloy ni Cedrick.         Matamang nag-isip si Marissa. “Desisyon ng pamilya? `Ibig bang sabihin, hindi alam ni Vicente na magkakaroon siya ng bodyguard?”         “Ganoon na nga.” Si Charlie ang sumagot. “We want the job to be as discreet as possible. Aalis si Vicente papunta sa Europe dahil may recordings siya roon. As much as possible, gusto ng pamilya na may bantay na si Vicente sa oras na iyon kahit hanggang sa Europe pa. Money is not an issue here. Ang gusto naming malaman ay kung may mga competitive staff ka ba na maaaring gumawa ng trabahong iyon,” anito. Hindi malaman ni Marissa kung bakit tila may naglalarong mga liwanag ng ilaw sa mga mata nito.         They wanted the best man. Isang bodyguard na talentado, highly skilled, at masisiguro ang kaligtasan ng singer sa lahat ng sandali. Marami silang tauhan na nagtataglay ng mga katangiang iyon. And they can be as discreet as possible. Kung tutuusin, marami na rin silang kliyente na nasa linya ng politika at show business. Sisiw na ang ganoong trabaho. Pero iba ang kasong ito. It was personal dahil ayaw niyang mapahiya kay Vladimir. Bukod sa kaibigan niya ang binata, sa pagkakaalam niya ay ito lamang ang kinaibigan ng kuya niya at hindi iilang beses na hiningan ng pabor. Now, it was her turn to return the favor.         “We want the best of the best, Miss Oliveros. Do you have one?”         “Meron. Ako.”         Suminghap si Cedrick. Si Charlie ay ngumiti nang makahulugan.         “Ikaw?” kunot ang noong pagkumpirma ni Cedrick.         “I’m capable. Para patunayan kung totoo ang sinasabi ko, wala kang ibang gagawin kundi ang tanungin si Vladimir. In the first place, kaya nga kayo narito ngayon ay dahil sa rekomendasyon ni Vladimir, hindi ba?” nakataas ang noo na wika niya, bagaman nauunawaan niya ang naging reaksiyon ni Cedrick.         Sa isang tao na hindi siya kilala ay hindi maiisip na nasa ganoong linya siya ng trabaho. Hindi siya astig tingnan. Very feminine ang facial features niya. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero alam niyang maganda siya. Mataas siya kompara sa pangkaraniwang height ng isang Filipina. Her curves fell in the right places. Itinatago lamang niya iyon sa mga jacket niya. Malakas ang kita ng agency kaya mayaman din siyang maituturing.         Kung paano siya makalalapit kay Vicente na hindi nito nalalaman na isa siyang bodyguard? Iyon ang mataman niyang pagpaplanuhan.         Tumunog ang telepono ni Cedrick. Nag-excuse ito bago tumayo at sinagot ang tawag. Ilang sandali ang lumipas at muli na itong naupo.         “Si Kuya Dylan ang tumawag,” imporma nito sa kanila. “Oh, Miss Oliveros, si Kuya Dylan nga pala ang manager ni Vicente. The timing is just perfect dahil nagpapahanap daw si Enteng ng personal assistant.” Tumingin ito sa kanya. “You’re in. Mag-a-apply ka bilang personal assistant ni Enteng. We need you to stay as close to him as possible.”         “Tumawag na rin sa akin `yan— Wait, hindi ba niya sinabi sa `yo na lalaki ang gustong maging assistant ni Enteng?” tanong ni Charlie.         “Ipinagdiinan pa nga,” ani Cedrick bago nagkibit-balikat. “Up to the challenge, Miss Oliveros?”         “I’m in,” sagot niya.   MAHINANG napasipol si Marissa nang makita kung gaano kahaba ang pila ng mga nagnanais na makakuha ng autograph ni Vicente Valencia. Nasa isang mall siya noon at sinisimulang pag-aralan ang routine ng binata. Iyon ang huling leg ng mall tour at album signing ng binata bago ito pumunta sa Europe. Mamaya ay isasama na siya ni Cedrick sa bar kung saan tutugtog si Vicente.         Everybody was excited, lalo na ang kababaihan na may mga hawak na album ng binata. Iyon na nga naman ang pagkakataon ng mga ito na makalapit sa binata, makapagpa-picture, at makapagpa-autograph. Ang giveaway na poster ng binata ay ingat na ingat na hinahawakan ng mga ito na animo isang kayamanan.         