CHAPTER SEVENTEEN NAGKATINGINAN sina Camya at Jingke sabay, "Ayie!" Kunwari ay umingos siya. "Kaya nga ba nagdadalawang-isip akong magkwento sa inyo, eh." Nagkita-kita silang tatlo sa apartment niya dahil nagkaroon ng libreng araw si Jingke. At ayon nga, napunta sa kanya ang usapan. Nagkatinginan na naman ang magpinsan. "Ano naman ang masama ro'n?" tanong ng mga ito. "I mean, bakit kayo ganyan? Amo ko siya, driver niya ako," may pakumpas pa ng kamay na sagot niya. "Sana naisip mo 'yan bago ka na-in love sa kanya," ani Camya. "Pero love conquers all naman, eh," si Jingke at siniko ang pinsan. "'Di ba?" "Ah, eh, tagilid ako sa bagay na 'yan," anito. Mas nilakasan ni Jingke ang pagsiko rito. "Ang sama nito!" Nagkamot ito ng kilay. "Kung sa novel siguro, oo. Pero sa totoong buhay?

