chapter 1 MOTHER'S TEARS
SHEILO POV
"DANILO!!"
Sigaw ni inay sa pangalan ni itay habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha sa pisngi. Parang pinipiga ang aking dibdib sa sakit dahil sa aking nasaksihan. Kung paano lumuhod si inay sa harapan ni itay habang ang dalawang kamay ni inay ay nakahawak sa laylayan ng damit ni itay.
"Parang awa mo na Danilo,huwag mo kaming iwan ng anak mo."
Naitakip ko ang aking kanang kamay sa aking bibig upang pigilin ang mga hikbing gustong kumawala at baka marinig nila at malamang nandito ako. Dahan-dahan akong umupo sa likod ng puno ng mangga na nasa bakuran ng aming maliit na bahay.
Hindi nila ako makikita dito dahil sa may kalakihan ang puno ng mangga maliban na lang kung pupunta sila dito mismo.
"Patawad Sheikah,pero sawa na ako sa buhay nating ito na swerte na lang kung makakain tayo ng tatlong beses sa isang araw. Hindi kaba napapagod sa ganitong buhay?"Saad ni itay.
Sa kanyang sinabi di ko maiwasang magdamdam kay itay at biglang pag-usbong ng galit dito sa puso ko para sa aking ama.
Papaano n'ya nasabi ang mga salitang iyon sa mismong harapan ni inay. Hindi lang naman s'ya ang nahihirapan ah,si inay din naman ah nahihirapan pero tiniis ni inay ang lahat kahit halos mapodpod na ang mga kamay n'ya sa paglalabada,wala s'yang kahit isang reklamo na naririnig mula kay inay.
Alam kong mahirap lang kami,pero hindi naman yon ang importanti diba? Ang importanti magkakasama kaming tatlo. At saka hindi naman kami nagugutom eh.
"Alam ko,kung gusto maghahanap pa ako ng ibang pagkakakitaan o di kaya huwag ka ng magtrabaho para hindi kana mapagod o mahirapan pa ako na lang,kaya ko naman eh."Sabi ni inay.
Kahit sobrang naaawa ako kay inay at nasasaktan sa nakikita ko sa kanya ngayon,di ko maiwasang mainis din sa kanya. Paano n'ya nagawang lumuhod at magmakaawa ng ganito kay itay.
"Sheikah hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko?!ayaw ko na nang ganitong buhay at hindi mo ako mapipigilan."
"Ayaw mo ng ganitong buhay o gusto mo lang talagang sumama sa Margie na yon!"sigaw ni inay sa kanya.
Dahil sa pagsigaw ni inay napasilip ako sa kanilang kinaroroonan,at nakita kong nakatayo na si inay habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa pisngi.
"Patawad Sheikah,hindi ko sinasadyang mahalin s'ya. Oo noong una gusto ko lang s'ya dahil sa pera nya,para sa atin. Pero hindi ko inaasahan na matututunan ko s'yang mahalin."nakayukong sabi ni itay sa inay ko.
"A-ano?"
Nakikita ko ang sakit sa mga mata ni inay na nakatingin kay itay.
"Patawad Sheikah"
"Patawad,patawad! Iyan lang ba ang kaya mong sabihin matapos mong aminin sa akin ang iyong ginawang pagtaksil sa pagsasama natin?"
Walang kapantay na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha habang nakikinig at nakatingin sa mga magulang ko na ano mang oras masisira na ang pamilyang ito. At maiiwan kami ni inay na parehong nasasaktan sa munting tahanan namin. Habang ang itay ay magpapakasaya kasama ang babaeng pinli niya.
Wala na akong narinig na salita mula kay itay,ganun din kay inay hanggang sa magsalita muli si inay.
"Paano kami ng anak mo ngayon Danilo? Hindi mo na ba kami mahal?"
Wala akong narinig na sagot mula kay itay sa tanong ni inay. Nanatiling nakatitig si itay sa kanya.
"Forget it."Sabi ni inay.
Kahit papaano napangiti ako sa pag English ni inay. Magaling si inay mag English at Spanish yon nga lang itinatago n'ya. Parang ako lang yata nakakaalam dahil palagi n'ya akong tinuturuan.
"Umalis kana,bago kapa abotan ng anak ko. Ayokong makita na nasasaktan ang anak ko dahil mismo sa sarili n'yang ama."
Dagdag pa ni inay saka iniwan si itay sa labas at pumasok sa loob ng bahay.
Natuon ang buong attention ko kay itay na nanatiling nakatayo sa bakuran namin habang nakatitig sa nakasaradong pintuan namin.
Napansin ko ang pagdilim ng kalangitan at ang pagbabadyang pag-ulan.
Tiningnan ko ulit si itay na nakatayo parin. Ganun na lang ang pagtitig ko sa kanya ng makita ko s'yang nagpunas sa kanyang mga mata. 'umiiyak ba sya?' tanong ko sa kawalan.
Nang akmang aalis na si itay mabilis akong lumabas mula sa aking pinagtataguan at lumapit sa kanya.
"Itay"
Mahinang tawag ko sa kanya pero sapat na para marinig n'ya ako.
"A-anak"
Nauutal n'yang tawag sa akin.
"Umalis na kayo tay at sana ito na ang huli nating pagkikita."
Pinipigilan kong maiyak sa harapan n'ya. Sobrang sikip ng dibdib ko habang binibigkas ang mga salitang labag sa kalooban ko. Lalo nang makita ko ang sakit sa mga mata ni itay.
Malapit kami sa isa't-isa ni itay. Mas matatawag pa nga na makatatay ako. Hindi ko alam kong panong nangyari ang lahat ng ito,kung paano nagawa ni itay ang mga bagay na ito.
"Patawad anak,sana balang araw maintindihan mo ako."
Walang sabi-sabi bigla kong niyakap si itay.
Oo,galit ako sa kanya pero hindi nagawang takpan ng galit ko ang pagmamahal na mayroon ako para sa itay ko. Hindi ko kayang magalit sa kanya.
"Itay,....gusto ko lang sabihin na galit ako sayo dahil sinaktan mo si inay. Sinaktan mo kami,pero gusto ko ring sabihin sayo na mahal kita itay. Gusto ko sa pag alis mo babaonin mo ang pagmamahal na mayroon ako para sayo para kahit papaano magiging tunay kang masaya kung saan ka man pupunta."
Matapos kong sabihin ang mga salitang galing sa puso ko agad na akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya at walang lingong iniwan s'ya.
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay namin. Kinalma ko muna yong sarili ko bago ko nilapitan si inay na hanggang ngayon umiiyak parin.
"Inay,are you okay?"
I asks as I sit beside her.
She quickly wipes her tears but it's too late. I already saw more than enough.
"Sweetheart!"
Sweetheart is my mom endearment to me.
"Are you okay mom?"
I still asked though I know everything. Ayaw kong pangunahan s'ya. I'll wait until she's ready and willing to tell me everything. For now I pretend that I didn't know anything. That I didn't know what's going on.
"Hmmmm"she nodded at me and smile. "I'm fine Sweetheart,don't mind me. You know sometimes your mom is like a crying baby, right?"she said.
No matter how she put a smile on her face it's still visible to me that she's in so much hurt inside.
"Ofcourse I know that mom."
I ride her lie. And I smiled at her to show her that I didn't notice anything.
"Sweetheart can mom hug you for a minute?"
"Ofcourse mom"
I said as I open my both arms wide.
Naramdaman ko na lang ang higpit ng pagkakayakap n'ya sa'kin. Naririnig ko na din ang kanyang paghikbi sa balikat ko. I can't do anything to help my mom lessened the pain she felt right now. But I promise I will stay here with her no matter what.
'Don't worry mom magiging okay din ang lahat. At nandito lang ako palagi sa tabi mo. At hinding-hindi kita iiwan katulad na lang ng ginawa ni itay sa atin' bulong ko sa sarili ko.