❣︎ SHAZYL ❣︎ Lunes kinabukasan. Bandang alas ocho ng umaga kami pinalabas. Ang ibig sabihin ng labas ay 'yong sa labas talaga. Nakakalabas naman kami sa selda para kumain, gaya kagabi. Ang sabi pa, bawat selda ay may kan'ya-kan'yang area of responsibility araw-araw. Kami ang nakatoka sa paghuhugas ng mga ginamit sa pagluluto t'wing pananghalian. Wash your own policy kasi rito. Kaya ang mga ginamit lang sa pagluluto ang huhugasan namin. May kasama kaming galing sa dalawa pang selda. Iba naman ang maghuhugas t'wing agahan at hapunan. Sa dami ba naman ng mga babaeng preso, mauubusan talaga ng tatrabahuin. Pagkatapos ng agahan ay lumabas na kami sa garden ng Kababaihan Building. Mula rito, kita namin ang garden ng Kalalakihan Building. Hindi naman gano'n kataas ang bakod, pero sigur

