Chapter 2

2393 Words
HINDI malaman ni Marissa kung bakit nakadarama siya ng kakaibang kaba habang hinihintay na bumukas ang pinto at pumasok si Vicente. Sanay na siya sa mga undercover assignment kaya hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman, na para bang nakatakda siyang sumuong sa isang pangyayari na magpapabago sa kanyang buhay.         Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Vicente. Vicente Valencia was tall and devastatingly attractive! Muntik na siyang mapasinghap kung hindi lamang niya napigilan ang sarili. Why, Vicente looked larger than life! Nakalulunod pala ang presensiya nito kapag ganoong malapit lang. Ibang-iba ang dating ng binata kaysa kaninang pinagmamasdan niya sa mall.         “Cedrick—” Natigilan si Vicente sa tangkang pagbati sa pinsan nang makita si Marissa. Hindi alam ni Marissa kung ano ang iniisip ng binata dahil tila saglit itong natigilan habang nakatingin sa kanya. Deretso itong nakatingin sa mga mata niya kaya naman pakiramdam niya ay may kumislot na bahagi ng kanyang pagkatao.         Pero may napansin agad siya kay Vicente. Kung kaninang nasa stage ito ay kuntodo ngiti at tila nakapaskil na sa mga mata ang pang-aakit, ngayon ay animo seryoso na. Gayunman ay hindi rin naman siya in-snub.         “Hi,” bati nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa silid at isinara uli ang pinto.         Tipid na tumango si Marissa. Pilit niyang kinakalma ang kalooban pero tila lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya inaasahang ganoon ang kanyang magiging reaksiyon sa sandaling nasa harap na niya ang binata.         “Vicente, I’d like you to meet your brand-new personal assistant, si Marissa. Na-screen at na-interview na siya ni Kuya Dylan. She’s qualified, so okay siya kay Kuya Dylan.”         Bahagyang kumunot ang noo ni Vicente, pagkatapos ay inakbayan si Cedrick at bahagyang bumulong. Pero dahil natural na malakas ang kanyang pandinig ay narinig pa rin niya ang pinag-uusapan ng dalawa.         “Cedrick, hindi ba nabanggit sa `yo ni Kuya Dylan na ayoko ng assistant na babae? Besides, alam mo naman kung bakit, `di ba?”         “Oh, sure. Alam ko ang rason mo at naiintindihan ko iyon. Pero pagkatiwalaan mo kami pagdating kay Marissa. Hindi siya katulad ng mga babaeng naging assistant mo,” sagot naman ni Cedrick na ikinataas ng kilay niya. Ano ba ang naging issue ni Vicente sa mga nakaraan nitong assistant?         Tumikhim si Marissa. Lumingon naman ang dalawa. Partikular na itinutok niya ang paningin kay Vicente. “Excuse me, pero naririnig ko ang pinag-uusapan ninyo. Mawalang-galang na, Mister Valencia, pero puwede bang malaman kung bakit ayaw mo ng assistant na babae? Puwede nating i-settle ang issue na iyan and we can come to terms and agreement.”         “Sige na, Vicente, sabihin mo sa kanya kung bakit ayaw mo ng assistant na babae. Mag-usap muna kayo. Habang nag-uusap kayo, tatawag muna ako sa San Francisco. Babalik din agad ako,” amused na wika naman ni Cedrick bago ito umalis.         Naiwan sila ng binata. Tiningnan siya ni Vicente—mali, mas angkop na sabihing tila pinag-aralan nito ang kanyang anyo. Maganda siya at sanay na ring pinag-uukulan ng ikalawang sulyap nino man pero tila hindi siya mapalagay sa mga mata nito.         “Ano’ng ayaw mo sa mga babae, Mister Valencia?” panimula ni Marissa. “I mean, bakit ayaw mo ng assistant na babae?” pagtatama niya sa tanong nang mapansin ang pagtaas ng isang kilay ng binata.         “Because they end up loving me,” agad nitong sagot na tumingin pa sa kanya nang deretso. May kung ano sa paraan nito ng pagtingin na nagpakaba sa kanya. Tila kasi tagos-tagusan iyon at kayang basahin ang nilalaman ng kanyang isipan.         “Ano’ng masama roon?” wala sa sariling tanong niya.         Pinagsalikop ni Vicente ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. “Okay lang naman sana kung hanggang doon lamang iyon kaya lang hindi nila maihiwalay ang nararamdaman nila sa trabaho. Sa huli, sila pa itong gumagawa ng paraan para mapansin ko, doing something provocative para humantong kami sa kama. I don’t like that because I don’t mix business with pleasure. Oh, sure I’m a certified man, pero hindi ako nakikipagrelasyon sa employee ko.”         Hindi malaman ni Marissa kung paano sasagot. Maaaring hindi aware si Vicente, pero dahil sa sinabi nito, malaking bahagi ng pagkatao ng binata ang tumatak sa isipan niya. Kinalma niya ang sarili. “Naiintindihan kita. Pero kung iyon lang naman pala ang dahilan mo, then, ipanatag mo ang iyong kalooban sa akin. Hindi ako matutulad sa mga naging assistant mo dahil hindi ako mai-in love sa `yo,” matatag niyang wika. Pero bakit may munting tinig na pilit humihiyaw ng pagtutol sa naging deklarasyon niya?         “Ganyan din ang sinabi nila sa akin,” balik naman ng binata.         “Eh, di sesantihin mo ako sa unang beses na gumawa ako ng advancement sa `yo. Come on, Mister Valencia, hindi lahat ng babae ay magkakagusto sa `yo.” Binigyan niya ang binata ng naghahamong tingin. “Magkakaiba kami ng mga mata, magkakaiba sa pamantayan ng kaguwapuhan, at magkakaiba ng hinahanap na katangian ng lalaking mamahalin. Hire me and rest assured I won’t fall in love with you.”         Umunat ang likod ni Vicente. Pinagsalikop nito ang mga palad at mataman siyang tinitigan. “Hindi ko alam kung matutuwa ako o mao-offend sa sinabi mo. You really have the guts to tell that to my face.”         Gustong mailang ni Marissa sa klase ng titig ng binata pero hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinalubong niya ang mga mata nito para iparating na totoo siya sa mga sinabi. Pero ang totoo, hindi rin niya alam kung paano nasabi ang mga iyon. “Dahil alam ko kung ano ang gusto ko,” sagot niya. “Ipanatag mo ang loob mo, Mister Valencia, dahil hindi ako katulad ng mga babaeng iyon. Kung gusto mo, isama mo pa sa kontrata ang tungkol dito. I won’t fall in love with you.”         “Kaya mong panindigan iyan?” Kung kanina ay kababakasan pa ng pagtanggi ang mukha nito ngayon ay blangko na iyon.         “Yes,” siguradong sagot niya.         Saglit na nanahimik si Vicente. And then he pouted na tipong may tinitimbang na bagay-bagay sa isipan nito. Napapalatak siya sa kanyang isipan. Bakit tingin niya ay lalong gumuguwapo ang binata sa bawat minutong lumilipas?         “Kompleto ka ba sa travel documents? Say, to Europe?” mayamaya ay tanong ni Vicente. Nakadama siya ng tagumpay. Ang ibig sabihin lamang ng tanong na iyon ay tanggap na siya.         “Kompleto ako. Actually balak kong magtrabaho sa Europe pero nagbago ang plano ko. Hindi ko naman alam na mapapakinabangan ko pa rin pala ang mga iyon.”         “Then you’re hired,” anito bago inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon at nakipagkamay sa binata. Natilihan si Marissa. May kung anong init na tila nagbigkis sa mga kamay nila ng binata. Kakaiba ang init na iyon na tila maliit na boltahe ng kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Hindi rin siya sigurado kung pinisil nga ba ng binata ang kamay niya o imahinasyon lamang niya ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero natagpuan na lang niya ang sariling nakatingin nang deretso sa mga mata ng binata.         “So, okay na— Oh!” wika ni Cedrick nang makabalik ito sa silid. Bigla siyang nagbawi ng kamay. Si Vicente naman ay bale-walang ipinamulsa ang kamay nito.         “Tanggap na siya,” wika ni Vicente sa pinsan.         “Good. Ibabalita ko na kay Kuya Dylan,” sagot naman ni Cedrick bago siya sinulyapan. The game was on.                                 PAGKATAPOS ng tatlong araw ay sakay na sila ng eroplano papunta sa Europe. Si Cedrick na ang umasikaso sa ticket niya. Ang manager naman ni Vicente na si Dylan ay susunod doon. Hindi ito nakasabay sa biyahe nila dahil sa conflict sa schedule nito. Pupunta lang sa Europe si Dylan para makipag-usap sa mga producer ni Vicente pagkatapos ay muli na itong babalik sa Pilipinas. Ang alam ni Marissa ay nagawan na rin ng paraan ni Dylan ang hotel accommodation niya. Dahil dalawang linggo lang sila roon, nagkasundo sila nina Cedrick na hindi na siya magdadala ng baril. Bukod sa mahirap magpasok ng baril sa ibang bansa ay iginarantiya naman ni Vladimir sa mga Valencia ang kakayahan niya. She was armed and she could turn simple things into a weapon.         Tulog si Vicente. In all fairness, nagpaalam naman ang binata sa kanya na tutulugan daw siya dahil wala itong tulog nang nakaraang gabi. Bahagya siyang tumagilid at palihim na pinagmasdan ang binata. Guwapo ito sa salitang guwapo. Matangos ang ilong at prominente ang pangahang mukha na tinubuan na ng mga stubble. Ang buhok nito ay may-kahabaan na lalo pa yatang nagpalakas sa personalidad nito. Kapag ganoong nakapikit ang binata ay aakalaing nagtataglay ito ng maamong mga mata na siyang kabaligtaran dahil may karakter ang tingin nito, tila iyon nang-aakit na hindi mawari. Napansin lang niya na ang pagkakaroon ng expressive eyes ang isa sa mga taglay na katangian ng mga Valencia. Napatingin siya sa mga labi ng binata. They were full and sensuous. And she wondered how it would feel to have him kiss her.         Ipinilig-pilig ni Marissa ang kanyang ulo. Bakit naman doon humantong ang pag-aanalisa niya sa mga physical attributes ng binata? Mula pa nang una niyang marinig na umawit si Vicente ay tila naging instant fan na rin siya ng binata. He had a rich, soulful voice. Hindi niya malimutan kung paano ito nag-perform. Ang bawat letra at nota ng mga kanta ay tila nagmumula sa kaibuturan ng puso nito kaya naman walang-kaduda-duda na tumatagos din iyon sa mga manonood. Pinatunayan ni Vicente na marami itong tagahanga hindi dahil guwapo ito kundi dahil may talento talaga sa pagkanta.         Umayos siya ng upo at pilit kinalma ang sarili. Dapat niyang tandaan na naroon siya para bantayan ang binata at siguruhin ang kaligtasan nito sa lahat ng oras.         “Can I get you something to drink, Ma’am?” anang stewardess na lumapit kay Marissa. Ang aral na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito ay biglang naging totoo nang dumako ang paningin nito kay Vicente. Baka nga sinadya pa nito ang paglapit dahil sa binata.         “No. Thank you,” aniya. Bigla ay parang gusto niyang sumimangot.         “What about you, Sir?” baling nito kay Vicente. Napatingin tuloy si Marissa sa binata at nakumpirmang gising na ito. Natilihan siya. Kagigising lang ba ni Vicente o kanina pa ito gising at pinili lamang na huwag imulat ang mga mata?         Umiling ang binata pero nakaguhit sa mga labi nito ang isang ngiti. “I’m fine, Claire. Thank you.” Lihim na tumaas ang isang kilay niya. Magkakilala ang dalawa? An old friend or past girlfriend?         Umalis na ang stewardess. Nagsalubong ang mga mata nila ng binata. Namayani ang katahimikan. Hindi rin naman niya alam kung paano magbubukas ng paksa na maaari nilang pag-usapan. Mayamaya pa ay tumayo ito. Palihim niyang sinundan ng tingin ang binata. Nakita niyang nagtungo ito sa lavatory. Agad din naman itong nakabalik. Naglabas ito ng headphone at isinuot iyon bago muling pumikit. Nakagat ni Marissa ang ibabang labi. Bakit ba siya naiilang sa presensiya nito?                 “OKAY lang ba sa `yo itong setup natin?” tanong kay Marissa ni Vicente nang makaalis na ang mga representative ng EurInt Entertainment—ang recording company na kumontrata sa binata. Sinalubong sila ng mga ito sa airport at inihatid sa isa sa mga pinakakilalang hotel sa Paris para sa accommodation nila. Umaga na nang makarating sila sa Paris.         Uh-oh. Considerate, huh? panunukso ng puso niya.         Ang setup na tinutukoy nito ay ang hotel suite na kinaroroonan nila. Magsasama sila sa iisang suite. Gayunman, dalawa ang silid niyon. Family suite kaya ganoon.          Tumango si Marissa. “This is more than fine. Ikaw ang inaalala ko kung okay lang sa `yo ang ganito.”         “It’s fine with me. Actually, `yong suite sa north wing ang naka-reserve sa akin. Bukod sa suite na ito, the next available room ay nasa ikatlong palapag na mula rito. Pero dahil madalas kitang aabalahin kaya hindi practical na nasa ibang palapag ka pa.”         “Walang problema. Dalawa naman ang bedroom.” Ang hindi alam ni Vicente ay planado na ang setup nila. Inayos na iyon ni Cedrick. She will stay as close to Vicente as possible. “Aayusin ko na muna ang mga gamit mo.”         “Saka na,” pigil ng binata, hinawakan pa ang braso niya na bahagya niyang ikinagulat. Tila ito man ay nagulat din sa ginawa. “Nakakapagod ang biyahe sa eroplano kahit nakaupo lang. Magpahinga na lang muna tayo.”         Napatango na lang si Marissa. Pakiramdam niya ay nawala sa ayos ang daloy ng kanyang isip dahil sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga balat. Salamat na lang at agad din naman iyong binitiwan ni Vicente. Tinutungo na ng binata ang silid nito nang tawagin uli siya.         “May kailangan ka ba?”         “None. Gusto ko lang sabihin sa `yo na deretso na akong matutulog. Hindi na ako kakain ng tanghalian. Ikaw, puwede kang um-order ng pagkain kahit na anong oras. Just call room service whenever you needed anything. Don’t worry about the bill, EurInt will shoulder of all the expenses. Nasa biyahe na rin daw si Kuya Dylan. May sarili naman siyang unit sa second floor. Pagkatapos ng welcome party ay babalik na uli si Kuya sa Pilipinas. So, we only have each other here. Kung may kailangan ka, `wag kang mag-alinlangang sabihin sa akin.”         “Sige.”         “So it’s settled,” anito bago tuluyang binuksan ang kabilang silid at pumasok doon.         Naupo si Marissa sa sofa. She was distracted. Nawawala siya sa focus. At hindi magandang senyales iyon dahil ngayon lamang nangyari ang bagay na iyon sa kanya.         “Focus, Marissa, focus!” aniya sa sarili. Tinungo na niya ang kanyang silid at nahiga roon. Baka kailangan lang niya ng sapat na pahinga. Pero hindi siya makatulog. Marahil ay namamahay lamang siya. Ipinasya niyang maligo na lang. Pagkatapos makapaligo, ang pag-aayos naman ng mga gamit ang kanyang inasikaso bagaman kakaunti ang mga iyon.         Muli siyang nahiga sa kama at itinutok ang mga mata sa kisame kahit wala naman doon ang kanyang isip.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD