“WELCOME to the Valencia’s safe haven, Hacienda Catalina,” ani Vicente nang unti-unting bumaba sa helipad ang chartered plane na sinasakyan nila. Hindi alam ni Marissa kung ano ang dapat asahan doon pero nae-excite siya. O marahil, sapat nang rason na kasama niya ang binata para ma-excite. So this is the Valencia haven, huh? It was all greenery. May malaking villa na nakatayo sa pinakapusod ng lupain. The view was spectacular, lalo pa at napansin niyang sakop ng hacienda ang isang baybayin. Subalit kapansin-pansin ang mga log cabin na nasa iba’t ibang panig ng lupain. Pahapyaw siyang kinuwentuhan ng binata ng tungkol sa pamilya nito. Ayon dito ay ang magpipinsang Valencia lamang ang nasa Pilipinas. Ang mga elder ay nasa San Francisco, California at doon nakabase.

