❣︎ SHAZYL ❣︎ Nakatulala lang ako sa labas ng bintana, habang dinadaanan ng sinasakyan namin ang kalsada papunta sa Mejado Jail. Ang sakit. Kung sino man ang naglagay sa bulsa ko ng papel na 'yon... Gusto n'ya akong masaktan. Pero bakit? Bakit ginawa n'ya 'yon? Kilala ko ba s'ya? Anong gusto n'yang iparating sa 'kin? Base sa papel na hawak ko ngayon, parang galing ito sa notebook na napulot ko. Hindi ko pa nakakalimutan ang nakasulat sa notebook na 'yon. The deepest downfall is when everyone abandoned you. But the saddest agony is when your own family seems to forget you. They were there physically, but the truth is they ignore you as if you don't exist. You sacrificed a lot just for them. You even forget yourself for their sakes. You gave all for them to live and be happy.

