Kabanata 11

1011 Words
Itutuloy ko ba? O hindi? Tinitigan ko ang pamilyar na pintuan sa aking harapan. Sigurado akong ito iyon. Minsan na akong nakapasok sa kwartong ito kaya't imposible na magkamali ako. Sigurado ako. Ito ang kwarto ni Bryant. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang hinawakan ang doorknob. Nang dahil sa babaeng kausap ko kanina ay nagkaideya ako na maaaring dito sila pumunta. Salamat sa kasamahan niyang lasing. Mariin kong kinagat ang aking labi.  Pangako, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa nila. "TR" Animo'y napaso agad kong binitawan ang doorknob. Kinabahan ako ngunit ng mapagtanto na si Trenz lang pala iyon ay nakahinga ako ng maluwag. "Anong ginagawa mo dito?" malumanay kong tanong. Iniwan ko siya kanina sa may kubo. Hindi ko inaasahan na susundan niya ako. Imbis na sumagot ay pinagmasdan niya lang ako pagkatapos ay tiningnan ang pinto sa tapat ko. Nang maunawaan ang ginagawa ko ay naiiling nalang siyang lumapit sa akin pagkatapos ay hinawakan ako sa braso. "Nasa salas halos lahat ng kaklase natin. Naglalaro sila doon, sumali tayo" Sa halip na magpatianod ay nagmatigas ako. Hindi ko alam, gusto kong malaman ang ginagawa nila Bryant. Sinalubong ko ang kanyang tingin. "They are inside this room right?" "Masasaktan ka lang" mapakla akong napangiti matapos marinig iyon. Pang-ilang beses na ba niya iyong sinabi? Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at muling hinarap ang pintuan. Sa sinabi niyang iyon ay mas nakumpirma ko na nasa loob nga sila ng kwarto.  "What will you get kapag nalaman mo ang ginagawa nila?" saad niya, ngayon ay nakasandal na sa pader na katabi ng pinto. What will I get? I don't know. Maybe peace of mind? Ano bang ginagawa ng isang babae at lalaki sa isang kwarto? Agad akong napailing. Bryant is not that kind of guy and I want to prove it myself. Siguro ay inaantok lang si Dei at dahil masyadong mabait ang lalaking mahal ko ay sinamahan niya ito. Yeah,that's it. Hinawakan ko ang doorknob at ipinihit ngunit nakalock ito mula sa loob kaya't nanatili itong nakasara. Mas lalong nanikip ang aking dibdib. Bakit kailangang ilock? Siguro ay ayaw lang nilang maistorbo sa pagtulog. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay humarap kay Trenz na pinapanood lang ako. "May duplicate key ka?" Wala sila tita Maureen ngayon, siguro naman ay iniwan sa kanila ang mga susi dito sa loob ng bahay.  "Iyong ginamit natin na wire para mabuksan itong pinto, pwede pa rin iyon diba?" Nakapasok kami sa kwarto ni Bryant noon dahil doon kaya maaring iyon ulit ang gamitin namin. "Ano? Meron ba? Nasaan?" sunod kong tanong nang hindi niya ako sagutin. "Makisaya nalang tayo sa mga kaklase natin" sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan niya ako sa braso at pilit inalis sa tapat ng pintuang iyon ngunit tulad kanina ay nagmatigas ako. "Gusto ko lang naman malaman kung anong ginagawa nila"  I know he will understand me. "Tapos ano?" bakas ang inis sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin. Sinalubong ko ang kanyang tingin bago sumagot.  "Makakampante na ako" Kung kanina ay kinakailangan ko pang alisin ang kamay niya sa braso ko, ngayon ay siya na mismo ang kumalas. "Saan? TR instead of stalking my brother why not enjoy the night?" Hindi ako nagsalita. I just want to see Bryant. Wala namang mali doon.  Sinabunutan niya ang sarili pagkatapos at hinawakan ako sa magkabilang braso. Huminga siya ng malalim at seryoso akong tiningnan. "Girlfriend na ni kuya si ate Dei kanina ko lang nalaman" Napayuko ako. Sa sinabi niyang iyon ay agad na pumasok sa isip ko ang mga kamay nilang magkasalikop kanina maging ang mahinang pagtawa ni Dei sa tuwing may ibinubulong si Bryant sa kanya. Kanina ko pa iyon pilit itinatanggi subalit kay Trenz na mismo nagmula. Mas lumaki ang bagay na kanina pa nakabara sa dibdib ko. Mabigat iyon at hindi kaaya-aya sa pakiramdam. That glow in Bryant's eyes kanina maging iyong kay Dei. They are both full of love.  Muli ay tumingin ako sa pinto. Anong ginagawa nila? Ano ng gagawin ko? The guy that I like is already taken. Wala sa sarili kong tiningnan ang aking kamay. Pinagmasdan ko ang aking mga daliri maging ang guhit sa aking mga palad. Ano nga naman ang laban ng isang 14-year-old Grade 8 student na gaya ko? How I wish I look more mature. Imposibleng mapansin ako ni Bryant sa ganitong edad at itsura. For him, I'm still his childish inaanak na ngayon ay kaibigan rin ng kapatid niya. Other than that? Wala na. Iyon ang katotohanan na pilit kong hindi matanggap. Him? Liking me? That's absurd! "Just... Enjoy the night TR" Sila na. Girlfriend na ni Bryant si Dei. Ang sakit. "Kapag binuksan natin itong pinto at nakita ka nila, anong sasabihin mo? Na gusto mo lang malaman kung anong ginagawa nila? That will only make you look stupid" ani Trenz nang hindi ako kumibo. I know I don't have the rights here pero hindi ko maiwasan ang mainis.  Stupid? Edi siya na matalino! "Pasensya na a, hindi ako kasing talino mo" sagot ko. May halong pakla ang tunog niyon kaya't bahagyang natigilan si Trenz. Upang makaalis ay mahina ko siyang itinulak. Gusto ko ng umuwi. "TR ang ibig ko lang naman sabihin ay—" hindi ko na siya pinatapos. Dali-dali akong umalis sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Diretso lang ako ng lakad hanggang sa makalabas ng kanilang bahay. "TR sandali lang naman" bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Trenz. "Bumalik ka na sa loob, ikaw itong birthday boy kaya dapat nandun ka" malamig kong sambit. I want to rest.  Nakakapagod. Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.  "Exactly" ani niya natatawa. Ano?  Ako itong nagwawalk-out dito tapos at siya itong magdadrama?  Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Halatang pilit lang ang pagtawang iyon. Tinitigan ko siya ngunit hindi niya sinalubong ang aking mga tingin. Sa halip ay nakapamulsa siyang tumingala sa langit. Kitang kita ko ang paggalaw ng kanyang lalagukan. Kusang tumaas ang aking kilay. What now?  "It's my birthday yet all you think is my brother" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD