❣︎ SHAZYL ❣︎ Nang kumalma na ako, saka nagsalita si Dhel. "Ako naman... magsasampung taon pa lang dito," Yumuko s'ya at para bang humuhgot pa ng lakas ng loob para magsalita, "Pi-Pinilit ako ni Mama na mamasukan bilang pokpok kagaya n'ya." Oh sh*t! Bakit may mga nanay na kayang sikmurain ang mga kahayupang narinig ko? Bakit pa sila nagkaanak kung tatratuhin naman nilang parang baboy! "Pito kaming magkakapatid at iba-iba ang mga tatay. At bilang panganay, kinailangan kong tulungan si Mama para buhayin ang mga kapatid kong hindi pa nga nasisilang sa mundo ay itinakwil na ng mga tatay nila." Isang mabigat at malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko dahil sa narinig. Ayaw kong manumbat dahil wala ako sa lugar at higit sa lahat hindi ko naman alam ang buong kwento. Pero t*ng ina! N

