Nasa tapat na ako ng gate at palipat-lipat ang tingin ko sa bintana at notebook. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Gusto ko na lang sana na umalis na lang at hayaan ang kung ano mang ingay ang narinig ko kanina. Pero... Parang may tumutulak sa 'kin na pumasok. "Hayss! Kapag talaga may chismis, nabubuhay 'yong pagkatao ni Vanessa sa 'kin!" Huminga ako nang malalim at dahan-dahang itinulak ang gate. Mabuti na lang at hindi 'yon naka-lock. Inilibot ko ang tingin sa bakuran ng bahay. Ngayon ko lang din napansin, ang tataas na ng mga damo. Marami ring tuyong dahon na nagkalat. Pati mga bulaklak halatang hindi nadidiligan. Mag-isa lang ba s'yang nakatira dito? Nasa paanan ko na ang notebook. Nakatingin lang ako rito ng ilang segundo, bago nagdesisyon na pulutin. Binuklat ko 'yon at n

