Nagmamadali akong bumaba at halos madapa na ako sa pagtakbo, para maabutan sina Mama. Magpapaalam akong sasama sa gagawing charity program ng eskwelahan namin sa isang bahay-ampunan na nasa kabilang bayan, sa Santa Ana. Baka sakaling matuwa sila at mapapansin na rin nila ako. Pero, bagsak ang mga balikat, napaupo na lang ako sa pinakahuling baitang ng aming hagdanan. Tinatanaw ang papalayo naming sasakyan. Bakit? Anak ba talaga nila ako? Huling attend nila ng meeting or ng mga school activity na sinasalihan ko ay no'ng grade two pa lang ako. Tumuntong ako ng grade three, parang nawalan ako ng mga magulang. Simula nang nag-grade three ako, mag-isa na lang akong umaakyat sa stage para kumuha ng parangal. Simula grade three, mag-isa na lang akong kumakain dito sa bahay. Simula grade t

