Muntik ko nang matapon ang nag-iingay na bagay, kung 'di ko lang minulat ang mga mata ko.
Vanessa calling...
Tiningnan ko muna kung anong oras na bago sagutin ang tawag n'ya.
"Langya ka naman, Vanessa! Alas dyes pa lang, oh!" bungad ko sa kan'ya.
/"Wow, ha! P'wedeng hello muna?"/
Kung 'di lang s'ya anak mayaman at dyosa sa kagandahan, mapagkakamalan ko s'yang tambay sa kanto. Daig pa ang adik magsalita.
"Ay, oo nga pala. Salamat, Vanessa, ha? Kung 'di dahil sa 'yo, wala ako dito sa kwarto ko at wala ako sa bahay na 'to at wala ako sa lugar na 'to!" I said mockingly and rolled my eyes as if she's able to see it.
/"You're welcome."/
"Tumawag ka lang ba para sirain ang araw ko?"
/"Hmm, nakakapanibago lang kasi, nakaka-miss din pala 'yang mukha mong lagi lang nakasimangot."/
"Ang sabihin mo, wala kang kasamang ka-chismisan d'yan."
Tumayo na ako sa kama ko, buti na lang medyo malaki 'tong kama ko, kung hindi, sa sahig talaga ako natulog.
/"Ay true! Alam mo bang 'yong si Ms. chaka? Dinaig pa ang rainbow sa suot n'ya ngayon!"/
Binansagan n'yang Ms. chaka 'yong may ari ng salon na nasa harap ng printing press n'ya.
"Hay naku! Araw-araw naman 'yang gan'yan." Binuksan ko ang aparador ko at namili ng susuutin, bababa ako para mag-agahan, "At saka, please lang, I want some peace of mind, Vanessa."
/"Ay bongga! Mukhang nag-e-enjoy ka na 'ata sa bakasyon mo, ah?"/
"Ah, oo. Nag-enjoy ako ng ilang minuto kagabi sa kulungan," I said sarcastically at kinuha ang terno kong damit—long sleeve and jagger silk pants.
/"Seriously!"/
Bigla kong nailayo sa tenga ko ang cellphone, dahil sa biglaan n'yang pagsigaw.
/"Ano na namang ka-abnoramalan ang ginawa mo?"/
"May sinuntok lang naman akong masyadong matabil ang bibig," sagot ko sa kan'ya at saka kinuha ang tuwalya ko at personal hygiene kit.
/"Kaya ayaw kitang kaaway, eh! Baka ma-jombag ako nang wala sa oras!"/
"Ewan ko sa 'yo! Sige na, maliligo na ako at baba para makapagluto ng agahan ko."
'Di ko na hinintay na makasagot pa s'ya at pinatay na agad ang tawag.
May sarili namang banyo at cr 'tong kwarto ko, kaya 'di na ako mahihirapang umakyat-baba.
Pagkatapos kong maligo, kaagad na akong bumaba, bitbit ang cellphone at wallet. Mag-go-grocery muna ako. Ayokong maging palamunin dito.
Pero, 'di pa ako tuluyang nakakababa, amoy na amoy ko na ang niluluto sa kusina. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. Parang tinutusok ako ng karayom nang dahan-dahan. Napahawak ako sa stair handle, dahil pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko.
Bakit?
Bakit ngayon lang s'ya naging ganito? Kung dati pa sana, 'di ako lalamunin ng ganito katinding galit at sakit.
Dumako ang mga mata ko sa kabaong na nasa sala. Ang babaeng nagbigay ng buhay sa 'kin ay wala ng buhay ngayon. Hinahanap ko sa kasuluk-sulukan ng puso ko ang lungkot dahil sa pagkamatay n'ya, pero 'di ko mahagilap, kahit katiting man lang.
Tahimik ang buong paligid, baka wala na ring tao sa labas.
Kung sino man ang nag-asikaso sa lamay kagabi ay 'di ko alam at wala akong pakialam.
Unti-unti kong kinakalma ang sarili ko saka naglakad muli pababa. Didiretso na sana ako palabas, ngunit tinawag ako ng isang pamilyar na boses.
"Good morning, Ms. De Vega."
Nang lingunin ko ang may ari ng boses ay 'di nga ako nagkamali.
"Oh, Sarhento? Naligaw ka 'ata?" Anong ginagawa ng lalakeng 'to rito?
"Mag-almusal ka muna, anak," pag-aaya ni Papa sa 'kin.
'Di na ako sumagot pa at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Dumiretso ako sa pinakamalapit ng grocery store at bumili ng mga kakailanganin ko at pagkain.
'Di nakaligtas sa mga mata ko ang tingin ng mga tao. Ba't bigla 'ata akong naging sikat dito? Lagi akong nasa top list no'ng dito pa ako nag-aaral, pero aloof ako sa mga tao, kaya alam kong walang masyadong nakakakilala sa 'kin, lalo na at ilang taon na rin ang lumipas. Kahit sa hitsura at ayos ko ay malaki na rin ang pinagbago. Nakasuot ako ng makapal na salamin dati, pero ngayon, contact lense na ang gamit ko. Dati, puro nakabestida lang ako, ngayon may fashion sense na ako kahit papa'no. The perks of living in a city and of course, may kaibigan 'ata akong kikay—na abnormal.
At sigurado ako, na 'di ako makikilala kaagad ng mga taga-rito. Kaya, nakakapagtaka kung ba't ganito sila makatingin, parang kilalang-kilala nila ako.
Ewan nga rin at ba't ako nakilala ng babaeng weakling kagabi sa bar.
Masyado ko na silang iniisip at nakalimutan kong wala pala akong pakialam.
Matapos makapagbayad sa counter ay kaagad na akong bumalik sa bahay.
Pagkababa ko sa kotse, natanaw ko kaagad ang bahay na katabi ng sa 'min. Dumako ang mga mata ko sa bintanang nakabukas at nakitang naroon ang matandang pinakilala ni Papa sa 'kin kagabi, na matalik na kaibigan daw ni Mama. 'Di ko alam na may isa pang matalik na kaibigan si Mama. Si Santillan lang ang alam kong matalik n'yang kaibigan. Isa pa, sigurado akong 'di sila magkaedad.
Alyanda
Kahit ang pangalan n'ya 'di pamilyar sa 'kin.
Nakatingin lang s'ya sa langit. Kahit malayo, nakikita kong blangko ang ekspresyon ng mukha n'ya.
Napahawak ako bigla sa dibdib ko at napasandig sa kotse ko.
Bakit?
Bakit nakikita ko ang batang ako sa kan'ya?
Gan'yang-gan'yan din ako. Nakatingin sa langit mula sa bintana ng kwarto ko.
Bakit?
Bakit nararamdaman ko na naman ang sakit just by looking at her?
Tiningnan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita ang batang ako na nakatingin sa langit. Dumaan sa isipan ko ang mga binubulong ng batang ako.
"Bakit nabuhay pa ako?"
'Di na maawat ang mga luha ko sa pagpatak.
"Bakit kailangan kong maranasan ang ganito?"
Naninikip na ang dibdib ko at ang sakit na ng lalamunan ko.
"P'wede bang mamatay na lang?"
Mariin akong napapikit. Sa murang edad, ginusto ko nang mamatay. Sa murang edad, hinarap kong mag-isa ang reyalidad ng buhay.
Minulat ko ang mga mata ko at binalik ang tingin kay Alyanda, nakita kong nakatingin na s'ya sa 'kin.
Our gazes locked and I don't know why my tears started to pour out even more. I can't breathe normally.
What kind of feeling is this?
"Ms. De Vega?"
Kaagad akong yumuko at pinunasan ang mga luha sa mukha ko. I composed myself before facing the police officer.
"Wala ka bang bahay at nakikikain ka ng almusal sa lamay?"
I can see confusion in his eyes, but still, he managed to answer me, "In case you didn't know, nag-vigil ako kagabi at tumulong sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay."
"Kulang na lang sabihin mong, 'wala ka talagang kwentang anak'," I said sarcastically, but I can't even hear sarcasm on what he said.
Idiot of me!
Nilagpasan ko na s'ya at kaagad na pumasok sa bahay.
Naabutan kong nasa harap ng kabaong si Papa at katabi nito si Jheen.
Mag-syota ba ang Jheen na 'to at ang pulis na 'yon?
Tss! As if I care!
Pumunta kaagad ako sa kusina. Nakita kong may nakahandang plato na nakataob, may kutsara at tinidor—nakapatong sa placemat na nasa dining table.
Umirap ako sa kawalan.
Ano 'to? Bumabawi s'ya sa lahat ng pagkukulang n'ya bilang Ama? Well then, he should try harder.
Nagsimula na akong magpakulo ng tubig para sa pancit canton.
Instant food muna tayo ngayon self.