Magkakalahating oras nang nagmamasid doon si Marissa pero hindi man lang yata nababawasan ang mga nasa pila. Tila nga lalo pang humahaba iyon. Alam niyang sikat si Vicente subalit ngayon lamang niya naunawaan kung gaano ito kasikat. Hindi na siya magugulat kung makailang platinum o gold ang album nito. Why, it was selling like hotcakes!         Nabigyan na siya ng briefing ni Cedrick. Alam na niya kung sino-sino ang makakatrabaho niya pagdating sa career ng binata. It was a good thing na si Dylan Valencia ang manager nito. Hindi siya mahihirapan dahil alam ni Dylan kung ano ang sitwasyon. Dylan was there. Nasa isang sulok ito katabi ng asawang si Lorraine.         “Oh,” mahinang bulalas ni Marissa nang siksikin siya ng isang babaeng nagnanais masulyapan man lang si Vicente. The girl sighed in admiration. Sa halip na mainis ay napangiti na lang siya. Ibinalik niya ang tingin sa podium kung saan naroon ang binata. Abala pa rin ang binata sa pagpirma habang nakapagkit sa mga labi ang isang kaakit-akit na ngiti. Tila wala rin itong kapaguran sa pagbibigay sa mga babaeng nagnanais na magpa-picture dito.         “Vicente…” She pondered the name.         “I CAN be your hero baby. I can kiss away the pain, oh yeah. I will stand by you forever. You can take my breath away...”               Napangiti si Vicente sa mga audience niya na siyamnapu at siyam na porsiyento ay kababaihan at pusong-babae. Ang bawat isa ay may nakasungaw na dreamy look sa mga mata habang nakatitig sa kanya.         Vicente bowed pagkatapos ng huling nota ng kanyang inaawit. Ang kantang “Hero” ang huling kanta niya sa gabing iyon. “Thank you. Salamat!”         “More, more, more!” The crowd chanted in unison.         “Hey, guys. Wala ba kayong ibang pupuntahan?” natatawa niyang tanong sa mga ito. Nginitian niya ang mga nanonood kaya naman lalong lumakas ang tilian.         “Wala!” iisang sagot ng mga ito na ikinatawa ni Vicente.         “Aww! Paano ba `yan, may lakad ako, eh,” aniya. Umungol ang mga ito ng pagpoprotesta pagkatapos ay tila iisang tinig na humiyaw uli ng “more, more, more!”         He was Vicente Valencia or “Enteng” to family and friends. Bata pa lang daw siya ay kinakitaan na siya ng talento sa pagkanta. At a young age, he was already a performer. Hindi natatapos ang bawat reunion ng pamilya nila na hindi siya pinakakanta. And he loved the attention and the praise kaya naman panay ang pakitang-gilas niya. Ginagaya niya ang mga sikat na rockstar sa Hollywood. Sa pagdaan ng panahon ay na-realize niyang hindi pala ang atensiyon at mga papuri na dulot ng pagkanta ang gusto niya kundi ang pagkanta mismo. He loved the craft. Sa puso niya ay unti-unting bumangon ang isang pangarap—ang maging isang tanyag na mang-aawit.         Lumaki siya sa San Francisco. Permanente lamang siyang umuwi sa Pilipinas nang makatapos ng pag-aaral. Ang mga Valencia ay mayaman pero imbes na magtayo siya ng negosyo katulad ng kanyang mga pinsan ay piniling tahakin ang landas na gusto niya, na mahal niya—ang pagkanta. Wala namang tumutol sa pamilya niya maliban sa isang kondisyon; na si Dylan dapat ang magiging manager niya para mapangalagaan diumano ang kapakanan niya. Dylan agreed to the idea. Hindi naman naging hadlang iyon para maapektuhan ang pagiging negosyante nito.         Pumunta siya sa iba’t ibang singing auditions—mga TV shows. Nadismaya lang siya nang mapansing mas binibigyan yata ng atensiyon ang panlabas niyang hitsura kaysa sa kanyang talento. May pagkakataon pa na sadyang ipinalya niya ang mga nota at sa pagkadismaya niya ay natanggap pa rin siya. Gayunman, pinatunayan niya na may ibubuga talaga siya sa pagkanta. Sa kabutihang-palad ay nagtagumpay naman siya.         “More, more!” Lumakas ang hiyawan ng mga manonood.         Tumuon ang mga mata ni Vicente sa isang sulok ng bar. Naroon si Cedrick at nanonood ng gig niya. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae na maayos na nakapusod ang mahabang buhok. She was wearing a denim jacket and fitted denim pants. Hindi niya masyadong mabistahan ang hitsura ng babae dahil medyo mapusyaw ang ilaw sa loob ng bar. Gayunman, may kung ano sa personalidad nito na nakakatawag ng pansin. At nakatitiyak din siyang hindi ito karelasyon ni Cedrick dahil hindi naman nagpapakita ng kahit na anong intimate gestures ang dalawa hindi katulad ni Dylan noong isama nito si Lorraine sa bar ding iyon.         Inalis ni Vicente ang paningin sa babae at ibinalik iyon sa karamihan. “Do you want more?” tanong niya sa audience.         “More!”         “Okay, okay. Dahil mahal ko kayo, kakanta pa ako nang isa. Then magkita-kita na lang uli tayo sa susunod kong gig. Okay ba iyon?” Pumayag naman ang lahat. Sumenyas si Vicente sa band members niya. As if on cue ay biglang dumilim ang paligid at tumutok sa kanya ang spotlight. Yumuko siya. Nang mag-angat ng paningin ay nakapaskil na sa mukha niya ang isang naughty look. Hiyawan ang mga manonood.         “Swaying room as the music starts. Strangers making the most of the dark. Two by two their bodies become one. I see you through the smokey air. Can’t you feel the weight of my stare. You’re so close but still a world away. What I’m dying to say, is that I’m crazy for you…” The crowds went crazy.         Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpaalam na siya sa audience.         “Guys, una na ako sa inyo,” ani Vicente sa mga kabanda nang nasa backstage na sila. “Kita-kita na lang uli pagbalik ko galing Europe,” dagdag niya habang kinukuha ang gitara. Noong nakaraang buwan pa dapat siya pupunta sa Europe para mag-record ng ilang awitin pero nagkaroon ng aberya nang maaksidente ang pinsan niyang si Brandon. Ginamit ni Brandon ang private chartered plane niya at aksidenteng nag-crash iyon. Gayunman, tila blessing in disguise din ang nangyari dahil muling nagtagpo ang mga landas ng pinsan niya at ni Febe—ang babaeng noon pa ay minamahal na nito.         “Sure. Ang pasalubong namin, huwag kalilimutan,” wika ni Blake, ang drummer.         Ang bandang Orion ay binubuo ng keyboardist na si Shane, ng guitarist na si James, si Blake, at si Vicente ang vocalist. Solo performer na siya bago pa man maging miyembro ng bandang iyon. He liked the Orion. Ilang beses na niyang napanood ang performance ng mga ito. Talentado ang bawat isa at talaga namang nagbe-blend ang bawat instrumento. Nang mawalan ng vocalist ang Orion, nag-audition siya at natanggap naman. Kalabisan mang sabihin pero malaki ang naitulong niya para makilala ang Orion sa Pilipinas. Isa sa pinakagusto niya sa Orion ay ang pagiging malinis na banda nito. Walang bisyo at solido ang samahan. Sa pagkakaalam niya, kaya natanggal ang dating vocalist niyon ay dahil sa isyu ng droga. Orion did not want that.         “I’ll keep that in mind.” Lumabas na siya ng backstage at nagtungo sa isa pang silid na alam niyang naghihintay ang pinsang si Cedrick. Kasama ang recordings na iyon sa Europe sa mga natanguan niya noon pa man kaya nauunawaan ng mga ito na mag-isa lang siyang pupunta sa Europe.                          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.3K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.0K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.2K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook