“THANK you for flying with us. Hope to see you again on board. This is your Captain…” boses iyon ng piloto na umaalingawngaw sa speaker ng eroplano. Ligtas na nakauwi sa Pilipinas sina Marissa at Vicente at ngayon nga ay kalalapag pa lang ng eroplano. Huminga nang malalim si Marissa. She felt like she was running like a whirlwind since she saw Vicente. Hindi niya inakalang mamahalin niya ang binata sa maikling panahon ng pagkakakilala niya rito. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi mai-in love kay Vicente. Guwapo ito at talaga namang kaibig-ibig. Bawat sulok yata ng pagkatao ng binata ay mamahalin nino man. Kahapon, pagkagaling nila sa awtoridad para magbigay ng statement ay hindi na nila pinag-usapan ang insidente. Maging ang ginawang paghalik at pagyakap sa kanya ng