Gusto kong matulog ulit at plano kong gumala mamaya.
"Wala ka ba talagang consideration man lang?"
Nilingon ko ang biglang nagsalita sa likuran ko at tinaasan s'ya ng kilay, "Nagtatanong ka?"
Nilagay ko na sa tray ang platong may laman ng pancit canton at tasang may kape. Gusto ko sa gazebo kumain.
Akala ko wala na s'yang planong kausapin ako, pero nakasunod pala s'ya sa 'kin hanggang sa makaupo ako sa gazebo.
"Ba't ka pa umuwi kung gan'yan lang din naman ang pinapakita mo?" she said while holding her hair being blown by the air.
Maganda s'ya.
Kahit nakasalamin, nakikita kong ang ganda ng mga pilikmata n'ya, ang maliit at matangos n'yang ilong ay bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Maliit at manipis ang mga labi n'ya.
She's a fine woman.
Kung sana 'di lang masyadong ang daming sinasabi, magiging kaibigan ko s'ya. But, no thanks!
"Ba't ka nandito? Mambubulabog ng almusal ko?" balik kong tanong sa kan'ya.
"Kagabi pa ako rito."
"Ah, magkasama kayo no'ng syota mong pulis," walang paliguy-ligoy kong sabi at saka nag-umpisa nang kumain.
At dahil nasa may gate malapit ang gazebo, nakikita ko ang kabuuan ng bahay at ang katabi nitong bahay.
Bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Ang biglaang pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit na naramdaman ko.
"Tama nga si Mir, hindi mo kami naaalala."
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. She's looking at me intently.
"Eh, kung pinapaalala n'yo sa 'kin? Nasa guessing game ba tayo?" Kairita na 'to sila. Ang dami pa kasing satsat.
"Masyado kang nabulag sa nakaraan, nilunod mo ang sarili mo sa paglimot ng kahapon. Hindi mo inalam ang totoo. Pati kami ni Mir, kinalimutan mo."
This time, parang naubusan 'ata ako ng sasabihin. Nakatingin lang kami sa isa't isa, habang malayang pinapalid ng sariwang hangin ang mga buhok namin.
I withdrawn away from her stare and cleared my throat, "Pi-Pinagsasabi mo? Kulang ka 'ata sa tulog."
"Ikaw? Ano pa ang kulang para magising ka na sa katotohanan?"
Naputol na ang pasensya ko at kaagad s'yang sinigawan, "Siraulo ka pala, eh! Katotohanan ba! Alam mo ba ang nangyari sa 'kin? Sa amin! Kung sinabi mo na lang kung sino kayo at kung anong dapat kong malaman, eh tapos na! Daming dada!"
Nanatili s'yang kalmado, samantalang hinahabol ko na ang hininga ko, dahil kanina pa 'ko nagtitimpi na 'di dumapo ang kamay ko sa mukha n'ya.
"Bakit? Nagtanong ka ba?"
"F*ck you!" sigaw ko ulit sa kan'ya.
Tumayo s'ya at humarap sa bahay namin, "Kung sana, binuksan mo lang ang puso mo sa amin ni Mir dati, hindi ka sana gan'yan ngayon."
"Sino ba kasi kayo! Masyado kang malalim magsalita! Hihigitan mo pa 'ata si Balagtas sa pagiging sobrang makata!"
Hinarap n'ya akong muli at nagsalita bago s'ya umalis, "Hindi na importante kung sino kami, ang dapat mo lang malaman ngayon ang buong katotohanan."
Tinitingnan ko ang likod n'yang papalayo sa 'kin. Hinarap n'ya akong muli at para bang may isang alaalang pilit na kumakatok sa isipan ko.
Dumaan pa ang ilang minuto, pero 'di ko talaga maalala.
Sumandig ako sa upuan at tumingala sa kalangitan. Nagliliparang mga ibon sa himpapawid ang bumusog sa mga mata ko.
Nakalimutan ko sila, pero ba't ang sakit 'di maalis-alis sa puso ko?
Totoo ngang nakakalimot ang isip, ngunit hindi ang puso—pusong binalot sa sakit at pinalibutan ng galit.
Akala ko, maghihilom na ang sugat ko sa buhay na sinugatan ng mapait na mga alaala. Mga alaala sa puso kong naging dahilan kung bakit mahihigitan pa nito ang tigas ng isang bato.
Pero, ito ako ngayon. Dinadama na naman ang sakit na ilang taon kong pinilit na gamutin.