Panaginip. Isang masamang panaginip. Isang bangungot ng aking kahapon na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatantanan. Hindi ko napigilan ang luhang kumawala sa aking mata at malayang lumandas sa pisngi ko. Bumagsak 'yon sa kumot ko at hindi nagtagal naglaho rin dahil natuyo. Kung sana ang problema ng tao ay katulad ng luha. Mabilis na naglalaho. Pero para 'atang ilog ang mga problema, patuloy sa pag-agos at hindi pa sigurado kung matutuyo. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Pinamukha nila sa 'kin na mas mahalaga pa ang ibang bata kaysa sa totoo nilang anak. Aist! Ang aga, ang drama! Kaagad na akong bumangon at naligo. Wala ng ingay sa baba kaya wala na rin sigurong tao. Tiningnan ko ang orasan. Kaya naman pala, tanghali na. Kung kailan ang libing ay hindi ko alam. At wala

